Aralin 3

Si Mabini, Tagapayo ni Emilio Aguinaldo

 

Habang nasa Hong Kong pa lamang, nakilala na ni Emilio Aguinaldo si Apolinario Mabini sa pamamagitan ng mga impormasyong ibinigay ni Felipe Agoncillo. Nang makabalik sa Pilipinas, natanggap ni Aguinaldo ang liham ni Mabini, kasama ang isang plano ng paghihimagsik. Humanga si Aguinaldo sa talas at talino ni Mabini. Ipinasundo niya si Mabini at noong 12 Hunyo 1898, araw ng deklarasyon ng kalayaan, si Mabini ay dumating sa Cavite.

Mula 12 Hunyo 1898 hanggang 1 Enero 1899, si Mabini ay nagsilbing personal na tagapayo ni Aguinaldo. Hindi man opisyal na posisyon sa gabinete ang kanyang tungkulin, malaki ang kanyang ginampanan sa paglalatag ng pamahalaan. 

 

Sa pananaw ni Mabini, ang pamahalaan ay kailangang may matatag na pundasyon ng pagkilala at partisipasyon mula sa mga mamamayan. Ang naganap na deklarasyon ng kalayaan sa Kawit, Cavite ay hilaw pa. Sa tingin ni Mabini, ang pagtatagumpay sa mga labanan ay hindi tuwirang nangangahulugang pagiging handa sa pagsasarili. 

 

Isa sa mga unang payo ni Mabini kay Aguinaldo ay ang pagkuha ng suporta ng mga mamamayan mula sa mga lalawigan sa pamamagitan ng dalawang bagay:

 

•     Pagbubuo ng isang kapisanan o kongreso ng mga kinatawan mula sa mga lalawigan, na nagbukas sa Malolos noong 15 Setyembre 1898, at

 

•     Ratipikasyon ng Kongreso noong 29 Setyembre 1898 sa deklarasyon ng kalayaang inihayag sa Kawit noong 12 Hunyo 1898, nang sa gayon ay pormal na makuha ang pag-apruba ng mamamayan. 

 

Pinayuhan ni Mabini si Aguinaldo hinggil sa tungkulin ng Kongreso. Sinabi niya na ito ay hindi pa handang maging isang lehislaturang lilikha ng batas dahil hindi pa kinikilala ng ibang bansa ang kalayaang ipinahayag ng pamahalaang rebolusyonaryo. Kanyang idiniin na ang pangunahing tungkulin ng Kongreso ay bumuo ng programa para sa pagtatagumpay ng rebolusyon laban sa Espanya, tungo sa pagtatatag ng republika ng Pilipinas.

Mariing tinutulan ng gabinete ni Aguinaldo ang payo ni Mabini. Sa tingin ng mga katulad ni Felipe Buencamino at Pedro Paterno, halimbawa, handa na ang bansang magsarili at dapat na agarang itatag ang mga institusyon ng pamahalaan gaya ng lehislatura. Bunga nito, sinubukan ni Mabini na lumayo at limitahan ang ugnayan kay Aguinaldo. Magkagayunman, patuloy siyang kinonsulta ni Aguinaldo.

 

Felipe Buencamino

23 Setyembre 1848 - 6 Pebrero 1929


Si Felipe Buencamino ay isang abogadong naging aktibong kinatawan sa Kongreso ng Malolos noong 1898. Nagsilbi din siyang miyembro ng gabinete ng Unang Republika ng Pilipinas. Isa siya sa mga kinatawang pumanig sa Estados Unidos sa gitna ng digmaang Pilipino-Amerikano

Pedro Paterno

17 Pebrero 1857 - 11 Marso 1911


Si Pedro Paterno ay isang abogadong nag-aral sa Espanya. Noong unang bahagi ng rebolusyon, nagprisinta siya kay Emilio Aguinaldo ng plano para sa tigil-putukan ng mga pwersang Pilipino at Espanyol. Ito ang naging kasunduan sa Biyak na Bato noong Disyembre 1897. Habang eksilo si Aguinaldo sa Hong Kong. Bunga ng kasunduang ito, si Paterno ay nananatiling kaibigan ng Espanya hanggang

Noong 2 Enero 1899, pormal na itinalaga si Mabini bilang Kalihim ng Ugnayang Panlabas, matapos tanggihan ito ni Cayetano Arellano. Nagsilbi rin si Mabini bilang punong kalihim ng gabinete, ang pinakamataas na posisyon pagkatapos ng presidente. 

 

Cayetano Arellano

2 Marso 1847 - 23 Disyembre 1920



Isang abogado at propesor ng batas sa Unibersidad ng Santo Tomas, nagsilbi si Cayetano Arellano bilang unang punong mahistrado ng Korte Suprema ng Pilipinas noong 1901.

