Aralin 16

II. Ang Kaisipan ni Andres Bonifacio


Likas na may talino ang Supremo ng Katipunan na si

Andres Bonifacio. Ang malawak niyang kaalaman ay

malinaw nating makikita sa mga akdang kanyang binasa

at isinulat kabilang ang ilang tula at artikulo. Isinalin niya

sa Tagalog, halimbawa, ang tulang Mi Ultimo Adios ni Dr.

Jose Rizal, na makikita sa Dambanang Rizal sa Fort

Santiago, Intramuros.

 

Pinangunahan ni Bonifacio ang paghihimagsik ng mga

Pilipino noong 1896 upang tuluyan nang tapusin ang

pananakop ng mga Espanyol. Tinawag siyang “Supremo.”

Andres Bonifacio

(Nobyembre 30, 1863- Mayo 10, 1897)

Ipinanganak si Andres noong 30 Nobyembre 1863 sa Tondo, Maynila. Ang kanyang ama na si Santiago Bonifacio ay isang mananahi na naging teniente-mayor ng Tondo samantalang may lahing Kastila naman ang kanyang ina na si Catalina de Castro, isang manggagawa sa isang pabrika ng tabako. Dahil sa maagang naulila, kinailangan ni Bonifacio na suportahan ang sarili at kanyang mga kapatid. Hindi man nakatapos ng mataas na antas ng edukasyon, nagsikap si Bonifacio na pagyamanin ang kanyang kaalaman.

 

Habang nagtatrabaho bilang mensahero, salesman at bodegero sa mga dayuhang kompanya sa Maynila, nagkaroon siya ng pagkakataong matutunan ang wikang Espanyol at maging ang mga akdang liberal mula sa Espanya. Nagbasa rin siya ng mga akda ng mga Pilipinong propagandista tulad ng mga nobela ni Jose Rizal na Noli Me Tangere at El Filibusterismo at iba pang mga akda. Binasa niya ukol sa Rebolusyong Pranses noong 1789 at iba pang akdang may temang pampulitika. Naging aktor rin sa mga dula at komedya si Bonifacio.

 

Isang babaeng nagngangalang Monica ang unang naging asawa ni Bonifacio. Sa kasamaang palad si Monica dahil sa ketong. Taong 1892 naman nang makilala niya si Gregoria de Jesus na kanyang naging pangalawang asawa. Sa parehong taon na ito rin naitatag ang Katipunan na sa paglaon ay pamumunuan ni Bonifacio.

Dahil sa kanyang pagmamalasakit sa bayan at ang

kanyang mga sakripisyo, isang pambansang bayani si

Andres Bonifacio. Sa 2013, gugunitain natin ang ika-150

taong kapanganakan ng isang dakilang anak ng bayan.

Handa ka na ba para sa Gawain 1?

Gawain 1. Pakikinig sa Awiting

"Pag-ibig sa Tinubuang Lupa"


Ang tulang "Pag-ibig sa tinubuang Bayan" ay isa sa

mahahalagang akda sa panitikan ng Himagsikan.

Sinasabing nailathala ang tulang ito sa kaisa-isang isyu ng

Kalayaan, ang pahayagan ng Katipunan, na lumabas

noong Marso 1896.

Pakinggan ang modernong bersyon

ng tula na inawit ng grupong

Inang Laya noong dekada '80.

Makikita na may mga nawawalang

linya sa mga susunod na pahina.

 

 

Habang nakikinig, punan ang mga

nawawalang linya mula sa hanay ng

mga pagpipilian sa kaliwa. I-drag ang

tamang linya sa angkop nitong lugar.

