Aralin 27

Pagsuko ng mga Espanyol sa Baler

 

Kabilang ang Baler sa distrito ng El Principe (ngayon ay

Aurora) sa mga bayang tumugon sa kautusan ni

Emilio Aguinaldo na buhayin ang rebolusyon laban sa

Espanya noong Hunyo 1898. Tinanggap ni Teodorico Novicio Luna

ang naturang kautusan ni Aguinaldo at sinimulang salakayin

ang himpilan ng mga sundalong Espanyol sa Baler.

 

Sa panahong ito ay nakabalik na si Aguinaldo mula sa Hong Kong. Idineklara niya ang kalayaan ng Pilipinas sa Kawit, Cavite noong 12 Hunyo 1898.

 

 

Ang Baler ay munisipalidad ng lalawigan ng Aurora na matatagpuan sa silangang bahagi ng Luzon.


Tubong Baler, si Teodorico Novicio Luna ay nakapag-aral sa Maynila at naging mason. Pinsan niya ang kilalang heneral na si Antonio Luna at ang tanyag na pintor na si Juan Luna.

Pinangunahan ni Luna ang paglikas sa mga Pilipino

palayo sa kabayanan ng Baler noong 26 Hunyo 1898. Napansin ito ng

mga Espanyol at kinutuban na may magaganap na

pag-aalsa kaya’t ipinag-utos ni Kapitan Enrique de las
Morenas
, ang pinuno ng mga sundalong Espanyol, na

maghanda ang mga Kawal nito at magtungo sa loob ng Simbahan ng San Luis
Tolosa
sa Baler. 

 

Enrique de las Morenas

23 Mayo 1855 - 22 Nobyembre 1898

 

 

Ipinanganak si Enrique de las Morenas sa Cadiz, Espanya noong 23 Mayo 1855. Nag-aral siya ng abogasya sa Madrid at Las Salesas. Naging bahagi siya ng militar noong 1871. Dumating siya sa Pilipinas noong 25 Enero 1897. Bago nakarating sa Baler, siya ay nadestino muna sa Cabanatuan, Nueva Ecija.

Simbahan ng San Luis Tolosa, Baler

 

Mula sa "Los restos de los héroes de Baler y Cavite"

 

Unang ipinatayo ang simbahan sa nipa at kawayan ng mga paring Pransiskano sa Tibag (ngayo’y Sabang) noong 1611. Inilipat ang simbahan sa pamamahala ng mga Rekoleto noong 1658. Nawasak ng daluyong noong 27 Disyembre 1735. Inilipat ang simbahan sa kasalukuyang kinatatayuan at ginawang bagong simbahang yari sa bato.

Simbahan ng San Luis Tolosa, Baler

Mula sa "Los restos de los héroes de Baler y Cavite"

 

Unang ipinatayo ang simbahan sa nipa at kawayan ng mga paring Pransiskano sa Tibag (ngayo’y Sabang) noong 1611. Inilipat ang simbahan sa pamamahala ng mga Rekoleto noong 1658. Nawasak ng daluyong noong 27 Disyembre 1735. Inilipat ang simbahan sa kasalukuyang kinatatayuan at ginawang bagong simbahang yari sa bato.

Kabilang sa paghahanda ang pag-iimbak ng

pagkain at pagpapatatag sa depensa ng simbahang

nagsilbing tanggulan nila.

Noong 30 Hunyo 1898, pinaligiran ng mga

rebolusyonaryo ang simbahan. Sa mga sumunod na araw,

nag-iwan sila ng mensahe sa labas ng simbahan upang

pasukuin ang mga Espanyol. Hindi ito pinansin ng mga Espanyol

at nanatili lamang ang mga ito sa loob ng simbahan habang

nakaabang sa labas ang mga rebolusyunaryo. 

 

Posisyon ng mga Pwersa sa Baler

30 Hunyo 1898

 

Pinaligiran

 

Casas fortificadas: pinagtibay na mga bahay

Calle de Cisneros: daang Cisneros

Hacia el rio: patungo sa ilog

Huerto: halamanan

Plaza del Pueblo con naranjos: plaza ng bayan na may mga punong dalandan

Tribunal: korte

 

Mula sa Arnaldo Dumindin, Philippine-American War, 1899-1902, 2006

Hindi na rin nakarating sa mga Espanyol sa Baler ang

balitang pinaatras na sa Maynila ang lahat ng mga

Espanyol sa mga kalapit lalawigan. Wala rin silang ideya

na sumuko na ang mga Espanyol sa mga Amerikano

matapos ang kunwa-kunwariang labanan sa Maynila

noong 13 Agosto 1898.

