Aralin 22

Ang Pagkakatuklas sa Katipunan

 

Nakababagabag ang kalagayan ng Maynila at at mga

karatig-bayan nito dahil sa bali-balita tungkol sa isang

lihim na samahang binubuo ng mga Pilipino. Lumalakas

ang paghihinala ng mga Espanyol na nilalayon ng

samahang ito na pabagsakin ang gobyerno.

Ilang ulat mula sa mga prayle ang naipadala sa mga

kinauukulan tungkol sa Katipunan upang hikayatin si

Gobernador-Heneral Ramon Blanco na kumilos agad.

Ramon Blanco

15 Mayo 1833 - 4 Abril 1906

 

Ramon Blanco

Si Ramon Blaco ay ipinanganak noong 15 Mayo 1833

sa San Sebastian, Espanya na may titulong Marqués de

Peña Plata.

Nagkataon naman na noong panahong iyon ay nagkaroon

ng alitan sa pagitan nina Teodoro PatiƱo at Apolonio De La Cruz,

mga katipunerong empleyado sa Diario De Manila. Tila may

kinalaman ito sa pagtaas ng sweldo ni Apolonio samantalang

hindi naman itinaas ang sweldo ni Teodoro. Nagkasagutan ang

dalawa dahil dito.

Si Teodoro Patiño ay isang cajista (typesetter) sa

palimbagan ng Diario De Manila. Bago siya nagtrabaho sa

imprenta, isa siyang konduktor sa tranvía (streetcar) ng

Maynila. May mga sangguniang nagsasabing hindi siya

naging miyembro ng Katipunan.

Diario de Manila

 

Ang Diario de Manila ay isang pahayagan sa wikang Espanyol na nailimbag sa Pilipinas mula 1848 hanggang 1898. Ang pahayagan ay pinamatnugutan ni Felipe del Pan at inilimbag ng Ramirez y Giraudier at noong 1888, ng Ramirez y Compañia. Natagpuan ang imprenta ng dyaryo sa 40 Kalye Beaterio corner 1 Kalye Magallanes sa Intramuros, Maynila, habang ang opisina ng kumpanya at ng patnugot ay nasa 31 Kalye Escolta corner Kalye San Jacinto sa Binondo, Maynila.

Tumigil ang dyaryo pansamantala noong 1852 ngunit inilabas ito sa bagong pangalan, Boletin Oficial de Filipinas. Nanatili ang dyaryo sa pangalang ito hanggang 1860. Sa taong ito ay lumabas muli ang dyaryo sa dati niyang pangalan at tumagal hanggang isinara ito ng gobyerno matapos napag-alamang ginagamit ang mga pasilidad nito upang ilimbag ang mga dokumento, resibo at ang pahayagan ng Katipunan, ang “Kalayaan.”

Apolonio de la Cruz

1864 - 6 Pebrero 1897

 

Ipinanganak si Apolonio noong 1864, nag-iisang anak ni Felipa de la Cruz ng Bigaa, Bulacan. Noong 1882, napangasawa ni Apolonio si Apolonia Gallardo na anak ng isang Guardia Civil. Nagkaroon sila ng tatlong anak.



Nagtrabaho si Apolonio bilang katiwala sa palimbagan ng Diario de Manila habang palihim din siyang miyembro ngKatipunan. Mga miyembro rin ang iba niyang kasama sa trabaho. Gamit ang Mapaghiganti bilang kanyang nom deguerre o alyas, nagsilbi siyang ingat-yaman ng Balangay ng Katipunan sa Tondo, Maynila.

Sumali si Apolonio sa mga makasaysayang pulong ng pamunuan ng Katipunan sa Pasig noong 1 Mayo 1896 at ipinagkaloob sa kanya ang mga mahahalagang dokumento ng samahan. Inaresto siya at pinahiran sa bilangguan matapos matuklasan ang Katipunan. Siya ay binaril noong 6 Pebrero 1897 kasama ang siyam pang miyembro ng Katipunan: sina Roman Basa, Teodoro Plata, Vicente Molina, Hermenegildo de los Reyes, Jose Trinidad, Pedro Nicodemus, Feliciano del Rosario, Gervasio Samson and Doroteo Dominguez.

