Aralin 13

Ang Kababaihan sa Himagsikan

Malaki ang tungkuling ginagampanan ng kababaihan sa

Katipunan. Sa katunayan, isa sa mga aral ng Kartilya ng

Katipunan ay tungkol sa kababaihan. Sang-ayon sa

Kartilya, “ang babae ay pantay na katuwang at karamay

ng lalaki sa hirap ng buhay.” Malaki ang tingin ng

Katipunan sa kababaihan.

Ang Kartilya ng Katipunan

Kartilya

Binubuo ang Kartilya ng mga aral at tungkulin ng  mga miyembro ng Katipunan: ang kagandahang-asal, pagmamahal sa pamilya, sa kapwa at sa bayan. Mahalaga ang Kartilya sapagkat dito nakatala ang mga kaisipan at layunin ng kilusan.

Tingin 1

Tingin 2

Hindi nilagdaan ngunit marahil ay isinulat ni Emilio Jacinto.

Mula sa Archivo General Militar, Espanya.

Noong 1893, binuo ang sangay ng kababaihan sa loob ng

Katipunan. Karamihan ng mga sumali ay mga asawa,

kapatid, anak, o kamag-anak ng mga lalaking kasapi.

Sangay ng Kababaihan

Pangulo: Josefa Rizal

Pangalawang Pangulo: Gregoria de Jesus

Kalihim: Marina Dizon

Ingat-yaman: Angelica Rizal Lopez

Isang natatanging miyembro ng sangay ng kababaihan ay

si Gregoria “Oryang” de Jesus, asawa ng Supremo ng

Katipunan na si Andres Bonifacio. Liban sa pagtatago ng

mga dokumento at salapi ng Katipunan, sumama rin siya

sa mga aktwal na labanan.

Oryang

Gregoria de Jesus

9 Mayo 1875 – 15 Marso 1943

Ipinanganak si Gregoria “Oryang” de Jesus sa Caloocan. Napangasawa niya ang Supremo ng Katipunan na si Andres Bonifacio at naging kasapi ng sangay ng kababaihan ng Katipunan. Kinilala siyang “Lakambini ng Katipunan.” Malaki ang papel na kanyang ginampanan bilang kasapi ng Katipunan sa kabila ng batang edad na 18. 

Nabalo si Oryang matapos mapaslang si Andres noong 10 Mayo 1897. Siya ay ikinasal sa pangalawang pagkakataon kay Julio Nakpil na isa ring rebolusyonaryo. 

Yumao si Oryang noong 15 Marso 1943 sa panahon ng mga Hapon sa Pilipinas.

Pinatunayan naman ni Melchora “Tandang Sora” Aquino

na hindi hadlang ang edad upang magsilbi sa bayan.

Bagaman 84 na taong gulang na nang sumiklab ang

himagsikan, tumulong pa rin siya sa pamamagitan ng

pagbibigay ng pagkain, pag-aaruga, pagkupkop at

paggamot sa sugatang mga katipunero. Ito rin ang ginawa

ng  kalihim ng sangay ng kababaihan ng KKK na si Marina
Dizon
ng Binondo.

 Melchora

Melchora Aquino

6 Enero 1812 – 19 Pebrero 1919

Kilala sa tawag na Tandang Sora, ipinanganak si Melchora Aquino sa Banlat, Caloocan sa mag-asawang Juan at Valentina Aquino. Napangasawa niya si Fulgencio Ramos na isang cabeza de barangay at nagkaroon ng anim na anak. Isa sa kanyang mga anak ay naging katipunero. 

Tumulong si Tandang Sora sa Katipunan sa pamamagitan ng pagbibigay ng bigas, kalabaw at pagkain sa mga katipunero. Binuksan din niya ang kanyang tahanan sa mga pulong ng KKK at ginamot ang mga sugatan. Dahil dito, kinikilala siya sa kasaysayan bilang “Ina ng Katipunan” at “Ina ng Balintawak.”

Nahuli at kinulong si Tandang Sora. Noong 1896, ipinatapon siya ng mga Espanyol sa Guam. Siya ay nakabalik sa Pilipinas noong 1903 at namuhay nang tahimik. Yumao siya sa gulang na 107.

Marina Dizon

Marina Dizon

18 Hulyo 1875 – 25 Oktubre 1950

Ipinanganak si Marina Dizon kina Jose Dizon at Roberta Bartolome. Ang kanyang ama na si Jose ay isa sa 13 martir na pinatay sa Bagumbayan noong 1897. 