Batay sa kasunduan sa Intramuros, lilisanin na ng mga

Espanyol ang Maynila at pag-uusapan na sa Paris ang

paglilipat ng Pilipinas sa Estados Unidos. Dahil walang

anumang balita ang mga Espanyol sa Baler, patuloy pa

rin silang umaasa na matatapos din ang paglusob ng

mga rebolusyonaryo.

Ibinalita na rin ng mga rebolusyonaryo sa mga Espanyol

ang pagsuko ng Maynila sa Estados Unidos, ngunit ayaw

itong paniwalaan ni Las Morenas. Si Las Morenas ay

namatay habang nasa simbahan at siya’y pinalitan ni

2nd Lt. Saturnino Martin Cerezo.

 

Saturnino Martin Cerezo

11 Pebrero 1866 - 2 Disyembre 1945

 

 

Ipinanganak si Saturnino Martin Cerezo noong 11 Pebrero 1866 sa Miajadas, Extremadura. Sumali siya sa militar noong 1885 at nadestino sa Malaga, Espanya at sa Morocco. Noong 22 Mayo 1897, nadestino siya sa Pilipinas. Matapos ang paglusob sa Baler, nagsulat siya ng libro, Under the Red and Gold: Being Notes and Recollections of the Siege of Baler.

Nasa Malolos, Bulacan na ang pamahalaang

rebolusyonaryo ni Aguinaldo.  Nabalitaan nito ang

nagaganap sa Baler. Nakitahan ito ni Aguinaldo bilang

pagkakataong iparating sa Espanya at Estados Unidos

na walang bisa ang kasunduan sa Intramuros dahil may

mga Espanyol pang hindi sumusuko. 

Agad na ipinadala ni Aguinaldo mula Bulacan patungong

Baler ang isang espesyal na na hukbong nasa pamumuno ni

Tenyente Koronel Simon Tecson, na kakatawan sa pamahalaan

sakaling sumuko na ang mga Espanyol.

Simon Tecson

5 Pebrero 1861 – 15 Nobyembre 1903

 

 

Ipinanganak si Simon Tecson noong 5 Pebrero 1861 sa San Miguel de Mayumo (ngayong San Miguel), Bulacan. Pangalawang anak siya ng apat na na anak nila Tiburcio Tecson at Paula Ocampo. Naging asawa niya si Tomasa Mossesgeld Santiago. 

 

Sumali siya sa Rebolusyon laban sa mga Espanyol at maging sa Digmaang Pilipino-Amerikano. Noong 12 Pebrero 1901, sumuko siya sa mga Amerikano sa San Miguel de Mayumo. Ngunit, tumanggi siyang sumumpa ng katapatan sa Estados Unidos kaya ipinatapon siya Guam noong 16 Hunyo 1901. 

 

Noong 4 Hulyo 1902, naging bahagi ng malawak na amnestiya si Tecson. Nagsumpa siya ng katapatan sa mga Amerikano noong 21 Setyembre 1902 at dahil dito, pinayagan siyang bumalik sa Pilipinas. Namatay siya noong 15 Nobyembre 1903 sa San Miguel de Mayumo.

Ilang buwan na rin ang nakakalipas, paubos na ang

pagkain ng mga Espanyol at unti-unti nang

nangangamatay ang mga sundalo sa loob ng simbahan.

Ayaw pa ring sumuko ng mga Espanyol.

 

Sa bisa ng Kasunduan sa Paris noong 10 Disyembre

1898, kailangang matiyak ang kaligtasan ng lahat ng

natitirang Espanyol sa Pilipinas. Isang pwersa ang

ipinadala ni Almirante George Dewey sa Baler noong 12

Abril 1899 sa ilalim ni Tenyente James C. Gilmore upang

iligtas ang mga Espanyol sa Baler; ngunit sila’y

sinalubong ng hukbong Pilipino at nabihag.

Umalingawngaw ang putukan ng mga Pilipino at

Amerikano. Dinig ito maging sa simbahan at inakala ng

mga Espanyol na iyon ay mga kasamahan nila.

Noong Mayo 1899, nakatakda nang ihatid patungong

Islang Marianas ang mga Espanyol bilang pagsunod sa

Kasunduan sa Paris. Dahil dito, noong 29 Mayo 1899,

dumating si Kol. Cristobal Aguilar, isang opisyal na

Espanyol, upang kumbinsihing sumuko ang mga sundalo

sa simbahan.

