Aralin 2

Mula Repormista patungong Rebolusyonaryo

 

Nahubog ang kaisipang rebolusyonaryo ni Apolinario

Mabini bunga ng kanyang mga nasaksihang problema ng

lipunang Pilipino. Ngunit nag-umpisa siya bilang isang

repormista. Sa panahong ito, hinahangad ng mga

repormista ang pagbibigay sa mga Pilipino ng mga

karapatang natatamasa ng mga Espanyol sa kanilang

bansa, tulad ng kalayaan sa pamamahayag, sa pagtitipon at

edukasyon. Ngunit wala sa pag-iisip ng mga repormista

ang pagiging nagsasariling bansa ng Pilipinas.

Naging kasapi si Mabini ng La Liga Filipina, ang samahang

itinayo ni Jose Rizal noong 3 Hulyo 1892 upang maglunsad

ng mga reporma at pagbabago sa Pilipinas tungo sa

pagkakaisa ng mga Pilipino. Hinuli man si Rizal at ipinatapon

siya sa Dapitan ay sinikap pa ring ipagpatuloy ang

samahan.  Sumapi si Mabini nang ito ay muling binuhay

noong Abril 1893. Sa panahong iyon ay estudyante pa siya

ng abogasya sa Unibersidad ng Sto. Tomas. 

Ang iba pang mga layunin ng La Liga Filipina ay:

•Ipagtanggol ang mga Pilipino laban sa karahasan at kawalan ng katarungan;

•Isulong ang edukasyon, agrikultura at pangangalakal; at

•Mag-aral ng iba pang mga reporma at isagawa ang mga ito.

May sariling istruktura ang Liga na binuo ng mga konsejo o sanggunian sa mga lalawigan sa ilalim ng Kataas-taasang Kapulungan.

Nagsilbi si Mabini bilang kalihim ng Kataas-taasang

Kapulungan (Supreme Council) ng La Liga Filipina. Nilayon

nitong mangalap ng pondo para sa pahayagang La Solidaridad.

Ngunit noong 1894 nahati ang samahan dahil sa kawalan

ng pag-asa ng ilang mga miyembro sa posibilidad ng reporma sa

Pilipinas. Sumali si Mabini sa Cuerpo de Compromisarios

na patuloy na naniwala sa reporma. 

Ito ang opisyal na pahayagan ng kilusang repormista sa Espanya; itinatag ito noong 13 Disyembre 1888. Sa pahayagang ito inilalathala ng mga mag-aaral na Pilipino - na ang tawag sa kanila ay ilustrado - ang kanilang mga sanaysay, opinyon at akdang tumatalakay sa mga suliranin sa Pilipinas at ang kanilang mga panukalang solusyon hinggil sa mga ito.

Ang mga kasapi ng Cuerpo de Compromisarios ay nagbigay ng limang piso tuwing unang linggo ng buwan para sa mga gawaing panreporma. Tinuloy ng Cuerpo ang pagsuporta sa dyaryong La Solidaridad. Ang mga kasapi ng Cuerpo de Compromisarios ay nagbigay ng limang piso tuwing unang linggo ng buwan para sa mga gawaing panreporma. Tinuloy ng Cuerpo ang pagsuporta sa dyaryong La Solidaridad. 

Nagsimulang magbago ang pananaw ni Mabini nang

makita niyang hindi umuusad ang mga panukala ng

kilusang repormista dahil sa pagtanggi ng Espanya.

Dumalang ang mga nagbigay ng tulong para sa

paglalathala ng La Solidaridad hanggang ito ay sapilitang

nagsara noong 1895. 

 

Gayundin, nasaksihan ni Mabini ang pagdurusa at kawalan

ng katarungan sa mga ordinaryong mamamayan. 

 

Nang sumiklab ang himagsikan, dinakip si Mabini noong 10

Oktubre 1896 dahil sa kanyang mga gawaing panreporma.

