Aralin 9

I. Ang pagsapi sa Katipunan


Ang Katipunan ay isang kilusan ng mga kalalakihan at

kababaihang Pilipino na naglayong lubusang palayain ang

Pilipinas mula sa mga Espanyol. Isang kilusan rin ito ng

mga kabataang Pilipino sapagkat marami sa mga sumapi

dito ay wala pang 20 taong gulang. Parehong 18 taong

gulang, halimbawa, sina Emilio Jacinto, ang kinikilalang

“Utak ng Katipunan,” at Gregoria de Jesus, ang

“Lakambini ng Katipunan,” nang sumapi sila sa kilusan.

Iba-iba rin ang mga hanapbuhay ng mga kasapi nito.

Mayroong mga manggagawa tulad ng mga

tagapag-imprenta sa pahayagan, manininda at

negosyante, tagagawa ng tabako, kasapi sa mga

banda, at mga trabahador sa riles ng tren. Mayroon

ding mga edukadong kasapi tulad ng manggagamot na

si Dr. Pio Valenzuela, mga abogado, at mga kawani

ng pamahalaan.

Pangalan Hanapbuhay
Aguedo del Rosario Tagapag-imprenta sa pahayagang Diario de Manila
Apolonio Cruz Tagapag-imprenta sa pahayagang Diario de Manila
Alejandro Santiago Tagapag-imprenta sa pahayagang El Resumen
Deogracias Fajardo Tagapag-imprenta
Juan Fajardo Tagapag-imprenta
Tomas Alegre Tagagawa ng sigarilyo
Pio H. Santos Tagagawa ng tabako
Patricio Belen Tagagawa ng tabako
Crispulo Chacon Tagagawa ng tabako
Lorenzo Martinez Tagagawa ng tabako
Tomas Villanueva Tagagawa ng tabako
Procopio Bonifacio Tagapamahala ng bagahe sa tren
Rogelio Borja Mekaniko
Isaac del Carmen Mekaniko
Hilario Sayo Mekaniko
Melecio Ruestra Dibuhante/draftsman
Pastor Santos Dibuhante/draftsman
Guillermo Masangkay Negosyante (buy and sell)
Pedro Zabala Negosyante (buy and sell)
Macario Sakay Ahente
Salustiano Cruz Mananahi
Juan de la Cruz Barbero/Manunulat ng dula
Emilio Jacinto Estudyante
Andres Bonifacio Empleado sa isang kompanyang dayuhan (Fressel & Co.), gumagawa ng baston at calligrapher
Nicomedes Carreon Kubrador at manininda sa Casa Chofre
Miguel Resurreccion Tagaputol ng damo
Vicente Leyva Manininda ng gatas
Cipriano Pacheco Klerk
Briccio Pantas Assistant sa Huwes ng Court of the First Instance
Teodoro Plata Kawani sa Korte sa Mindoro
Jose Trinidad Kawani sa Korte sa Tondo
Hermogenes Plata Kawani sa Korte
Tomas Remigio Kawani ng Pamahalaan (sa Tanggapan ng Pananalapi)
Pantaleon Torres Kawani ng Pamahalaan (sa Tanggapan ng Pananalapi)
Vicente Molina Kawani ng Pamahalaan (sa Tanggapan ng Pananalapi)
Enrique Pacheco Kawani ng pamahalaan sa Maynla
Faustino Manalac Kawani ng tanggapan na namamahala sa mga daungan sa Maynila
Calixto Santiago Opisyal sa Customs
Restituto Javier Opisyal sa Customs
Hermenegildo Reyes Opisyal sa Customs
Valentin Lagasca Guard Sergeant sa Customs
Eugenio Santos Guard sa Customs
Francisco Carreon Guard sa Customs
Sarhento Marcelo Guard sa Customs
Roman Ramos Empleado ng arsenal ng gobyerno
Tito Miguel Empleado ng arsenal ng gobyerno
Julio Navarro Secret Agent ng gobyerno
Marcelo Badell Secret Agent ng gobyerno
Geronimo Medina y Cristobal Army Corporal
Cosme Taguyod Tenyente ng Fire Department
Rafael Gutierrerez Kapitan ng Fire Department
Estanislao Vargas Property Owner
Apolonio Samson Property Owner
Pio Valenzuela Manggagamot
Ramon Bernardo Capitan Municipal ng Pandacan

Bilang isang kilusan, may sinundang proseso ng

pagtanggap sa isang kasapi. May pagkakapareho ang

prosesong ito sa isinagawang proseso ng Masoneriya.

Ang mga gawaing napapaloob sa araling ito ay tungkol

sa proseso ng pagsapi sa Katipunan.

 

Ang Masoneriya ay isang samahan na bukas sa mga malayang kaisipan hinggil sa mga usaping panrelihiyon, pampulitika at panlipunan. Pinapahalagahan ng samahang ito ang kapatiran, kalayaan at pagkakapantay-pantay. Ilang halimbawa ng mga Mason ay ang mga propagandistang sina Jose Rizal, Marcelo H. del Pilar at Antonio Luna. Sa Katipunan, naging Mason din sina Andres Bonifacio, Emilio Aguinaldo, at ang mag-amang Santiago at Mariano Alvarez.