 

Nabigo si Kol. Aguilar sa kanyang misyon. Sa kanyang

pag-alis, nag-iwan siya ng mga dyaryo mula sa Madrid at

binusisi ito ni Cerezo. Matapos mabasa ang isang

artikulo tungkol sa kanyang kaibigan sa Espanya,

nakumbinsi si Cerezo na hindi peke ang mga naturang

dyaryo at totoo ngang tapos na ang labanan.

Mga sundalong Pilipino sa Baler

Mga sundalong Pilipino sa Baler

Kinuha itong mga litrato ni M. Arias y Rodriquez nang sinamahan niya si Kol. Cristobal Aguilar upang kumbinsihin ang mga sundalong Espanyol sa simbahan na sumuko.

Inilathala ang mga litrato sa La Ilustración Artística, Barcelona, Espanya, 11 Setyembre 1899. Biblioteca Nacional de España.

Mga nagbabantay ng baybay-dagat ng Baler

Mga nagbabantay ng baybay-dagat ng Baler

Kinuha itong mga litrato ni M. Arias y Rodriquez nang sinamahan niya si Kol. Cristobal Aguilar upang kumbinsihin ang mga sundalong Espanyol sa simbahan na sumuko.

Inilathala ang mga litrato sa La Ilustración Artística, Barcelona, Espanya, 11 Setyembre 1899. Biblioteca Nacional de España.

Pilipinong mamamana

Pilipinong mamamana

Kinuha itong mga litrato ni M. Arias y Rodriquez nang sinamahan niya si Kol. Cristobal Aguilar upang kumbinsihin ang mga sundalong Espanyol sa simbahan na sumuko.

Inilathala ang mga litrato sa La Ilustración Artística, Barcelona, Espanya, 11 Setyembre 1899. Biblioteca Nacional de España.

Grupo ng mga bagong kawal sa harap ng plaza

Grupo ng mga bagong kawal sa harap ng plaza

Kinuha itong mga litrato ni M. Arias y Rodriquez nang sinamahan niya si Kol. Cristobal Aguilar upang kumbinsihin ang mga sundalong Espanyol sa simbahan na sumuko.

Inilathala ang mga litrato sa La Ilustración Artística, Barcelona, Espanya, 11 Setyembre 1899. Biblioteca Nacional de España.

Tinanggap ni Cerezo ang desisyon ng Espanya at sila’y

sumuko na sa hukbong Pilipino noong 2 Hunyo 1899.

Binigyang pagkilala ni Tecson ang 35 natirang sundalong

Espanyol. Nilagdaan ni Aguinaldo noong 30 Hunyo 1899

sa Casa Real ng Tarlac, Tarlac, ang bagong kabisera ng

Republika ng Pilipinas, ang dekreto ng pagtanggap sa

pagsuko ng mga Espanyol sa Baler.

 

 

 

Mga Ligtas na Sundalong Espanyol

 

Kinuha sa Barcelona, Espanya ni Laureano. Inilathala sa La Ilustración Artística, Barcelona, 11 Setyembre 1899. Biblioteca Nacional de España.

 

 

Ito ang bahay na tinirhan ni Lt. Kol. Simon Tecson at mga kasamang rebolusyonaryo.

 

Mula sa La Ilustración Artística, Barcelona, 11 Setyembre 1899. M. Arias y Rodríguez, potograpo.

Sa pagbalik sa Espanya nina Cerezo, sila’y tinaguriang

Los Ultimos de Filipinas (Ang Pinakahuli sa Pilipinas) at

itinuring ng mga Espanyol na bayani.

Handa ka na ba para sa Gawain 1?

Gawain 1. Hirap at Gutom ng mga Nakakulong sa Simbahan

 

Isa sa mga problema ng mga sundalong Espanyol na

nakakulong sa simbahan ay ang kakulangan ng pagkain.

Sa katunayan, marami ang nagkasakit at namatay dahil

dito. Basahin ang sipi mula sa isang sundalong Espanyol,

si Saturnino Martin Cerezo, na kanyang sinulat noong

Nobyembre 1898.

