Aralin 3

Ang Misyon ni Agoncillo

 

Pagkaraang maitatag ang gobyernong rebolusyonaryo ng

Pilipinas, opisyal na binuo at kinilala ni Aguinaldo ang

mga Pilipinong nasa Hong Kong bilang El Consejo
Revolucionario Filipino en Hong Kong
(Kapulungang

Rebolusyonaryo sa Hong Kong) noong 10 Agosto 1898.

Tungkulin nila ang ipakilala ang nagsasariling

pamahalaang Pilipino sa iba’t ibang malalayang bansa

sa mundo.

El Consejo Revolucionario Filipino

en Hong Kong

Konseho


Miyembro Embahador sa
Felipe Agoncillo Estados Unidos
Mariano Ponce at Faustino Lichauco Hapon
Antonio Ma. Regidor Inglatera
Juan Luna at Pedro Roxas Pransya
Heriberto Zarcal Australia


Ang direktang tagapag-ugnay ng El Consejo sa Hong

Kong sa pamahalaan sa Malolos ay ang Secretaria de

Relaciones Exteriores (Kagawaran ng Ugnayang

Panlabas), na noong 1898 ay pinamunuan mismo ni

Emilio Aguinaldo.

Samantala, matapos agawin ng hukbong

Amerikano ang Intramuros, naging mas kailangang

kilalanin ang bansang Pilipinas ng malalayang bansa

sa iba-ibang panig ng mundo. Dahil dito, ipinadala ni

Aguinaldo si Felipe Agoncillo sa Estados Unidos

bilang embahador. Kasama si Sixto Lopez, iginiit ni

Agoncillo ang pag-iral ng pamahalaang Pilipino.

Sixto Lopez

6 Abril 1863 – 3 Marso 1947

Sixto Lopez

Mula sa koleksyon ng Lopez of Balayan, Batangas Foundation.


          Tubong Balayan, Batangas si Sixto Lopez. Tagahanga at kaibigan siya ni Jose Rizal. Naging kasapi siya ng El Consejo Revolucionario Filipino sa Hong Kong. Ipinagpatuloy ni Sixto ang pagdulog sa Amerika na hayaang magsarili ang mga Pilipino kahit na sumuko na si Aguinaldo noong 1901. Naging kakampi niya ang Anti-Imperialist League sa Amerika. Dahil sa kanyang pagtutol sa pananakop ng Pilipinas, sinentensyahan siya na maipatapon sa Guam. Ito ay sinikap na mapawalang bisa ng kapatid niyang si Clemencia Lopez ngunit hindi ito pinansin. Nanatiling eksilo si Sixto dahil ayaw niyang manumpa sa Estados Unidos.

Felipe Agoncillo

26 Mayo 1859 – 29 Setyembre 1941


Felipe Agoncillo

Mula sa koleksyon ng Lopez of Balayan, Batangas Foundation.


          Isinilang si Felipe Agoncillo sa Taal, Batangas. Noong panahon ng rebolusyon, siya ang namuno sa mga Pilipinong nasa Hong Kong.  Bumuo sila ng samahang tinawag na Hong Kong Junta, na tumulong kay Emilio Aguinaldo nang siya’y ipinatapon sa Hong Kong. Ang kanyang asawa na si Doña Marcela at anak na si Lorenza ang tumahi ng pambansang watawat ng Pilipinas. Nang atasan ni Aguinaldo si Agoncillo na magtungo ng Estados Unidos, ibinenta ni Doña Marcela ang kanyang mga alahas para lang may maidagdag sa pamasahe at gastusin nito. 

 

          Matapos sumuko si Aguinaldo noong 1901, si Felipe at ang kanyang pamilya ay bumalik ng Pilipinas na mahirap. Nagsumikap siya sa larangan ng abogasya at nakapasa sa bar exam noong 1904 na ang grado ay 100%.

Ngunit hindi sila pinakinggan ng mga Amerikanong

opisyal. Hindi rin sila kinilala ng pangulo ng Estados

Unidos, si William McKinley, bilang opisyal na

kinatawan ng gobyernong Pilipino.