Handa ka na ba para sa Gawain 1?

Gawain 1. Aplikasyon para sa Katipunan


Ang unang hakbang sa pagsapi sa Katipunan ay ang paglagda sa isang aplikasyon. Ipagpalagay mo na nabuhay ka sa panahon ng Katipunan at Himagsikang Pilipino. Naniniwala ka sa mga layunin at adhikain ng kilusan na maging malaya ang Pilipinas at nais mong sumapi dito. Gumawa ng iyong sariling aplikasyon sa pagsapi sa Katipunan. Punan ang mga patlang ng pormularyo sa susunod na pahina.

Ako ay si

 

tumubo sa bayan ng distrito

 

ng

 

na ngayon ay taong gulang,

 

ang hanapbuhay ay

 

at nakatira sa .

Sa aking pagkakaalam ng buong kagalingan sa mga

layunin at aral na inilalathala ng KATIPUNAN ng mga

Anak ng Bayan, ninanais kong makisanib dito.  Kung

gayon aking hinihiling na tanggapin at mapabilang na isa

sa mga Anak ng Katipunan, at ako’y nangangakong

tutupad at susunod sa mga aral at mga Kautusang

sinusunod dito.

 

Nilagdaan ngayong ika ng buwan ng

 

ng taong .

 

Handa ka na ba para sa Gawain 2?

Gawain 2. Pagsagot sa mga Tanong sa Kalagayan ng Pilipinas


Ang ikalawang hakbang ay ang ritwal ng pagsapi na

ginagawa sa isang maliit na silid. Nilalayon ng ritwal na

ito ang pagsubok sa kahandaan at determinasyon ng

aplikante. Nakaupo ang taong nagnanais sumapi malapit

sa isang mesang may rebolber, bolo, bungo at isang

pormularyo (na iyong sinagutan).

Kailangang mulat ang isang kasapi ng Katipunan sa

kalagayan ng Pilipinas mula sa perspektibo ng Pilipino.

Tatlong mga tanong ang kinakailangang sagutin.

Tandaan ang mga ito para sa susunod na babasahin.

 

1.) Ano ang lagay ng Pilipinas noong unang panahon
(bago dumating ang mga Kastila)?

2.) Ano ang kalagayan ng Pilipinas ngayon sa ilalim ng
Espanya?

3.) Ano ang magiging kalagayan kapag malaya na ang
Pilipinas mula sa mga Kastila?

Bilang paghanda para sa pagsagot ng mga tanong, basahin

ang sipi mula sa “Ang Dapat Mabatid ng mga Tagalog” ni

Andres Bonifacio. Nilalarawan nito ang katangian ng

lipunang Pilipino bago ang pagdating ng mga Espanyol, sa

ilalim ng mga Espanyol, at sa panahon ng kalayaan.

Gamitin ito upang sagutin ang tatlong katanungan.


Sa susunod na gawain, i-drag ang mga saknong sa

kanang hanay sa patlang ng tanong na sinasagot.

I-drag ang bilang ng saknong mula sa tanong na sinasagot nito. Pindutin ang numero ng saknong upang

basahin.

1.) Ano ang kalagayan ng bayan bago

dumating ang mga Espanyol?

2.) Ano ang kalagayan ng bayan sa

ilalim ng mga Espanyol?

3.) Ano ang magiging kalagayan ng

bayan kung umalis ang mga Espanyol?

 

 

1

Itong Katagalugan, na pinamumunuan noong unang panahon ng ating tunay na mga kababayan, noong hindi pa tumutuntong sa mga lupaing ito ang mga Kastila, ay nabubuhay sa lubos na kasaganaan at kaginhawaaan. Kasundo niya ang mga kapit-bayan…. Sila’y kabilihan at kapalitan ng mga kalakal, labis ang pagyabong ng lahat ng pinagkakakitaan. Kung kaya’t mayaman ang asal ng lahat, bata at matanda at lahat ng mga babae ay marunong bumasa at sumulat ng pagsulat nating mga Tagalog.

 

 

 

 

2

Dumating ang mga Kastila at nagsabing makikipagkaibigan. Sabi nila, tayo’y dadalhin sa kaunlaran at lalong bubuksan ang ating kaisipan… Halos tatlong daang taong mahigit na na ang lahi ni Legaspi ay ating binubuhay sa lubos na kasaganaan, ating pinagtatamasa at binubusog, kahit abutin natin ang kasalatan at kahirapan.