Dulot ng sama ng loob at sa layuning makaganti sa

kaaway, ibinunyag ni Patiño ang lahat tungkol sa inililihim

na samahan sa kanyang kapatid na si Honoria, na noong

panahong iyon ay naninirahan sa isang ampunang

Agostino sa Mandaluyong. Sa magkahalong lungkot at

pangamba ay napaiyak si Honoria.

Natawag ang pansin ng madre portera ng ampunan, si Sr.

Teresa de Jesus. Nag-imbal ang madre sa narinig nito

kaya’t hinimok niya si Patiño na ikumpisal ang lahat kay

Padre Mariano Gil , ang kura paroko ng Tondo, Maynila. Sa

araw ding iyon, 19 Agosto 1896, ay ikinumpisal ni Patiño

kay Padre Gil ang lahat ng nalalaman nito tungkol sa

Katipunan, bagamat matagal ng may hinala

ang pari rito.

Padre Mariano Gil
2 Hulyo 1849 - 11 Disyembre 1903

 

Padre Mariano Gil

 

Si Padre Mariano Gil ay ipinanganak sa Carreon de Condes (Palencia) sa Espanya noong 2 Hulyo 1849. Sa murang edad ay pumasok ito sa kumbento ng mga Agustino sa Villadolid.  Naitalaga siya sa parokya ng iba’t ibang lalawigang tagalong bago siya nagging kura ng Tondo, Maynila noong Marso 31, 1889.  Nanatili siyang kura ng Tondo hanggang 1898 at namatay sa Pamplona, Espanya noong 11 Disyembre 1903.


Ibinunyag ni Patiño sa pari lahat ng alam niya tungkol sa

Katipunan, kasama ang pagtago ng mga gamit ng

samahan, tulad ng mga selyuhan at tatak  sa paggawa ng

mga resibo ng Katipunan at maging ang mga punyal ng

mga kasapi, sa palimbagan ng Diario de Manila.

Mga Halimbawa ng Selyo ng mga Katipunan

 

Selyo ng katipunan

 

Mula sa Ambrose Coleman, The Friars in the Philippines, 1899.

Agad na tinungo ni Padre Gil ang himpilan ng mga Guardia

Civil ng Maynila at ipinagbigay-alam ang binunyag sa

kanya ni Patiño. Sa tanggapan ng Diario de Manila

natagpuan nina Padre Gil, kasama ang mga Guardia Civil

at ang may-ari ng palimbagan, ang mga resibo at ilang

mga katibayang nagpapatunay sa pagkakaroon ng Katipunan.

Ipinakita ni Padre Gil kay Patiño ang mga

nakumpiska mula sa palimbagan at pinatunayan niyang

totoo ang mga ito.

Selyo ng katipunan2

 

Katipunan seal & ink pad made of stone found in the raid of a printing press where Kalayaan was printed.

Dahil dito pinasimulan ang malawakang pagdakip sa lahat

ng mga pinaghinalaang kasapi ng Katipunan. Nag-umpisa

ang pamahalaan sa pag-aresto sa mga empleyado sa

palimbagan ng dyaryo, gaya nina Policarpio Tarla      

(tagapamahala ng palimbagan), Braulio Rivera (hindi alam

kung ano ang trabaho niya sa imprenta), at Apolonio de la

Cruz (foreman ng imprenta).

Policarpio Tarla

 

Si Policarpio Tarla marahil ang pinakamataas na katipunero sa palimbagan. Ingat-yaman siya ng Sangguninan ng Katipunan sa Tondo. Kilala siya ng samahan sa pangalang 'Pagsanjan'.

Braulio Rivera

 

Hepe si Braulio Rivera ng Sanggunian ng Katipunan sa Tondo at kasamang lider siya ng mga katipunerong nagtatrabaho sa imprenta. Ang lihim niyang pangalan ay 'Katotohanan'.

Alam ng pangasiwaan ng dyaryo ang mga pangalan at

tirahan ng mga empleyado nito. Halos lahat sila ay

nakatira sa Tondo, at hinuli sila sa gabi ng 19 Agosto

1896.