Sipi ni Saturnino Martin Cerezo

Nobyembre 1898

 

Para sa pagkain [ng mga sundalo], mayroon akong ilang sako ng harina na umasim at naging matigas na kumpol at ilan pang sako na dating naglalaman ng mga gisantes, ngunit ngayon ay wala nang natira kundi alikabok at bukbok. Walang natirang baka na galing sa Australia dahil naubos na ito noong unang linggo ng Hulyo. May ilang piraso ng bacon na pinamumugaran na ng uod at higit pang nakasusuklam sa panlasa. May kakaunting sirang kape. Ang alak naman ay naubos na noong Agosto, ang mga lalagyan na lang ang natira. Ang patani, kakaunti na lang ang natira at nabubulok pa. Madaming asukal, ngunit walang asin na matagal na naming inaasam mula pa noong nagkulong kami sa simbahan; at may ilang lata ng nabubulok na sardinas.

sipi ni Saturnino Martin Cerezo

 

Batay sa siping binasa, i-drag ang larawan ng mga

pagkain ng mga sundalong Espanyol na nagkulong sa

loob ng simbahan ng Baler.

 

 

 

 

Sardinas

Sardinas

 

 

 

Bacon

Bacon

 

 

 

Manok

Manok

 

  

Alak

Alak

 

 

 

Harina

Harina

 

 

 

 

Patatas

Patatas

 

 

 

 

Gisantes

Gisantes

 

 

 

Tinapay

Tinapay

 

 

 

Kape

Kape

 

 

 

Baka

Baka

 

 

 

Asukal

Asukal

 

 

 

 

Patani

Patani

Handa ka na ba para sa Gawain 2?

Gawain 2. Pagkakaibigan ng Mga Dating Kaaway

 

Matapos ang pagsuko ng mga sundalong Espanyol sa

mga Pilipino, naglabas ng dekreto si Emilio Aguinaldo

kung saan pinuri niya ang mga sundalong Espanyol at

itinuring niyang mga kaibigan ng Pilipinas. Basahin ang

bahagi ng dekreto.

Dekreto ni Emilio Aguinaldo


dekreto

 

          Kaugnay sa mga sundalong Espanyol na nagbantay sa kanilang garison sa Baler, dahil nakuha nila ang paghanga ng mundo sa pamamagitan ng kanilang lakas ng loob, pagpupunyagi at katapangan; kung saan ang munting grupo ng sundalo—na walang pag-asang makakakuha ng tulong panlabas—ay ipinagtanggol ang kanilang watawat sa loob ng isang taon at isinagawa ang mahabang paglaban na kasing dakila at kahalaga ng tanyag na katapangan nila Cid at Pelayo; nagbigay ng parangal sa mga birtud pangmilitar at binigyang halaga ang sentimyento ng Hukbo ng ating Republikang lumalaban sa mga sundalong Espanyol sa kanilang katapangan; sa mungkahi ng aking Kalihim Pagdigmaan at sa pagsang-ayon ng aking Lupon ng mga Ministro, inuutos ko ang sumusunod:

 

          Ang mga taong nabibilang sa naturang grupo sa Baler ay hindi ituturing na mga bilanggo. Sa halip, ituturing silang mga kaibigan; at bunga nito, bibigyan sila ng Kapitan Heneral ng pahintulot na makauwi ng ligtas sa kanilang bansa.

 

Gawa sa Tarlac ngayong ika-30 ng Hunyo 1899.

 

Emilio Aguinaldo, Pangulo ng Republika

Ambrosio Flores, Kalihim Pandigmaan

dekreto ni Aguinaldo

 

Sagutin kung TAMA o MALI ang sumusunod na hinuha

mula sa nabasang dekreto.

 

1.

Ang pagsuko ng mga Espanyol sa

gobyernong Pilipino ay malaking

kahihiyan para sa Espanya. 

2.

Matigas ang loob ng mga Pilipino

sa dati nilang kalaban.

3.

Ang pagkilala ni Aguinaldo sa mga

sundalong sumuko sa Baler ay

nagpakita ng pagkamaginoo ng

pamahalaang Pilipino.

dekreto ni Aguinaldo

 

4.

Dinakip ang mga sundalong

sumuko sa Baler. 

5.

Namatay ang mga sundalong

Espanyol habang pauwi ng Espanya.

Handa ka na ba para sa Gawain 3?

Gawain 3. Ang Kalagayan ng Espanya

 

Tingnan ang cartoon na lumabas sa cover ng Puck

magasin sa New York, Estados Unidos noong 18

Nobyembre 1896. Ipinapakita ng cartoon ang Espanya,

na kinakatawan ni Reyna Cristina, at ang dalawa nitong

kolonya, ang Cuba at Pilipinas. 

 

Ang cartoon na ito ay isang pulitikal na cartoon: may

sariling mensahe at punto de bista tungkol sa isang isyu

o suliranin. Isaalang-alang na ang cartoon ay likha ng

isang Amerikano at inilathala sa Estados Unidos para sa

mga tagabasang Amerikano.