 

William McKinley

Nang mabalitaang ililipat na ng Espanya ang Pilipinas

sa Estados Unidos, agad na nagtungo sa Paris,

Pransya si Agoncillo noong 8 Oktubre 1898 upang

iprotesta ang hakbanging ito. Subalit hindi siya

pinayagang dumalo sa pagpupulong ng Espanya at

Estados Unidos.

Handa ka na ba para sa Gawain 1?

Gawain 1. Ang Layunin ni Agoncillo

 

Basahin ang bahagi ng liham ni Felipe Agoncillo kay 

Apolinario Mabini noong 21 Hulyo 1898 mula 

Hong Kong.

Liham ni Felipe Agoncillo kay

Apolinario Mabini

(21 Hulyo 1898 mula Hong Kong)

 

Dumating na ang panahon na kinakailangan 

nang ipabatid ng ating pamahalaan sa lahat 

ng mga bansa na dapat nilang igalang ang 

kalayaan ng Pilipinas; ang kilalanin ang 

tagumpay ng ating paghihimagsik laban sa 

kapangyarihan ng Espanya at ang ating 

pagkontrol at pagpapalaya sa mga 

mahahalagang lalawigan. Patutunayan natin 

sa lahat ng bansa na ang mga Pilipino ay may 

kapangyarihan at sibilisadong bansa, na kaya

nitong pamahalaan ang sariling kapalaran, 

ang mag-asam lamang ng kalayaan, at ubusin 

ang lahat ng dugo ng mga mamamayan nito 

para... lamang ipagtanggol ang bayan kahit pa 

mapuksa ang ating lahi, huwag lamang 

maalipin ng Espanya o kahit ng sino pang

bansa.

I-drag mula sa listahan ang mga sagot sa tanong. Maaaring

higit sa isa ang iyong sagot. Kapag higit sa isa ang tamang

sagot, piliin ang lahat ng ito. Balikan ang liham sa pagsagot.

Liham ni Felipe Agoncillo kay

Apolinario Mabini

(21 Hulyo 1898 mula Hong Kong)

 

Dumating na ang panahon na kinakailangan 

nang ipabatid ng ating pamahalaan sa lahat 

ng mga bansa na dapat nilang igalang ang 

kalayaan ng Pilipinas; ang kilalanin ang 

tagumpay ng ating paghihimagsik laban sa 

kapangyarihan ng Espanya at ang ating 

pagkontrol at pagpapalaya sa mga 

mahahalagang lalawigan. Patutunayan natin 

sa lahat ng bansa na ang mga Pilipino ay may 

kapangyarihan at sibilisadong bansa, na kaya

nitong pamahalaan ang sariling kapalaran, 

ang mag-asam lamang ng kalayaan, at ubusin 

ang lahat ng dugo ng mga mamamayan nito 

para... lamang ipagtanggol ang bayan kahit pa 

mapuksa ang ating lahi, huwag lamang 

maalipin ng Espanya o kahit ng sino pang

bansa.

1. Ano ang nagpapatunay na malaya at sibilisado ang isang bansa?

    2. Ano ang pinakasakripisyo ng isang rebolusyonaryo para sa kalayaan?

      • 1
      • 2
      • 3
      • 4
      • 5
      • 6

      3. Sa gayon, mahalaga ang misyon ni Agoncillo dahil

       

      1. Nais ipagmalaki ni Aguinaldo ang gobyerno ng Pilipinas
      2. Dapat malaman ng mundo na may sarili nang pamahalaan ang mga Pilipino
      3. Pinatunayan ng mga Pilipino ang kanila kakayahang palayain ang sarili mula sa kontrol ng Espanya
      4. Handang mamatay ang mga Pilipino para sa kanilang kalayaan

      Handa ka na ba para sa Gawain 2?