 

 

Base sa record ng kaso, Causa Criminal Num. 92, Juzgado de Tondo, 1896, dalawa ang listahan ng mga inakusa ng rebelyon at pagbubuo ng di legal na samahan matapos matuklasan ang Katipunan. Sa unang listahan ang sumusunod:

 

1.    Anselmo de la Torre
2.    Marcelo de la Cruz
3.    Andres Santillan
4.    Jose Calillo
5.    Catalino Sionco
6.    Policarpio Tarla
7.    Modesto Gomez
8.    Quiterio Salvador
9.    Braulio Rivera
10.    Baldomero de Jesus
11.    Julian Basco
12.    Basilio Tecson
13.    Mariano Gatchalian
14.    Pantaleon Pornelos
15.    Apolonio de la Cruz
16.    Mauricio Bautista
17.    Ariston Bautista
18.    Luis Villareal
19.    Faustino Villaruel
20.    Agustin de la Rosa

 

Sa ikalawang listahan naman ang sumusunod. Sa panahong inisyu ang listahan, ang huling tatlo lamang ang nahuli.

 

1.    Andres Bonifacio
2.    Pio Valenzuela
3.    Gregorio Ramos
4.    Alejandro Santiago
5.    Aguedo del Rosario
6.    Cipriano Pacheco
7.    Procopio Novera
8.    Benedicto Nijaga
9.    Valentin Lagasca

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

signatures

 

script

Agad ibinilanggo sa Bilibid ang mga nahuli; nakaposas ang

mga bihag at nasa kalagayang incomunicado. Nadagdagan

ang listahan ng mga sospek sa mga sumunod na araw.

Noong 30 Agosto 1896, inilipat ang kaso sa hukumang

militar at ilan sa mga nasa Bilibid ay ibinilanggo sa

bartolina ng Fort Santiago sa Intramuros.

Bawal ang anumang komunikasyon sa loob at labas ng bilangguan.

Kasama rito sina Policarpio Tarla, Braulio Rivera at Apolonio de la Cruz. Sa Fort Santiago hiniwalay ang mga ito.

Hinatulan na nagkasala sa rebelyon at o kataksilan ang

mga akusado. Ang ilan ay ipinatapon sa Jolo at Iligan sa

Mindanao at ang iba naman ay binaril sa Bagumbayan

(ngayo’y Luneta) noong 11 Enero 1897. Ang mga pinatay

ay kilala ngayon bilang ‘13 martir ng Bagumbayan.’ Si

Apolonio de la Cruz naman at siyam na kasama ay binaril

sa Bagumbayan noong 6 Pebrero 1897.

Roman Basa, Teodoro Plata, Vicente Molina, Hermenegildo de los Reyes, Jose Trinidad, Pedro Nicodemus, Feliciano del Rosario, Gervasio Samson, Doroteo Dominguez

Ipinatapon sa Jolo sa utos ng 18 Setyembre 1896 sine Quiterio Salvador, Baldomero de Jesus, Anselmo de la Torre, Marcelo de la Cruz, Andres Santillan at Jose Calillo.

Sa utos naman ng 28 Marso 1897, isa sa mga ipinatapon sa Iligan ay si Policarpio Tarla.

13 Martir ng Bagumbayan
11 Enero 1897

Braulio Rivera, Francisco L. Roxas, Moises Salvador, Faustino Villaruel, Luis Villareal, Jose Dizon, Numeriano Adriano, Ramon Padilla, Geronimo Medina, Antonio Salazar, Eustaquio Mañalac, Domingo Franco, Benedicto Nijaga

bagumbayan

 

Mula sa Arnaldo Dumindin, Philippine-American War, 1899-1902, 2006 <http://philippineamericanwar.webs.com/spanishholdouts.htm>
13 Martir ng Bagumbayan

Handa ka na ba para sa Gawain 1?

Gawain 1. Mga Bali-balita tungkol sa Lihim na Samahan

 

Basahin ang sumusunod na balita bago nadiskubre ng

gobyernong Espanyol ang Katipunan noong 19 Agosto

1896.

Manuel Sityar
20 Agosto 1863 – 1927

 

 

Ipinanganak si Manuel Sityar sa Cavite; ang ina niya ay Pilipino at Espanyol ang kanyang ama. Nanilbi siya sa Guardia Civil ng gobyernong Espanyol ngunit bumaliktad at sumapi sa hukbo ni Hen. Emilio Aguinaldo sa San Francisco de Malabon (ngayo’y General Trias), Cavite noong 28 Mayo 1898. Nagsilbi din siyang kinatawan ng probinsya ng Laguna sa Kongreso ng Malolos.