 

Naging opisyal si Mabini ng pamahalaan sa panahong sumiklab ang digmaan laban sa Amerikano noong 4 Pebrero 1899. Ngunit bago pa man naganap ito ay nilagdaan na sa Paris noong 10 Disyembre 1898 ang kasunduan kung saan ipinagbili ng Espanya ang Pilipinas sa Estados Unidos. Mariing tinutulan ni Mabini ang bagong mananakop ng Pilipinas.

 

Handa ka na ba para sa Gawain 1?

Gawain 1. Ang Panunungkulan ni Mabini

 

Kumpletuhin ang timeline batay sa binasang mga tala.

I-drag ang titik ng bawat kaganapan sa buhol na may

angkop na petsa.

 

A

Isinagawa ng Kongreso sa Malolos ang ratipikasyon ng kalayaan na isinagawa sa Cavite.

 

B

Sumilklab ang digmaang Pilipino-Amerikano.

 

C

Ipinahayag ang kalayaan ng Pilipinas sa Kawit, Cavite.

 

D

Pormal na pagbukas ng Kongreso sa Malolos, Bulacan.

 

E

Itinalaga si Mabini bilang kalihim ng Ugnayang Panlabas.

 

F

Nilagdaan sa Paris ang kasunduan sa pagitan ng Espanya at Amerika.

 

Handa ka na ba para sa Gawain 2?

Gawain 2. Ang Tamang Pag-uugali ng mga Sundalong Pilipino ayon kay Mabini

 

 

Basahin ang bahagi ng liham ni Mabini kay Aguinaldo noong 20 Agosto 1898

Bahagi ng liham ni Mabini kay Aguinaldo

8 Agosto 1898

G. Pangulo:

 

Si G. Lopez, ang iyong adjutant (katuwang), ay dumating at nag-ulat ng hinaing ukol sa sa mga gawi ng ating mga hukbo. Kanyang inulat na ang ating mga opisyal ay kumukuha ng napakaraming kabayo, na ang ilan ay pagmamay-ari ng mga banyaga. Kung ang mga banyaga ay maghain ng pagtutol sa ganoong gawain, hindi ko maisip kung ano ang magiging tingin sa ating pamahalaan.

 

Lubos na kinakailangang ipatigil ang paghingi ng permiso at ang mga buwis sa mga kalakal na pumapasok sa Maynila ay di na kailangan singilin. Ito ay kailangang lubos kung iyong pakakaisiping mabuti, nang sa gayo’y maitalaga natin si Heneral Pio [del Pilar] bilang iyong pangalawang kumander. 

 

Kung iyong sasang-ayunan, ako’y susulat ng kautusan; ngunit sa aking tingin ay walang makakamit kung ang ating mga kumandante ay hindi kailangang sumunod.

Liham ni Mabini

Piliin ang  kung tama at  kung mali ang bawat pangungusap base sa liham ni Mabini.

 

1.     Nakatanggap ng papuri si Mabini ukol sa

mga ikinilos ng hukbo.

         

2.     Mas mahalagang manalo sa labanan kaysa

magkaroon ng disiplina ang hukbong Pilipino

 

3.    Inirekomenda ni Mabini na itigil ang pagsingil

ng buwis sa mga produktong pumapasok sa Maynila

dahil nagiging isang sanhi ito ng korupsyon o anomalya.

 

Bahagi ng liham ni Mabini kay Aguinaldo

8 Agosto 1898

G. Pangulo:

 

Si G. Lopez, ang iyong adjutant (katuwang), ay dumating at nag-ulat ng hinaing ukol sa sa mga gawi ng ating mga hukbo. Kanyang inulat na ang ating mga opisyal ay kumukuha ng napakaraming kabayo, na ang ilan ay pagmamay-ari ng mga banyaga. Kung ang mga banyaga ay maghain ng pagtutol sa ganoong gawain, hindi ko maisip kung ano ang magiging tingin sa ating pamahalaan.

 

Lubos na kinakailangang ipatigil ang paghingi ng permiso at ang mga buwis sa mga kalakal na pumapasok sa Maynila ay di na kailangan singilin. Ito ay kailangang lubos kung iyong pakakaisiping mabuti, nang sa gayo’y maitalaga natin si Heneral Pio [del Pilar] bilang iyong pangalawang kumander. 

 

Kung iyong sasang-ayunan, ako’y susulat ng kautusan; ngunit sa aking tingin ay walang makakamit kung ang ating mga kumandante ay hindi kailangang sumunod.