Ang kanyang mga nakasama sa bilangguan, mga matalik

niyang kaibigang Domingo Franco at Numeriano Adriano,

ay pinatawan ng kamatayan. Habang nasa piitan, si Mabini

ay isa nang lumpo bunga ng paralytic stroke. Nabigyan siya

ng amnestiya ni Gobernador Heneral Primo de Rivera at

nakalaya noong 17 Mayo 1897.

 

 

Domingo Franco


4 Agosto 1856 - 11 Enero 1897

 

 

Numeriano Adriano


5 Hulyo 1846 - 11 Enero 1897

 Kasama ni Domingo Franco, si Numeriano ay isang repormistang hinuli ng mga Espanyol at binitay sa Bagumbayan. Sumapi siya sa La Liga Filipina at tumulong sa pagbuo ng Cuerpo de Compromisarios nang nahati ang liga. Hinuli siya ng mga Espanyol noong 16 Setyembre 1896. Tinaguriang traydor sa Espanya at sinentensyahan ng kamatayan

Nagpahinga si Mabini sa Laguna at doon ay kanyang

inilatag ang isang plano para sa tagumpay ng rebolusyon

laban sa mga Espanyol. Ipinarating niya ito kay Emilio

Aguinaldo noong 12 Hunyo 1898, sa araw ng deklarasyon

ng kalayaan sa Kawit, Cavite. Naging tagapayo siya ni

Aguinaldo.

 

Handa ka na ba para sa Gawain 1?

Gawain 1. Ang Pagsara ng La Solidaridad

 

Pakinggang mabuti ang audio recording ng bahagi ng liham ni Mabini, gamit ang alyas na Alipio, kay Marcelo H. del Pilar noong ika-19 ng Agosto 1895, na noo'y nasa Espanya.

 

 

Habang nakikinig, piliin  ang kung tama (may basehan) ang hinuha mula sa liham ni Mabini, o  kung ang hinuha ay mali (walang basehan)

Marcelo H. del Pilar

30 Agosto 1850 – 4 Hulyo 1896

 

 

Si Marcelo H. del PIlar ay isang Pilipinong peryodista at manunulat mula sa lalawigan ng Bulacan. Lantaran niyang binatikos ang mga prayle at pamahalaang Espanyol sa Pilipinas. Isa rin siya sa mga Pilipinong naging bahagi ng pahayagang La Solidaridad sa Espanya. Siya ay nagsilbing patnugot nito noong 1889-1895.

 
1.

Mabigat ang puso ni Mabini sa

pagtigil ng dyaryong La Solidaridad

2.

Naniwala si Mabini na hindi na

makakatulong ang pahayagan sa

pagsulong ng reporma sa Pilipinas.



3.

Tumigil ang paglalathala ng La

Solidaridad dahil sa kakulangan

ng salapi.



4.

Nagbago ang isip ng mga tumutulong

sa La Solidaridad dahil sa paniniwalang

wala na itong silbi sa pagkamit ng mga

reporma sa Espanya.

5.

Ninais ni Mabini na siya ang mamahala

sa dyaryo.

Handa ka na ba para sa Gawain 2?

Gawain 2. Ang Diwa ng Tagapagtanggol ng Kalayaan

 

Basahin ang bahagi ng liham ni Mabini noong Abril

1898 sa kanyang mga kababayan.

 

A. I-drag ang bilang ng pangungusap na sumasagot sa

tanong. Maaaring higit sa isa ang sagot sa bawat tanong.

Kapag higit sa isa ang tamang sagot, piliin ang lahat ng ito.

[1] Ang kasabihang ang Pilipinas ay mapagpasensiya ay hindi na totoo. [2] Ang galit ng tao ay di na kayang pigilin sapagkat ito’y pinaigting ng walang katapusang pagtataksil ng pamahalaang Espanyol – na siya ring ginamit ng mga prayle upang isulong ang kanilang mga interes. [3] Bunga nito’y kailangan nating ibuhos ang ating mga lakas upang maibalik ang tahak ng bansa sa tama, mapigil ang pagkalat ng kaguluhan, at sa halip ay hayaan ito maging bukal ng kabuhayan at kaligayahan. [4] Nakiisa ako sa inyo dahil dito at tanging ito lamang. [5] Ang sampung utos ng Diyos ay isinulat nang sa gayo’y ang inyong mga isipan ay tanglawan ng mga alituntunin at patakaran na susundin sa pagkamit ng bago nating dangal – nang sa gayo’y maituwid at maitama ang inyong mga gawi sa paglikha ng mga paraan upang maitayo ang Republika ng Pilipinas nang may lubos na pagkakaisa.

