Aralin 21

Ang Pahayagang Kalayaan

 

Naglabas ang Katipunan ng sarili nitong pahayagan na

tinawag na Kalayaan. Isang edisyon lamang ang nailabas,

na may petsang 18 Enero 1896, ngunit ito ay naikalat

noong Marso na. Bukod sa kakulangan ng pondo,

umiigting ang imbestigasyon ng mga Espanyol sa mga

pinaghihinalaang may tangka sa pamahalaan.

Gayumpaman, nakatulong ang kaisa-isang edisyong ito

sa pagpapalakas ng Katipunan.

Si Emilio Jacinto, tinaguriang “Utak ng Katipunan,” ang

patnugot ng pahayagang Kalayaan. Napili siyang

patnugot dahil napakahusay niyang sumulat sa wikang

Tagalog. Ang katipunerong si Dr. Pio Valenzuela naman

ang nagmungkahing “Kalayaan” ang ipangalan sa

pahayagan bilang pagkilala sa hangarin ng Katipunan.

Dr. Pio Valenzuela

Pio Valenzuela

11 Hulyo 1869 – 6 Abril 1956

 

  Isinilang si Dr. Pio Valenzuela sa Polo, Bulacan (ngayo’y Barangay Polo, Valenzuela City) kina Francisco Valenzuela and Lorenza Alejandrino, parehong maykaya. Nagtapos siya ng medisina. Isa si Pio sa mga nagtatag ng Katipunan.

 

  Ipinatapon si Pio sa Espanya kung saan siya kinasuhan at ibinilanggo. Inilipat siya sa Africa. Bumalik siya sa Piipinas noong Abril 1899 at hinuli ng mga Amerikano. Nanilbi siya bilang lokal na opisyal sa panahon ng mga Amerikano at nang magretiro sa pulitika ay sinulat ang kanyang gunita ng himagsikan.

Walong pahina ang pahayagan at may lapad na siyam na

pulgada at habang 12 pulgada. Inimprenta ito sa tirahan

ni Pio Valenzuela sa San Nicholas, Maynila. Kasama niya

sa paglalathala ng dyaryo sina Ulpiano Fernandez at
Faustino Duque
, parehong miyembro ng Katipunan.

 

 

Where "Ang Kalayaan"

Was Printed

 

This house was occupied by Dr. Pio Valenzuela together with Ulpiano Fernandez and Faustino Duque, Filipino printers who turned out for Dr. Valenzuela and Emilio Jacinto 2,000 copies of the newspaper entitled "Ang Kalayaan". Giving Yokohama as the place of publication to evade suspicion, the first issue was dated January 13, 1896 but was not circulated until the middle of March. The second issue in preparation was seized by the Spanish authorities when the revolution broke out that year.

Nagtatrabaho si Ulpiano Fernandez sa imprenta ng dyaryong El Comercio. Si Faustino Duque naman ay estudyante sa Colegio de San Juan de Letran.

Upang mailigaw ang mga Espanyol, inilagay si Marcelo del Pilar

na patnugot ng Kalayaan at ang lugar ng publikasyon, sa Yokohama

sa Hapon. Naging malawak ang distribusyon ng Kalayaan sa Maynila

at mga karatig na lalawigan.

 

 

Marcelo del Pilar

Marcelo H. del Pilar

20 Agosto 1850 - 4 Hulyo 1896

 

Si Marcelo Hilario del Pilar ay bahagi ng Kilusang Propaganda na naglayong humingi ng mga reporma sa pamamalakad sa PIlipinas mula sa Espanya. Ipinanganak siya noong 30 Agosto 1850 kina Don Julian del Pilar at Doña Blasa Gatmaitan sa Bulacan. Nakapagtapos ng abogasya si Marcelo sa Unibersidad ng Santo Tomas.

 

Malaki ang naging ambag ni del Pilar sa kilusang propaganda kung saan kinikilala ring bahagi sina Dr. Jose Rizal at Graciano Lopez Jaena. Ginawang katawa-tawa ang mga Espanyol, lalo na ang mga pari, sa pamamagitan ng mga sulatin tulad ng "Dasalan at Toksohan." Dahil sa kanyang aktibismo ay napilitan siyang umalis sa Pilipinas.