  • Kung sa pagtatanggol buhay ay kapalit
  • Sa bayang nagkupkop
  • Gaya ng pag-ibig sa tinubuang lupa
  • Wala na nga, wala
  • Kundi ang makita'y lupang tinubuan
  • Ng pagkatimawa ng mga alipin

Pag-ibig sa Tinubuang Lupa

(bersyong awit ng Inang Laya)

 

Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya

Sa pagkadalisay at pagkadakila

(1)

Aling pag-ibig pa, wala na nga, wala

  • Kung sa pagtatanggol buhay ay kapalit
  • Sa bayang nagkupkop
  • Gaya ng pag-ibig sa tinubuang lupa
  • Wala na nga, wala
  • Kundi ang makita'y lupang tinubuan
  • Ng pagkatimawa ng mga alipin

Walang mahalagang hindi inihandog

Ng may pusong wagas

(2)

Dugo, yaman, dunong, katiis at pagod

Buhay ma'y abuting magkalagot-lagot

 

Ang nakaraang panahon ng aliw

Ang inaasahang araw na darating

(3)

Liban ba sa bayan, saan tatanghalin

  • Kung sa pagtatanggol buhay ay kapalit
  • Sa bayang nagkupkop
  • Gaya ng pag-ibig sa tinubuang lupa
  • Wala na nga, wala
  • Kundi ang makita'y lupang tinubuan
  • Ng pagkatimawa ng mga alipin

Sa abang-abang mawalay sa bayan

Gunita ma'y laging sakbibi ng lumbay

Walang alaala't inasam-asam

(4)

 

Kayong nalagasan ng bunga't bulaklak

Kahoy niyaring buhay na nilanta't sukat

Ng bala-balaki't, makapal na hirap

Muling manariwa't sa baya'y lumiyag

  • Kung sa pagtatanggol buhay ay kapalit
  • Sa bayang nagkupkop
  • Gaya ng pag-ibig sa tinubuang lupa
  • Wala na nga, wala
  • Kundi ang makita'y lupang tinubuan
  • Ng pagkatimawa ng mga alipin

Ipakahandug-handog ang buong pag-ibig

Hanggang sa may dugo'y ubusing itigis

(5)

Ito'y kapalaran at tunay na langit

 

Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya

Sa pagkadalisay at pagkadakila

Gaya ng pag-ibig sa tinubuang lupa

Aling pag-ibig pa

Wala na nga, wala

 

  • Kung sa pagtatanggol buhay ay kapalit
  • Sa bayang nagkupkop
  • Gaya ng pag-ibig sa tinubuang lupa
  • Wala na nga, wala
  • Kundi ang makita'y lupang tinubuan
  • Ng pagkatimawa ng mga alipin

Handa ka na ba para sa Gawain 2?

Gawain 2. Pagbabasa ng Tulang "Pag-ibig sa

Tinubuang Bayan"


Matapos mapakinggang ang bersyong-awit,

balikan ang orihinal na akdang pinaghanguan

nito. Basahin ang ilang piling saknong at

sagutin ang mga sumusunod na tanong.

Sumangguni sa glossari na nasa ilalim ng tula

para sa mga salitang hindi maunawaan.

Pag-ibig sa Tinubuang Bayan

Andres Bonifacio

 

1

Alin pag-ibig pa ang hihigit kaya

sa pagka dalisay at pagkadakila

gaya ng pag-ibig sa tinubuang lupa?

alin pag-ibig pa? wala na nga, wala.

 

2

Walang mahalagang hindi inihandog

ng mga pusong mahal sa Bayang nagkupkop

dugo, yaman, dunong katiisa’t pagod

buhay may abuting magkalagot-lagot

 

3

Bakit? alin ito na sakdal ng laki

na hinahandugan ng boong pag kasi

na sa lalung mahal na kapangyayari

at ginugugulan ng buhay na iwi

 

4

¡Ay! itoy ang Inang Bayang tinubuan

siya'y ina’t tangi na kinamulatan

ng kawili-wiling liwanag ng araw

na nagbigay init sa lunong katawan

 

5

Kalakip din nitoy pag ibig sa Bayan

ang lahat ng lalung sa gunitay mahal

mula sa masaya't gasong kasangulan

hangang sa katawa’y mapa sa libingan.

 

6

Hayo na nga kayo, kayong nangabuhay

sa pag-asang lubos na kaginhawahan

at walang tinamo kundi kapaitan

hayo na’t ibigin ang naabang bayan.

 

7

Ipahandug-handog ang buong pag-ibig

At hanggang may dugo'y ubusing itigis;

kung sa pagtatanggol, buhay ay mapatid,

Ito'y kapalaran at tunay na langit!