 

[6] Ngunit kailangan ninyong isipin na ang lakas ng ilan ay hindi sapat upang matupad ang isang dakilang layon; na ang pinagsama-samang katatagan ng lahat ang kailangan, na siyang pinanday ng lakas at bisa. [7] Hindi sapat na ang tagapagtanggol ng dangal ng ating bayan ay tumalikod lamang sa sarili niyang kaginhawaan at bitawan ang mga magaan na buhay upang mapatunayan ang kanyang hangarin; [8] siya rin ay kailangang magtimpi sa makasariling nais; [9] at tulad ng isang magsasaka, na ninanais mag-impok at magpahinga sa mga nalalabing araw ng kanyang buhay, ay kailangan gugulin ang kanyang panahon sa kasipagan. [10] Hindi natin makakamit ang kalayaan ng ating bayan kung hindi natin ihahandog ang ating mga kaginhawaan – lalo na’t madali naman natin itong maiwawaksi – dahil kailanman ay hindi naman natin naranasan ang kalayaan sa ilalim ng pamahalaang Espanyol.

 

Tanong:

1. Bakit galit ang mga Pilipino sa Espanya?

    2. Ano ang nilalayon ng rebolusyon?

      3. Ano ang mga saloobin at ugaling dapat isabuhay ng isang tagapagtanggol ng kalayaan ng bayan?

        • 1
        • 2
        • 3
        • 4
        • 5
        • 6
        • 7
        • 8
        • 9
        • 10

        Liham ni Mabini

         

        B. Piliin piliin kung tama o mali  ang sumusunod na hinuha mula sa liham ni Mabini.

         

         

        1.    Sinulat ni Mabini ang liham para sa mga Espanyol.

        2.    Ang pinakamalaking hadlang sa pagkamit ng

        kalayaan ng bayan ay ang labis na pagmamalupit ng Espanya.

        [1] Ang kasabihang ang Pilipinas ay mapagpasensiya ay hindi na totoo. [2] Ang galit ng tao ay di na kayang pigilin sapagkat ito’y pinaigting ng walang katapusang pagtataksil ng pamahalaang Espanyol – na siya ring ginamit ng mga prayle upang isulong ang kanilang mga interes. [3] Bunga nito’y kailangan nating ibuhos ang ating mga lakas upang maibalik ang tahak ng bansa sa tama, mapigil ang pagkalat ng kaguluhan, at sa halip ay hayaan ito maging bukal ng kabuhayan at kaligayahan. [4] Nakiisa ako sa inyo dahil dito at tanging ito lamang. [5] Ang sampung utos ng Diyos ay isinulat nang sa gayo’y ang inyong mga isipan ay tanglawan ng mga alituntunin at patakaran na susundin sa pagkamit ng bago nating dangal – nang sa gayo’y maituwid at maitama ang inyong mga gawi sa paglikha ng mga paraan upang maitayo ang Republika ng Pilipinas nang may lubos na pagkakaisa.

         

        [6] Ngunit kailangan ninyong isipin na ang lakas ng ilan ay hindi sapat upang matupad ang isang dakilang layon; na ang pinagsama-samang katatagan ng lahat ang kailangan, na siyang pinanday ng lakas at bisa. [7] Hindi sapat na ang tagapagtanggol ng dangal ng ating bayan ay tumalikod lamang sa sarili niyang kaginhawaan at bitawan ang mga magaan na buhay upang mapatunayan ang kanyang hangarin; [8] siya rin ay kailangang magtimpi sa makasariling nais; [9] at tulad ng isang magsasaka, na ninanais mag-impok at magpahinga sa mga nalalabing araw ng kanyang buhay, ay kailangan gugulin ang kanyang panahon sa kasipagan. [10] Hindi natin makakamit ang kalayaan ng ating bayan kung hindi natin ihahandog ang ating mga kaginhawaan – lalo na’t madali naman natin itong maiwawaksi – dahil kailanman ay hindi naman natin naranasan ang kalayaan sa ilalim ng pamahalaang Espanyol.