 

Liham ni Mabini

 

4.    Malaki ang kumpiyansa ni Mabini kay

Hen. Gregorio del Pilar

         

5.    Hindi maaapektuhan ang tingin ng mga

dayuhan sa pamahalaang Pilipino kung hindi

matuwid ang pag-uugali at kilos ng mga

sundalong Pilipino.

 

6.    Ang pagkuha ng mga sundalong Pilipino

ng mga kabayong pagmamay-ari ng iba ay

maaaring isantabi dahil sa pangangailangan

ng panahon

 

Bahagi ng liham ni Mabini kay Aguinaldo

8 Agosto 1898

G. Pangulo:

 

Si G. Lopez, ang iyong adjutant (katuwang), ay dumating at nag-ulat ng hinaing ukol sa sa mga gawi ng ating mga hukbo. Kanyang inulat na ang ating mga opisyal ay kumukuha ng napakaraming kabayo, na ang ilan ay pagmamay-ari ng mga banyaga. Kung ang mga banyaga ay maghain ng pagtutol sa ganoong gawain, hindi ko maisip kung ano ang magiging tingin sa ating pamahalaan.

 

Lubos na kinakailangang ipatigil ang paghingi ng permiso at ang mga buwis sa mga kalakal na pumapasok sa Maynila ay di na kailangan singilin. Ito ay kailangang lubos kung iyong pakakaisiping mabuti, nang sa gayo’y maitalaga natin si Heneral Pio [del Pilar] bilang iyong pangalawang kumander. 

 

Kung iyong sasang-ayunan, ako’y susulat ng kautusan; ngunit sa aking tingin ay walang makakamit kung ang ating mga kumandante ay hindi kailangang sumunod.

 

Handa ka na ba para sa Gawain 3?

Gawain 3. Ang Sagot kay Mabini

 

Halimbawa ikaw si Emilio Aguinaldo, sagutin ang sulat

ni Mabini.

 

1.     Piliin muna ang mga pangungusap sa ibaba na sa tingin mo

ay nararapat na sagot kay Mabini.

2.     Isaayos ang pagkakasunod-sunod ng mga napiling

pangungusap upang maging lohikal ang iyong sagot batay sa

liham mismo ni Mabini.

3.     I-drag sa liham kay Aguinaldo (nakakahon sa ibaba) ang

mga napiling pangungusap sa tamang ayos.

Balikan ang liham ni Mabini

 

22 Agosto 1898, Kawit, Cavite

G. Mabini,

[1] Ang kasabihang ang Pilipinas ay mapagpasensiya ay hindi na totoo. [2] Ang galit ng tao ay di na kayang pigilin sapagkat ito’y pinaigting ng walang katapusang pagtataksil ng pamahalaang Espanyol – na siya ring ginamit ng mga prayle upang isulong ang kanilang mga interes. [3] Bunga nito’y kailangan nating ibuhos ang ating mga lakas upang maibalik ang tahak ng bansa sa tama, mapigil ang pagkalat ng kaguluhan, at sa halip ay hayaan ito maging bukal ng kabuhayan at kaligayahan. [4] Nakiisa ako sa inyo dahil dito at tanging ito lamang. [5] Ang sampung utos ng Diyos ay isinulat nang sa gayo’y ang inyong mga isipan ay tanglawan ng mga alituntunin at patakaran na susundin sa pagkamit ng bago nating dangal – nang sa gayo’y maituwid at maitama ang inyong mga gawi sa paglikha ng mga paraan upang maitayo ang Republika ng Pilipinas nang may lubos na pagkakaisa.

 

[6] Ngunit kailangan ninyong isipin na ang lakas ng ilan ay hindi sapat upang matupad ang isang dakilang layon; na ang pinagsama-samang katatagan ng lahat ang kailangan, na siyang pinanday ng lakas at bisa. [7] Hindi sapat na ang tagapagtanggol ng dangal ng ating bayan ay tumalikod lamang sa sarili niyang kaginhawaan at bitawan ang mga magaan na buhay upang mapatunayan ang kanyang hangarin; [8] siya rin ay kailangang magtimpi sa makasariling nais; [9] at tulad ng isang magsasaka, na ninanais mag-impok at magpahinga sa mga nalalabing araw ng kanyang buhay, ay kailangan gugulin ang kanyang panahon sa kasipagan. [10] Hindi natin makakamit ang kalayaan ng ating bayan kung hindi natin ihahandog ang ating mga kaginhawaan – lalo na’t madali naman natin itong maiwawaksi – dahil kailanman ay hindi naman natin naranasan ang kalayaan sa ilalim ng pamahalaang Espanyol.

 

    Mabuhay! Natapos mo na ang Aralin. Ano ang iyong nais gawin?