Isa sa mga unang babaeng kasapi ng Katipunan si Marina. Pinsan niya si Emilio Jacinto na kilala bilang “Utak ng Katipunan.” Nagsilbi si Marina bilang kalihim ng sangay ng kababaihan sa Katipunan. 

Namatay siya sa edad na 75 noong 25 Oktubre 1950.

Sumapi rin sa Katipunan ang mga babaeng kapatid ni Jose

Rizal na sina Josefa at Trinidad at ang mga pamangkin na

sina Angelica Lopez at Delfina Herbosa. Hindi nagtagal ay

sumapi rin ang asawa ni Rizal na si Josephine Bracken.

Sila ay nag-alaga at nag-aruga ng mga sugatang

rebolusyonaryo. Naging tagapagbibigay din sila ng mga

pagkain, tagakuha ng impormasyon hinggil sa kilos ng

mga Espanyol, at tagapag-ingat ng mga dokumento ng

samahan.

Josefa Rizal

Josefa Rizal

1865-1945

Trinidad Rizal

Trinidad Rizal

1868-1951

Ang magkapatid na Josefa at Trinidad Rizal ay mula sa kilalang pamilya ng mga Mercado-Rizal sa Calamba, Laguna. Ipinangangak noong 1865 at pangsiyam sa labing-isang magkakapatid si Josefa, samantalang pangsampu naman si Trinidad na ipinanganak noong 1868.   

Hindi alam ng kanilang kapatid na si Jose na sumapi ang dalawa sa Katipunan. Naging Pangulo si Josefa Rizal sa sangay ng kababaihan. Namatay ang magkapatid na Josefa at Trinindad na parehong walang asawa.

 Josephine Bracken 

Josephine Bracken

9 Agosto 1876 – 15 Marso 1902

Si Josephine Bracken ay ipinanganak sa Hongkong sa parehong Irish na magulang na sina James Brown at Elizabeth MacBride. Nakarating siya ng Pilipinas noong 1895 nang samahan niya ang kanyang amain na si George Taufer para magpagamot kay Jose Rizal sa Dapitan. Naging mabuti ang pagtitinginan nina Josephine at Jose Rizal at sila'y namuhay na magkasama sa Dapitan. 

Pagkatapos barilin si Rizal sa Bagumbayan nagtungo si Bracken sa Cavite at doon ay sumapi sa rebolusyon. Nagbalik sa Hongkong si Josephine at doon namatay sa sakit na tuberkulosis.

Lumaki ang bilang ng mga katipunera at lumawak ang

kanilang papel sa himagsikan. Mula San Miguel, Bulacan si

Trinidad Tecson, na itinuring na “henerala” dahil sa

kanyang angking kakayahang mamuno at makipaglaban.

Si Teresa “Nay Isa” Magbanua, mula Iloilo, ay lumaban din

gamit ang mga sandata sa himagsikan sa Visayas.

Kababaihan sa Himagsikan

Trinidad Tecson

Trinidad Tecson

18 Nobyembre 1848 – 28 Enero 1928

 Teresa Magbanua

Teresa Magbanua

13 Oktubre 1863 – Agosto 1947

Nagmula sa isang may-kayang pamilya sa bayan ng Pototan, Iloilo si Teresa Magbanua. Ang kanyang ama, si Don Juan Magbanua, ay isang hukom; ang kanyang ina na si Doña Alejandra Ferraris ay isang mangangalakal. Nag-aral si Teresa sa Iloilo at sa mga eskwelahang pambabae sa Maynila. Nakapagtapos ng pagkaguro sa Colegio de Doña Cecilia noong 1894. Bumalik siya sa Iloilo at doon nagturo.

Sumali si Teresa sa rebolusyon sa Iloilo noong 1898 sa kabila ng pagtutuol ng kanyang aswawa na si Alejandro. Sumapi rin ang kanyang mga kapatid na sina Pascual at Elias. Noong 1898 pinamunuan ni Magbanua ang kanyang hukbo sa Pilar, Capiz. Namatay sa isang labanan sina Pascual at Elias ngunit itinuloy ni Teresa ang pakikipaglaban.

Naging tagatustos ng mga pangangailangang pinansyal at materyal naman si Teresa para masuportahan ang kilusang gerilya noong panahon ng Hapon. Pumanaw siya sa gulang na 78 noong Agosto 1947.

Naging mga tagapag-alaga naman ng mga sugatan,

tagalikom ng pondo at tagapagtago rin ng dokumento

sina Patrocinio Gamboa at Nazaria Lagos ng Iloilo,

Macaria Geronimo ng Cavite at marami pang iba.