Ang Cuba ay isa ring kolonya ng Espanya. Ito ay isang isla na matatagpuan sa Caribbean na malapit sa Estados Unidos. Noong huling bahagi ng ika-19 na siglo, naghimagsik din ang mga Cubano laban sa mga Espanyol. Nakamit ng mga Cubano ang kanilang kalayaan noong 1898.

20 Hunyo 1896

 

Iniulat ng isang paring Rekoleto mula sa isang bayan sa Cavite na sa isang pagpupulong ng konseho ng bayan ay mayroong grupong nakikipagsabwatan upang pabagsakin ang Espanya at humihiling sa pagtatagumpay ng rebolusyon sa $Cuba.
   

5 Hulyo 1896

 

Nagpadala si $ManuelSityar, isang tenyente ng mga Guardia Civil sa Pasig, ng isang ulat sa gobernador-sibil ng Maynila tungkol sa ilang mga mamamayan mula sa Mandaluyong at $SanJuandelMonte na nanghihikayat sa mga lalaki na umanib sa isang samahan sa pamamagitan ng pagpirma gamit ang dugo mula sa isang maliit na sugat na nilikha nila sa kanilang braso; at sa panunumpang pananatalihing lihim ang mga layunin at tunguhin ng nasabing samahan.


6/7 Agosto 1896

 

Nagpadala ng mensahero si Padre Mariano Gil, ang kura paroko ng Tondo, kay Señor Roca, ang kumandante ng hukbong pandagat, tungkol sa isang rebolusyonaryong samahan. Subalit pinapunta ng kumandante ang mensahero sa gobernador-heneral na tila hindi naniwala rito.
    

13 Agosto 1896

 

Sumulat si Padre Agustin Fernandez, kura paroko ng San Pedro de Makati, kay Don Manuel Luengo, gobernador-sibil ng Maynila, na agarang kumilos laban sa ilang mga taong sinasabing mga pangunahing tagapagtaguyod ng mga pagpupulong ng mga Mason at mga separatista sa bayan.


San Juan del Monte

 

Ito ngayon ang Pinaglabanan sa lungsod ng San Juan sa Metro Manila.

Base sa mga balitang ito, pilin ang kung flag_tama tama at

kung mali ang sumusuod na hinuha.

 

1.   

Lantarang nagpupulong ang mga katipunero.

 

            
  
2.   

Hindi mahalagang pinanggagalingan ng

impormasyon ang mga paring Espanyol.

 


 

  
3

Sa tingin ng mga matataas na opisyal, ang

balita tungkol msa Katipunan ay hindi

kapani-paniwala.

 

 
   


4.  

May mga nakakahalata na sa mga

pagpupulong ng Katipunan bago pa man ito

natuklasan.

 

            
   
5.  

Agad kumilos ang mga matataas na opisyal

nang matanggap nila ang balita tungkol sa

Katipunan.

 


 

   
6.

Nanahimik lamang ang mga nakapansin sa

mga gawain ng mga miyembro ng lihim

na samahan.

 

 
   


Handa ka na ba para sa Gawain 2?

Gawain 2. Pagkakasunud-sunod ng mga Pangyayari

 

Ayusin ang pagkakasunud-sunod ng mga pangyayaring

humantong sa pagkakabunyag ng Katipunan. Isulat ang ‘1’

sa naunang pangyayari hanggang sa ‘9’ sa pinakahuli.

 

 

 

Kinasuhan ang mga suspek ng rebelyon at o kataksilan laban sa Espanya.

 

 

 

Ikinumpisal ni Patiño kay Padre Mariano Gil ang tungkol sa lihim na samahan.

 

 

 

Hinatulang may sala ng rebelyon at o kataksilan ang mga akusado.

 

 

 

 

Nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng dalawang katipunero na sina Teodoro Patiño at Apolonio de La Cruz.

 

 

 

Hinuli ang mga empleyado sa imprenta ng Diario de Manila na ipinaghinalaang mga miyembro ng Katipunan.

 

 

 

May mga lumalaganap na balita tungkol sa isang lihim na samahang itinatag ng mga Pilipino na naglalayong pabagsakin ang kapangyarihang Espanyol sa kolonya.

 

 

 

Ipinatapon sa Mindanao ang mga hinatulang nagkasala at ang iba naman ay pinatay sa Bagumbayan.

 

 

 

Sa pangunguna ni Padre Mariano Gil, hinalughog ng mga guardia civil ang tanggapan ng Diario de Manila at doon ay natagpuan ang ilang ebidensya tungkol sa Katipunan.