         

        Liham ni Mabini

         

        3.    May panahon sa pamamalakad ng mga

        Esplanyol na natamasa ng mga Pilipino ang

        kalayaan.

        4.    Walang duda si Mabini na tama ang

        ipinaglalaban ng mga rebolusyonaryo.

        5.    Lalong nagalit ang mga Pilipino dahil

        sa kakulangan sa armas ng kanilang mga sundalo.

        [1] Ang kasabihang ang Pilipinas ay mapagpasensiya ay hindi na totoo. [2] Ang galit ng tao ay di na kayang pigilin sapagkat ito’y pinaigting ng walang katapusang pagtataksil ng pamahalaang Espanyol – na siya ring ginamit ng mga prayle upang isulong ang kanilang mga interes. [3] Bunga nito’y kailangan nating ibuhos ang ating mga lakas upang maibalik ang tahak ng bansa sa tama, mapigil ang pagkalat ng kaguluhan, at sa halip ay hayaan ito maging bukal ng kabuhayan at kaligayahan. [4] Nakiisa ako sa inyo dahil dito at tanging ito lamang. [5] Ang sampung utos ng Diyos ay isinulat nang sa gayo’y ang inyong mga isipan ay tanglawan ng mga alituntunin at patakaran na susundin sa pagkamit ng bago nating dangal – nang sa gayo’y maituwid at maitama ang inyong mga gawi sa paglikha ng mga paraan upang maitayo ang Republika ng Pilipinas nang may lubos na pagkakaisa.

         

        [6] Ngunit kailangan ninyong isipin na ang lakas ng ilan ay hindi sapat upang matupad ang isang dakilang layon; na ang pinagsama-samang katatagan ng lahat ang kailangan, na siyang pinanday ng lakas at bisa. [7] Hindi sapat na ang tagapagtanggol ng dangal ng ating bayan ay tumalikod lamang sa sarili niyang kaginhawaan at bitawan ang mga magaan na buhay upang mapatunayan ang kanyang hangarin; [8] siya rin ay kailangang magtimpi sa makasariling nais; [9] at tulad ng isang magsasaka, na ninanais mag-impok at magpahinga sa mga nalalabing araw ng kanyang buhay, ay kailangan gugulin ang kanyang panahon sa kasipagan. [10] Hindi natin makakamit ang kalayaan ng ating bayan kung hindi natin ihahandog ang ating mga kaginhawaan – lalo na’t madali naman natin itong maiwawaksi – dahil kailanman ay hindi naman natin naranasan ang kalayaan sa ilalim ng pamahalaang Espanyol.

         

        Liham ni Mabini

         

        6.    Dapat tularan ng mga rebolusyonaryo

        ang mga opisyal ng pamahalaan

        7.    Mahalaga para kay Mabini ang 

        pagkakaisa ng mga Pilipino

        8.    Ayon kay Mabini, magtatagumpay lamang

        ang mga Pilipino sa lakas ng pwersa ng

        kanyang hukbo.



        [1] Ang kasabihang ang Pilipinas ay mapagpasensiya ay hindi na totoo. [2] Ang galit ng tao ay di na kayang pigilin sapagkat ito’y pinaigting ng walang katapusang pagtataksil ng pamahalaang Espanyol – na siya ring ginamit ng mga prayle upang isulong ang kanilang mga interes. [3] Bunga nito’y kailangan nating ibuhos ang ating mga lakas upang maibalik ang tahak ng bansa sa tama, mapigil ang pagkalat ng kaguluhan, at sa halip ay hayaan ito maging bukal ng kabuhayan at kaligayahan. [4] Nakiisa ako sa inyo dahil dito at tanging ito lamang. [5] Ang sampung utos ng Diyos ay isinulat nang sa gayo’y ang inyong mga isipan ay tanglawan ng mga alituntunin at patakaran na susundin sa pagkamit ng bago nating dangal – nang sa gayo’y maituwid at maitama ang inyong mga gawi sa paglikha ng mga paraan upang maitayo ang Republika ng Pilipinas nang may lubos na pagkakaisa.