Tagapag-alaga

Iba-iba ang mukha ng kabayanihang ipinakita ng mga

katipunera sa panahong ito, patunay na malaki ang

kanilang naging papel sa pagpapalaya ng bayan.

Handa ka na ba para sa Gawain 1?

Gawain 1. Ang Buhay ng Isang Katipunera

Basahin ang piling bahagi ng “Mga Tala ng Aking Buhay

(1928), ang gunita ni Oryang, tinaguriang Lakambini ng

Katipunan, tungkol sa kanyang naging karanasan sa

panahon ng himagsikan.

Sagutin ang mga tanong sa mga sumusunod na pahina.

Mga Tala ng Aking Buhay (1928) ni Gregoria de Jesus

Ang memoir o gunita ay isang halimbawa ng sanggunian sa kasaysayan. Binubuo ito ng mga alaala ng isang saksi sa pangyayari sa nakaraan. 

Ang akdang “Mga Tala ng Aking Buhay” ay isang halimbawa ng gunita. Limampu’t tatlong taong gulang si Oryang nang ito’y isulat noong 1928.

Nilalaman nito ang kanyang alaala ng mga naranasan niya mula kapanganakan at kabataan hanggang sa napangasawa niya si Bonifacio at sumapi siya sa Katipunan. 

Mga Tala ng Aking Buhay

[1] Nang ako’y kasama ng mga kawal ng naghihimagsik sa lugar ng digmaan ay wala akong takot na humarap sa anumang kahirapan at sa kamatayan man, sapagkat wala akong nais ng panahong iyon kundi ang mawagayway ang bandila ng kalayaan ng Pilipinas. [2] Kasama ako at nakita ko ang maraming laban, kaya’t kabilang din ako sa mga kawal. [3] Upang maging ganap na kawal, ako’y nagsanay ng pagsakay sa kabayo, nag-aral na mamaril at humawak ng ilang uri ng sandata na nagamit ko rin naman sa maraming pagkakataon. [4] Naranasan ko rin naman ang matulog sa lupa ng walang kinakain sa buong maghapon, uminom ng maruming tubig o kaya’y katas ng isang uri ng baging [vine] sa bundok na totoong mapakla ngunit nagiging masarap din dahil sa matinding uhaw. [5] Kung aalalahanin, sa gulang ko noon ako’y nagtataka kung papano ko natawid ang ganoong klase ng buhay at kung bakit ako buhay pa sa gitna ng mahigpit na pag-uusig sa akin ng panahong iyon.

Mga Tala ng Aking Buhay

1.  Ano kaya ang nangyayari sa Pilipinas sa panahong

nilalarawan ni Oryang sa kanyang alaala?

  1. Nagsisimula na ang pananakop ng mga Espanyol sa Pilipinas.
  2. Malaya at maunlad na ang Pilipinas.
  3. Kasalukuyang nakikipaglaban ang mga Pilipino at mga Espanyol.
  4. Masayang nagpapasailalim ang mga Pilipino sa mga Espanyol.

Mga Tala ng Aking Buhay

[1] Nang ako’y kasama ng mga kawal ng naghihimagsik sa lugar ng digmaan ay wala akong takot na humarap sa anumang kahirapan at sa kamatayan man, sapagkat wala akong nais ng panahong iyon kundi ang mawagayway ang bandila ng kalayaan ng Pilipinas. [2] Kasama ako at nakita ko ang maraming laban, kaya’t kabilang din ako sa mga kawal. [3] Upang maging ganap na kawal, ako’y nagsanay ng pagsakay sa kabayo, nag-aral na mamaril at humawak ng ilang uri ng sandata na nagamit ko rin naman sa maraming pagkakataon. [4] Naranasan ko rin naman ang matulog sa lupa ng walang kinakain sa buong maghapon, uminom ng maruming tubig o kaya’y katas ng isang uri ng baging [vine] sa bundok na totoong mapakla ngunit nagiging masarap din dahil sa matinding uhaw. [5] Kung aalalahanin, sa gulang ko noon ako’y nagtataka kung papano ko natawid ang ganoong klase ng buhay at kung bakit ako buhay pa sa gitna ng mahigpit na pag-uusig sa akin ng panahong iyon.

Mga Tala ng Aking Buhay

Mula sa bahagi ng gunita ni Oryang, piliin ang bilang ng

nararapat na sagot sa bawat tanong sa ibaba. Maaaring

ang mga tanong ay may higit sa isang sagot.