 

  Ipinagtapat ni Teodoro Patiño sa kanyang kapatid na babae ang lahat ng nalalaman nito tungkol sa Katipunan.

Handa ka na ba para sa Gawain 3?

Gawain 3. Reaksyon sa Pagkakatuklas ng Katipunan

 

Sa kabilang banda, anu-ano naman kaya ang naging

reaksyon ng mga Katipunero noong nalaman nilang

natuklasan na sila ng mga Espanyol? Basahin ang

sumusunod na sipi mula kay Santiago Alvarez .

Santiago Alvarez
25 Hulyo 1872 – 30 Oktubre 1930

 

Santiago Alvarez

 

Ipinanganak si Santiago Alvarez sa Cavite noong 1872. Anak siya ng isang pinunong rebolusyonaryo, si Mariano Alvarez, at katulad ng kanyang ama, ay sumapi rin sa Katipunan. Nag-umpisa si Santiago sa Sanggunian ng Katipunan sa Cavite bilang delegado general bago sumiklab ang himagsikan noong 1896. Nang kumalat ang rebolusyon sa Cavite, itinaas siya sa ranggong Kapitan Heneral at kalauna’y naging Kumander ng grupong Magdiwang.

Kasama ng kanyang ama at pinsang si Hen. Pascual Alvarez, inagaw nila Santiago ang bayan ng Noveleta, Cavite mula sa kamay ng guardia civil noong 30 Agosto 1896. Dahil sa kanyang katapangan, nakilala si Santiago bilang “Kidlat ng Apoy” at bayani ng labanan sa Dalahican, Cavite, na tumagal ng 36 na oras (9-11 Nobyembre 1896).

Namatay si Santiago sa San Pablo, Laguna noong 1930.

    Ika-10 oras ng gabi ng araw ding iyon [kung kailan natuklasan ang Katipunan], ang mga sekreta at beterana  ay may mga dalang talaan ng ngalan ng mga tao, at hinahalo ang bahay-bahay; hinuhuli ang maabutan at hinahanap na pilit ang di datnan. Kinabukasan, araw ng Linggo, ika-19 ng Hulyo, 1896; umagang-umaga pa ay nagigisnan na ang malulungkot na panangisan ng mga magulang, kapatid, asawa’t mga anak ng mga nadakip...

    Araw ng Miyerkules, ika-22 ng Hulyo; umaalingawngaw ang balita sa mahigpit na pag-uusig sa Supremo Bonifacio at sa mga kasamahan nitong Pamunuan, ng mga kawal ng Pamahalaang Kastila... ang Supremo Andres Bonifacio ay nanatili sa pag-iingat at pagtatanggol ng mga Pamunuan ng Katipunan sa lalawigan ng Rizal...

    Habang lumalakad ang araw, lumalaki ang gulo at pangamba ng lahat ng Pilipino, ... ang mga Panguluhan ng Katipunan sa Maynila at mga lalawigan, pulupulutong na sinasadya ng mga taong nangagsisianib at halos araw-gabi, hanggang magdamag ay di nahihinto sa mga gawain ng pagtanggap at pagpapasumpa sa Katipunan...

Grupo-grupo

Ito ang mga pulis sa Kamaynilaan. Ang Guardia Civil Veterana o Veterana ay binuo noong 1872, na may tungkuling protektahan ang lipunan sa anumang karahasan at mapanatili ang kontrol ng mga Espanyol sa Pilipinas.

Batay sa sipi, piliin ang sanhi kung ang sumusunod na pangungusap ay sanhi (dahilan) at epektokung ang pangungusap ay epekto (resulta).

 

1.    Natuklasan ang Katipunan ng mga Espanyol.

 

            

     

 

2.    Inaresto ng mga pulis ang mga

pinaghihinalaan nilang kasapi ng Katipunan.

 

 

     

 

3.    Umiiyak ang mga magulang, kapatid,

asawa’t mga anak.

 

 

    

 

4.    Hinahanap ng mga Espanyol si Bonifacio

 

            

     

 

5.    Nanatili si Bonifacio sa lalawigan ng Rizal at

nag-ingat sa kanyang pagkilos.

 

 

     

 

6.    Maraming Pilipino ang di natakot at sumali

pa rin sa Katipunan.

 

    

 

Mabuhay! Natapos mo na ang Aralin. Ano ang iyong nais gawin?