 

 

3

Ngayon, ano ang nakita nating kaginhawaan na kanilang ibinigay sa ating Bayan? Ano ang nakikita nating pagtupad sa kanilang pangako?  Wala kundi pawang kataksilan ang ganti sa ating mga paghihirap. Sa halip na gisingin tayo sa kagalingan ay bagkus, tayo ay kanilang binulag, inihawa tayo sa kanilang hindi magandang asal, pinilit na sinira ang mahal at magandang ugali ng ating Bayan; iminulat tayo sa isang maling pagsampalataya at isinadlak sa kasamaan ang kapurihan ng ating Bayan. Kung tayo’y mangahas humingi ng kahit kaunting lingap, ang nagiging sagot ay ang tayo’y ipatapon at ilayo sa piling ng ating minamahal na anak, asawa at magulang.

 

 

4

Panahon na ngayong dapat na lumitaw ang liwanag ng katotohanan; panahon nang dapat nating ipakilala na tayo’y may sariling pagdaramdam, may puri, may hiya at pagdadamayan. Ngayon, dapat simulan ang pagsisiwalat na wawasak sa tabing na bumubulag sa ating kaisipan. Ngayon, dapat makilala ng mga Tagalog ang pinagbuhatan ng kanilang mga kahirapan. Ngayon, dapat kilalanin na sa bawat isang hakbang natin ay tumutuntong tayo at nabibingit sa malalim na hukay ng kamatayan na sa ati’y ginagawa ng mga kaaway.

 

 

 

5

Kaya, O mga kababayan, ating labanan ang bulag na kaisipan at kusang igugol sa kagalingan ang ating lakas para sa tunay at lubos na pag-asa na magtagumpay tayo sa layunin nating kaginhawahan ng ating bayang tinubuan.

Handa ka na ba para sa Gawain 3?

Gawain 3. Pagpili ng Alyas at Paglagda


Sunod naman na isasagawa ang isang sanduguan.

Pagkatapos manumpa ng bagong kasapi, lalagda siya

gamit ang dugo mula sa isang sugat sa kanyang bisig.

Sanduguan

Mahalaga ang ritwal ng sanduguan sa Katipunan sapagkat binibigyang diin nito ang pagiging magkapatid o pagiging “isa sa dugo” ng mga kasapi ng kilusan. Dahil dito, ang Katipunan ay isang kapatiran na may pagkilala na ang mga Anak ng Bayan ay magkakapatid.

Sa gawaing ito, pipili ka ng alyas (nom de guerre) na siyang

magiging pangalan mo sa loob ng kilusan. Sa pangalang ito

ka makilala ng iyong mga kapatid. Mahalaga ito upang

mapanatili ang pagiging lihim ng kapatiran at ng mga

kasapi nito.

 

Tingnan ang mga halimbawa ng alyas ng ilang Katipunero

at ang kanilang mga lagda. Makikita na sinasalamin ng

mga alyas ang kanilang mga pagpapahalaga o maging ang

mga katangiang nais nilang isabuhay.

Andres Bonifacio

(1863-1897)


"Maypagasa". Founder; Secretary (1892); Fiscal(1893-1894); President (1895-1896) of the Supreme Council;

President of the Sovereign Tagalog Nation

(1896-1897)

KKK signature of Andres Bonifacio - Vzypzgzs

Ang Plo ng H.B. - Ang Pangulo ng Haring Bayan

 


Emilio Jacinto

(1875-1899)


"Pingkian". Fiscal(1894-1895); Secretary(1895-1896) of the Supreme Council; Army Commander in the Northern District (1896-1897).

KKK signature of Emilio Jacinto-

Pnllknzll = Pinkian (but sometimes Pnllgknzll = Pingkian)

 

 Deodato Arellano

(1844-c. 1898)


 "Santol". President of the Supreme Council (1892-1893).


Ladislao Diwa

(1875-1899)


 "Baliti". Fiscal (1892-1893) of the Supreme Council

KKK signature of Ladislao Diba - Bzjñtñ = Baliti


Pio Valenzuela

(1869-1956)


 "Dimas Ayaran". Fiscal of the Supreme Council (1895-1896)

KKK signature of Pio Valenzuela.

"Dimas Ayaran" was his alias; "Madlang Away" was the nom-de-plume he used when contributing to Kalayaan


Jose Turiano Santiago

(1875-1942)


 "Tik Tik". Secretary of the Supreme Council (1894-1895)

 


Ngayon, isulat mo ang iyong alyas at lagda. Pagkatapos ay pindutin ang bolo.




Mabuhay Katipunero! Natapos mo na ang Aralin. Ano ang iyong nais gawin?

7 Hulyo 1892

Itinatag ang Kataas-taasang Kagalang-galang na Katipunan ng mga Anak ng Bayan sa pangunguna ni Andres Bonifacio sa Kalye Azcarraga sa Tondo, Maynila

19 Agosto 1896

Nadiskubre ng mga Espanyol ang Katipunan. Agad na pinag-utos ang paghuli sa mga kasapi nito.

23 Agosto 1896

Isinagawa ang unang sigaw ng himagsikan kung saan pinunit ng mga Katipunero ang kanilang mga sedula.

Timeline