Puck

"Nagiging masyado na siyang mahina upang paghawakan sila."

Mula sa Puck, 18 Nobyembre 1896.

 

Kilala itong magasin dahil sa mga makukulay na cartoon nito at ang panunuya sa mga usaping pampulitika. Itinatag ang magasin noong 1876 ni Joseph Keppler, isang cartoonist na migrante mula sa Austria, at ng kanyang mga kasama. Nagsimula ang magasin sa wikang Aleman. Ang unang edisyon sa wikang Ingles ay lumabas noong 1877. Naging isa ito sa mga pinakapopular na Amerikanong magasing nagpapatawa.

Upang maunawaan ang cartoon, i-click ang timeline. Tandaan

na sa panahon ng labanan at paglusob sa Baler, ang Estados

Unidos ay isang pwersa na sa Pilipinas. 

 

Ngayon suriin ang cartoon at sagutin ang mga tanong.

 

1. Ano ang itsura ni Reyna Cristina?

 

  1. Bata pa siya.
  2. Mukha siyang pagod.
  3. Masaya siya.
  4. Masigasig ang kanyang itsura.

cartoon mula sa Puck

 

2. Pinipilit niyang hawakan ang Cuba at Pilipinas dahil

 

  1. Kinakalaban siya ng mga ito.
  2. Inaagaw ang mga ito sa kanya.
  3. Nais ipamigay ng Espanya ang mga kolonya sa ibang bansa.
  4. Inaawat niya ang Cuba at Pilipinas.

cartoon mula sa Puck

 

3. Paano inilalarawan ang Pilipinas sa cartoon?

 

  1. Bilang taong kapantay ng Espanya
  2. Bilang isang mayaman at progresibong indibidwal
  3. Bilang isang taong masunurin sa Espanya
  4. Bilang isang taong hindi sibilisado

4.   I-drag mula sa cartoon ang

mga bagay na nagpapatunay sa

iyong sagot sa mga naunang

tanong.

 

cartoon mula sa Puck

 

5. Alin sa sumusunod ang tama base sa paglalarawan sa cartoon? I-click lahat ng tamang sagot.

 

  1. Nakapaa ang Pilipinas at may sapatos ang Cuba.
  2. Parehong nakangiti ang Cuba at Pilipinas.
  3. Walang pantalon ang Pilipinas at nakapantalon ang Cuba.
  4. May baril ang Cuba habang ang Pilipinas naman may armadong patalim.

cartoon mula sa Puck

 

6. Base sa paglalarawan ng mga imahen ng Cuba at Pilipinas, alin sa dalawa ang ipinapakitang mas maunlad: ang Cuba o ang Pilipinas?

cartoon mula sa Puck

 

7. Ano ang direkta at pangunahing mensahe ng cartoonist?

 

  1. Handa ng sumuko ang Espanya sa Estados Unidos.
  2. Humihina na ang hawak ng Espanya sa kanyang mga naghihimagsik na kolonya.
  3. Sabay na naghihimagsik ang Cuba at Pilipinas laban sa Espanya.
  4. Mahina na ang katawan ni Reyna Cristina.

Mabuhay! Natapos mo na ang Aralin. Ano ang iyong nais gawin?

28 Mayo 1898

Lumabas ang dekreto ni Aguinaldo na nanawagan sa muling pagsiklab ng rebousyon.


26 Hunyo 1898

Pinangunahan ni Luna ang paglilikas sa mga tao palayo sa bayan ng Baler.


30 Hunyo 1898

Sinimulang paligiran ng mga rebolusyonaryo ang simbahan ng Baler.


1 Hulyo 1898

Nag-iwan ng mensahe ang mga rebolusyonaryo sa labas ng simbahan na humimok sa mga Espanyol na sumuko.


13 Agosto 1898

Naganap ang kunwa-kunwariang labanan sa Intramuros, Maynila sa pagitan ng Espanya at Estados Unidos.


10 Disyembre 1898

Nilagdaan ang Kasunduan sa Paris sa pagitan ng Espanya at Estados Unidos.


4 Pebrero 1899

Sumiklab ang Digmaang Pilipino-Amerikano

 

29 Mayo 1899

Dumating si Kol. Cristobal Aguilar sa Baler upang kumbinsihin ang mga sundalong Espanyol na itigil ang labanan.


2 Hunyo 1899

Sumuko ang mga sundalong Espanyol sa mga Pilipino.


30 Hunyo 1899

Inisyu ni Aguinaldo sa Tarlac ang dekretong nagturing sa mga sumukong Espanyol bilang kaibigan.


Timeline