 

Glosari

pag-kasi – pag-ibig, pag-aruga

gaso – sigla, masigla

iwi – pag-mamay-ari

luno – pagod, mahina

naaba – naapi; namaliit

tigis – padaluyin

 

Sagutin ang mga sumusunod na katanungan:

 

1. Sino ang sumulat ng tula?

 

  1. Andres Bonifacio
  2. Emilio Jacinto
  3. Emilio Aguinaldo
  4. Jose Rizal

2. Ano ang lagay ng Pilipinas noong isinulat ang tulang

"Pag-ibig sa Tinubuang Bayan"?

 

  1. Ang Pilipinas ay malaya at hindi sakop ng mga Espanyol.
  2. Ang Pilipinas ay nasa ilalim ng kolonyalismong Espanyol at naghahangad ng kalayaan.
  3. Ang Pilipinas ay nakalaya na sa kolonyalismong Espanyol.
  4. Ang Pilipinas ay nasakop ng Amerikano.

3. Para kanino kaya isinulat ang tula?

 

  1. Para sa mga Espanyol
  2. Para sa mga prayle
  3. Para sa mga Pilipino
  4. Para sa mga Amerikano

4. Ano ang ipinababatid ng unang saknong ng tula?

Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya

sa pagkadalisay at pagkadakila

gaya ng pag-ibig sa tinubuang lupa?

aling pag-ibig pa? wala na nga, wala.

 

  1. Ang pag-aaruga sa sarili ang pinakamahala.
  2. Wala nang pag-ibig ang hihigit pa sa pag-ibig sa bayan.
  3. Ibigin ang mga dayuhang bansa katulad ng pag-ibig sa sariling bayan.
  4. Wala nang mas mahalaga sa kayamanan.

5. Mula sa dalawang saknong sa ibaba, ano ang

masasabi nating panawagan ng tula? 

Hayo na nga kayo, kayong nangabuhay

sa pag-asang lubos na kaginhawahan

at walang tinamo kundi kapaitan

hayo na’t ibigin ang naabang bayan.

Ipahandug-handog ang buong pag-ibig

At hanggang may dugo'y ubusing itigis;

kung sa pagtatanggol, buhay ay mapatid,

Ito'y kapalaran at tunay na langit!

  1. Mahalin at ialay ang buhay para sa bayan.
  2. Mangibang bayan at doon hanapin ang kaginhawahan.
  3. Umasa sa iba na ipagtanggol at mahalin ang bayan.
  4. Unahin lagi ang sariling kapakanan bago ang bayan.

 

Handa ka na ba para sa Gawain 3?

Gawain 3. Ang Kaugnayan ng Tula sa Kasalukuyan


Ang ating kasalukuyan ay nakaugat sa ating nakaraan,

kaya kahit matagal na ang sanggunian, katulad ng tula

ni Bonifacio, ito ay nananatiling may kaugnayan sa

nangyayari ngayon. Ang gawaing ito ay aplikasyon ng

mensahe ni Bonifacio.

 

Tingnan ang larawan sa mga sumusunod na pahina.

Piliin ang Masaya na mukha kung ang larawan ay nagpapakita

ng pagmamahal sa bayan at Malungkot na mukha naman kung hindi.

Ang ating kaalaman ukol sa nakaraan ay nanggagaling sa iba't ibang sanggunian, katulad ng liham, dyaryo, at larawan. Ang tula at iba pang akdang pampanitikan ay sumasalamin sa mga kaganapan sa panahon, lalo na sa pagtingin at damdamin ng mga saksi ng pangyayari.

Papel, panulat at tinta

 

1            

Maduming hangin

 

2            

Sinasagip ang nalulunod

 

3            

Magturo

 

4            

Iligal na pagtotroso

 

5            

Sumunod sa batas trapiko

 

6            

Abusuhin ang kapangyarihan

 

7            

Mag-aral

 

8            

Magtanim

 

9            

Itaas ang bandera ng Pilipinas

 

10            

Tumulong sa nangangailangan

Mabuhay Katipunero! Natapos mo na ang Aralin. Ano ang iyong nais gawin?