2.    Ano ang mga ginawa ni Oryang para sa rebolusyon?

Mga Tala ng Aking Buhay

[1] Nang ako’y kasama ng mga kawal ng naghihimagsik sa lugar ng digmaan ay wala akong takot na humarap sa anumang kahirapan at sa kamatayan man, sapagkat wala akong nais ng panahong iyon kundi ang mawagayway ang bandila ng kalayaan ng Pilipinas. [2] Kasama ako at nakita ko ang maraming laban, kaya’t kabilang din ako sa mga kawal. [3] Upang maging ganap na kawal, ako’y nagsanay ng pagsakay sa kabayo, nag-aral na mamaril at humawak ng ilang uri ng sandata na nagamit ko rin naman sa maraming pagkakataon. [4] Naranasan ko rin naman ang matulog sa lupa ng walang kinakain sa buong maghapon, uminom ng maruming tubig o kaya’y katas ng isang uri ng baging [vine] sa bundok na totoong mapakla ngunit nagiging masarap din dahil sa matinding uhaw. [5] Kung aalalahanin, sa gulang ko noon ako’y nagtataka kung papano ko natawid ang ganoong klase ng buhay at kung bakit ako buhay pa sa gitna ng mahigpit na pag-uusig sa akin ng panahong iyon.

Mga Tala ng Aking Buhay

3.    

Ano ang mga sakripisyo at paghihirap na naranasan

ni Oryang sa panahon ng himagsikan?

4.    

Bakit kaya nagawa ni Oryang ang mga

sakripisyong ito?

Mga Tala ng Aking Buhay

[1] Nang ako’y kasama ng mga kawal ng naghihimagsik sa lugar ng digmaan ay wala akong takot na humarap sa anumang kahirapan at sa kamatayan man, sapagkat wala akong nais ng panahong iyon kundi ang mawagayway ang bandila ng kalayaan ng Pilipinas. [2] Kasama ako at nakita ko ang maraming laban, kaya’t kabilang din ako sa mga kawal. [3] Upang maging ganap na kawal, ako’y nagsanay ng pagsakay sa kabayo, nag-aral na mamaril at humawak ng ilang uri ng sandata na nagamit ko rin naman sa maraming pagkakataon. [4] Naranasan ko rin naman ang matulog sa lupa ng walang kinakain sa buong maghapon, uminom ng maruming tubig o kaya’y katas ng isang uri ng baging [vine] sa bundok na totoong mapakla ngunit nagiging masarap din dahil sa matinding uhaw. [5] Kung aalalahanin, sa gulang ko noon ako’y nagtataka kung papano ko natawid ang ganoong klase ng buhay at kung bakit ako buhay pa sa gitna ng mahigpit na pag-uusig sa akin ng panahong iyon.

Mga Tala ng Aking Buhay

5.  Alin kaya sa sumusunod ang hindi kasama sa mga

dahilan kung bakit sinulat ni Oryang ang kanyang gunita?

  1. Upang iparating sa mga susunod na henerasyon ang naranasan sa panahon ng himagsikan
  2. Upang ipagmalaki ang sarili
  3. Upang hindi makalimutan ang naging hirap ng mga rebolusyonaryo sa pagpapalaya ng bayan
  4. Upang alalahanin ang isang makasaysayang yugto ng kasaysayan

Mga Tala ng Aking Buhay

[1] Nang ako’y kasama ng mga kawal ng naghihimagsik sa lugar ng digmaan ay wala akong takot na humarap sa anumang kahirapan at sa kamatayan man, sapagkat wala akong nais ng panahong iyon kundi ang mawagayway ang bandila ng kalayaan ng Pilipinas. [2] Kasama ako at nakita ko ang maraming laban, kaya’t kabilang din ako sa mga kawal. [3] Upang maging ganap na kawal, ako’y nagsanay ng pagsakay sa kabayo, nag-aral na mamaril at humawak ng ilang uri ng sandata na nagamit ko rin naman sa maraming pagkakataon. [4] Naranasan ko rin naman ang matulog sa lupa ng walang kinakain sa buong maghapon, uminom ng maruming tubig o kaya’y katas ng isang uri ng baging [vine] sa bundok na totoong mapakla ngunit nagiging masarap din dahil sa matinding uhaw. [5] Kung aalalahanin, sa gulang ko noon ako’y nagtataka kung papano ko natawid ang ganoong klase ng buhay at kung bakit ako buhay pa sa gitna ng mahigpit na pag-uusig sa akin ng panahong iyon.

Handa ka na ba para sa Gawain 2?