      Gawain 2. Ang Pagtingin kina Agoncillo at Lopez

       

      Basahin ang talang inilahad ng historyador na si Teodoro 

      Agoncillo tungkol sa inaasahan ng mga Amerikano kay 

      Felipe Agoncilla pagdating nito sa San Francisco, California 

      noong Setyembre 22, 1969 (may titulong Malolos: The 

      Crisis of the Republic, 1969)

      Malolos: The Crisis of the Republic, 1969


      Dumaong ang barko (na ang pangalan ay China) sa

      San Francisco noong 22 Setyembre. Sapagkat

      balita na sa Estados Unidos at sa Europa na nilisan

      ni Agoncillo ang Hong Kong upang magtungo ng

      Amerika, inasahan na ng mga Amerikano, na may

      kagulat-gulat na kamangmangan sa heograpiya, na

      darating siya sa sibilisadong lupaing Amerika na

      nakahubad at nakabahag. Laking gulat ng mga

      Amerikang nang makitang isang may pinag-aralan,

      nakasumbrero at kapita-pitagang nakadamit nang

      Europeo ang bababa sa barka na may awrang

      napakataas.

      Narito ang larawan ni Agoncillo (kanan) at ang kanyang

      kalihim na si Sixto Lopez (kaliwa) sa Amerika noong 1989.

      A. Suriin muna ang litrato nina Agoncillo at Lopez. I-drag sa kahon ang nararapat na mga sagot sa bawat hanay.

      1. Mga tao at bagay

        2. Mga pagkilos

          3. Mga katangian/pananamit

            • 1
            • 2
            • 3
            • 4
            • 5
            • 6
            • 7
            • 8
            • 9
            • 10
            • 11
            • 12
            • 13
            • 14
            • 15
            • 16
            • 17
            • 18
            • 19
            • 20

            B. Base sa iyong pagsusuri ng litrato, piliin ang tama

            (kung tama na may basehan) o mali (mali, walang

            basehan) sa bawat pangungusap sa ibaba.

             

            1.   Mukhang walang kaya sina Agoncillo at Lopez.

            2.   Seryoso ang dating ng kanilang ayos.

            3.   Mukha silang walang kumpiyansang humarap

            sa Amerikano

            Agoncillo and Lopez

            Base sa iyong pagsusuri ng litrato, piliin ang tama

            (kung tama na may basehan) o mali (mali, walang

            basehan) sa bawat pangungusap sa ibaba.

             

            4.   Nagsuot sila ng pormal na damit bilang

            opisyal na kinatawan ng pamahalaang Pilipino

            patungong Amerika.

            5.   Walang dignidad ang kanilang itsura.

            Agoncillo and Lopez

            C. Ngayon batay sa tala ni Teodoro Agoncillo

            at sa litrato nina Felipe at Sixto, ano kaya ang

            naging reaksyon ng mga Amerikano nang

            makita ang dalawa? Maaaring higit sa isa ang

            iyong sagot. Kapag higit sa isa ang tamang sagot,

            piliin ang lahat ng ito.

             

            1. Natuwa dahil iyon ang inaasahan nilang anyo ng dalawa
            2. Nabigla
            3. Nabigo
            4. Humanga sa anyo ng dalawa

            Mabuhay! Natapos mo na ang Aralin. Ano ang iyong nais gawin?

            10 Agosto 1898

            Pagtatag ng El Consejo Revolucionario Filipino en Hong Kong

             

            2 Setyembre 1898

            Pagdating nina Felipe Agoncillo at Sixto Lopez sa

            Washington, Estados Unidos

             

            1 Oktubre 1898

            Simula ng negosasyon ng Espanya at Estados Unidos sa

            Paris, Pransya

             

            8 Oktubre 1898

            Pagtungo ni Agoncillo sa Paris; di siya pinayagan

            lumahok sa negosasyon

             

            10 Disyembre 1898

            Paglagda ng Kasunduan sa Paris kung saan pinagbili ng Espanya

            ang Pilipinas sa Estados Unidos sa halagang $10 milyon

             

            Timeline