         

        [6] Ngunit kailangan ninyong isipin na ang lakas ng ilan ay hindi sapat upang matupad ang isang dakilang layon; na ang pinagsama-samang katatagan ng lahat ang kailangan, na siyang pinanday ng lakas at bisa. [7] Hindi sapat na ang tagapagtanggol ng dangal ng ating bayan ay tumalikod lamang sa sarili niyang kaginhawaan at bitawan ang mga magaan na buhay upang mapatunayan ang kanyang hangarin; [8] siya rin ay kailangang magtimpi sa makasariling nais; [9] at tulad ng isang magsasaka, na ninanais mag-impok at magpahinga sa mga nalalabing araw ng kanyang buhay, ay kailangan gugulin ang kanyang panahon sa kasipagan. [10] Hindi natin makakamit ang kalayaan ng ating bayan kung hindi natin ihahandog ang ating mga kaginhawaan – lalo na’t madali naman natin itong maiwawaksi – dahil kailanman ay hindi naman natin naranasan ang kalayaan sa ilalim ng pamahalaang Espanyol.

         

        Liham ni Mabini

         

         

        9.    Ang bansang nasa tamang landas ay

        bukas ng kaligayahan at kabuhayan.

        10.    Higit na mahalaga ang pag-uugali ng

        isang rebolusyonaryo upang maibalik ang

        bansa sa tama.



        [1] Ang kasabihang ang Pilipinas ay mapagpasensiya ay hindi na totoo. [2] Ang galit ng tao ay di na kayang pigilin sapagkat ito’y pinaigting ng walang katapusang pagtataksil ng pamahalaang Espanyol – na siya ring ginamit ng mga prayle upang isulong ang kanilang mga interes. [3] Bunga nito’y kailangan nating ibuhos ang ating mga lakas upang maibalik ang tahak ng bansa sa tama, mapigil ang pagkalat ng kaguluhan, at sa halip ay hayaan ito maging bukal ng kabuhayan at kaligayahan. [4] Nakiisa ako sa inyo dahil dito at tanging ito lamang. [5] Ang sampung utos ng Diyos ay isinulat nang sa gayo’y ang inyong mga isipan ay tanglawan ng mga alituntunin at patakaran na susundin sa pagkamit ng bago nating dangal – nang sa gayo’y maituwid at maitama ang inyong mga gawi sa paglikha ng mga paraan upang maitayo ang Republika ng Pilipinas nang may lubos na pagkakaisa.

         

        [6] Ngunit kailangan ninyong isipin na ang lakas ng ilan ay hindi sapat upang matupad ang isang dakilang layon; na ang pinagsama-samang katatagan ng lahat ang kailangan, na siyang pinanday ng lakas at bisa. [7] Hindi sapat na ang tagapagtanggol ng dangal ng ating bayan ay tumalikod lamang sa sarili niyang kaginhawaan at bitawan ang mga magaan na buhay upang mapatunayan ang kanyang hangarin; [8] siya rin ay kailangang magtimpi sa makasariling nais; [9] at tulad ng isang magsasaka, na ninanais mag-impok at magpahinga sa mga nalalabing araw ng kanyang buhay, ay kailangan gugulin ang kanyang panahon sa kasipagan. [10] Hindi natin makakamit ang kalayaan ng ating bayan kung hindi natin ihahandog ang ating mga kaginhawaan – lalo na’t madali naman natin itong maiwawaksi – dahil kailanman ay hindi naman natin naranasan ang kalayaan sa ilalim ng pamahalaang Espanyol.

         

        Mabuhay! Natapos mo na ang Aralin. Ano ang iyong nais gawin?