Gawain 2. Mga Babaeng Rebolusyonaryo

Narito ang limang panandang pangkasaysayan ng

Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas

tungkol sa mga babaeng rebolusyonaryo. Ipinaliliwanag

ng pananda ang kahalagahan ng bawat rebolusyonaryo.

Basahin ang mga pananda.

Buuin ang mga panandang pangkasaysayan sa mga susunod

na pahina sa pamamagitan ng pagdrag ng tamang sagot.

Ang Mga Magbanua

    Sa bayang ito ng Pototan ipinanganak sa mag-asawang Juan Magbanua at Alejandra Ferraris sina Teresa (1868), Pascual (1874), at Elias (1880), mga bayani ng himagsikang pilipino. Si Teresa ang kauna-unahang babae sa Panay na nakipaglaban para sa kalayaan ng Pilipinas. Si Pascual ay naging heneral at si Elias naman ay medyor sa Hukbong Rebolusyonaro sa Bisaya.

    Si Teresa ay namatay sa Zamboanga noong 1947, si Pascual sa Dingle, Iloilo, noong 1899, at si Elias sa labanan ng Saravia, Negros Occidental noong 1899.

Melchora Aquino

(Tandang Sora)

    Isinilang sa Baryo Banlat, Kalookan ngayo’y Banlat, Lungsod Quezon, 6 Enero 1812. Tinaguriang Ina ng Himagsikan dahil sa pagtulong sa mga Katipunero na pinamumunuan ni Gat Andres Bonifacio sa pamamagitan ng pagpapakain sa kanila at pag-aalaga sa mga sugatan. Dinakip ng mga Espanyol at ipinatapon sa Guam, 1896. Pinalaya ng mga Amerikano at nagbalik sa Pilipinas, 1903. Yumao, 19 Pebrero 1919 at inilibing sa Mausoleo de los Veteranos de la Revolucion, Manila North Cemetery. Inilipat ang mga labi sa Himlayang Pilipino, 6 Enero 1970.

Nazaria Lagos

    Ipinanganak sa Baryo ng Burongan ngayo’y Jaguimit, Dueñas, Iloilo noong 28 Agosto 1851. Makabayan at ulirang nars ng mga sugatang Pilipino noong panahon ng himagsikan sa Kabisayaan. Tinahi niya ang bandilang Pilipino na Iwinagayway sa Dueñas noong 12 Hunyo 1899, unang anibersaryo ng pagpapahayag ng kalayaan ng Pilipinas. Namatay noong 27 Enero 1945.

Patrocinio Gamboa

    Ipinanganak sa Jaro, Iloilo noong ika-30 ng Abril 1865 kina Fermin Gamboa at Leonarda Villareal.

    May kaisipang makabayan na pinasigla ng dalawang nobela ni Rizal. Siya ay umanib sa pangkat panghimagsikan sa Iloilo. Ipinakipagsapalaran niya ang kanyang buhay sa pagdadala ng bandila ng Pilipnas na kanyang ginawa buhat sa Jaro patungong Sta. Barbara kung saan itinaas ito nang pasinayaan ang pansamantalang pamahalaan panghimagsikan noong ika-17 ng Nobyembre 1898.

    Tumulong siya sa pag-aalaga at pag-aliw sa mga nasugatan at maysakit noong panahon ng digmaan laban sa mga Amerikano. Siya ay namatay noong ika-24 ng nobyembre 1953 sa Molo, Iloilo.

Trinidad Tecson

    Isang rebolusyonistang kilala bilang “Ina ng Biyak-na-Bato” at “Ina ng Awa.” Isinilang sa San Miguel de Mayumo, Bulakan, noong ika-18 ng Nobyembre, 1848, ikalawa sa 16 na anak nina Rafael B. Tecson at Monica S. Perez. Masigasig na kagawad ng Logia de Adopcion, isang lohiyang mason para sa mga kababaihang Pilipino na itinatag noong 1893. Noong panahon ng himagsikan, siya ay lumahok sa ilang mga labanan sa ilalim ng pamumuno nina Heneral Francisco makabulos sa Nueva Ecija, Hen. Isidoro Torres, Hen. Mariano Llanera at Hen. Gregorio H. Del Pilar sa Bulakan. Inalagaan niya ang mga maysakit at sugatan sa Biyak-na-Bato at isa siya sa mga nagtatag ng pambansang Krus na Pula sa Pilipinas noong 1899. Namatay siya noong ika-28 ng Enero, 1928.

Limang panandang pangkasaysayan

            Mabuhay! Natapos mo na ang Aralin. Ano ang iyong nais gawin?