 

Doon sa Espanya si del Pilar ang naging ikalawang patnugot ng pahayagan ng mga repormistang propagandista, ang La Solidaridad. Namatay sa sakit sa tuberkulosis si del Pilar noong 4 Hulyo 1896 sa Espanya.

Hindi rin ginamit ng mga manunulat sa dyaryo ang mga

tunay nilang pangalan. Makikita ito sa mga artikulong

lumabas sa kaisa-isang isyu ng pahayagan.

 

“Sa mga kababayan,” ang editoryal ng dyaryo, na walang nakasulat na awtor ngunit akda ito ni Emilio Jacinto;
“Pahayag,” na nilagdaan ni Dimas Alan;
“Katwiran din naman!” ni Madlangaway;

Nilalaman ng editoryal ng isang pahayagan ang opinyon ng mga naglalathala nito hinggil sa isang malaking isyu o usapin. Ang mga editoryal ay mayroong malinaw na posisyon hinggil sa mga usaping ito at maaari ding magbigay ng panawagan sa mga mambabasa kung ano ang marapat na aksyon o tugon.

“Ang dapat mabatid ng mga tagalog,” na ang may-akda ay si Agap-Ito Bagum-bayan;
“Pagibig sa tinubuang Bayan,” ni ‘A.B.’ or ‘A.I.B.’; at
“Balita” (walang may-akda).

Handa ka na ba para sa Gawain 1?

Gawain 1. "Katwiran din Naman"

 

Basahin ang mga sipi halaw sa akdang "Katwiran din naman" ni Pio Valenzuela na lumabas sa dyaryong Kalayaan.

Katwiran din naman


Noong gabi ng ika-24 ng Disyembre, nasa kanyang tahanan ang tenyente ng San Francisco del Monte at humahatol sa isang demandahan ng dalawang babae. Habang ang tinyente ay nasa kalagitnaan ng kanyang tungkulin, ay dumating ang kura at dumungaw sa bintana at mula rito ay sinabihan ng masasamang salita ang tinyente.

 

Hindi pa rito nakuntento ang kura, at matapos pagsabihan ng masama ang tinyente ay pinaputukan niya ito ng baril na kanyang dala. Nang maisip ng tinyente na talagang nais siyang patayin ng kura matapos madaplisan ng bala sa kanyang noo, dali-dali niyang sinunggaban ang kura at inagaw ang baril at sa tulong ng kanyang mga anak at asawa, kanilang iginapos ang pari.

 

Habang nakagapos ang kura, dumating ang ilang hukom mula sa Maynila at nang makita ang kaganapan ay agad na inaresto ang tinyente, kasama ang kanyang pamilya at kaibigan. Matahimik namang bumalik ang kura sa kanyang kumbento sa Maynila. Mula sa imbestigasyon, napag-alamang ang isa sa mga babaeng nililitis sa demandahan sa tahanan ng tinyente ay karelasyon ng kura.

 

Sa huli, ang tinyente at kanyang anak na nagngangalang Pia ay ipinatapon sa magkaibang isla.


Talasalitaan


Kura - paring Espanyol

Sinunggaban - hinawakan


Talasalitaan


Kura - paring Espanyol

Sinunggaban - hinawakan

 

Ang nahanap na kopya ng akdang ito ay nasa sulat-kamay umano ni Jacinto na, ayon kay Jim Richardson, ay maaaring dulot ng kanyang pagkopya para sa pamamatnugot niya sa pahayagan. Sa mga gunita ni Pio Valenzuela, binanggit niyang isinulat niya ang artikulong ito tungkol sa malupit na pagmamalabis ng isang pari sa isang tinyente sa bayan ng San Francisco del Monte.

 

Sanggunian: http://www.kasaysayan-kkk.info/kalayaan-the-katipunan-newspaper/pio-valenzuela-katuiran-din-naman-c-march-1896

Katwiran din naman

A. 

Ayusin ang mga guhit na

eksena sa pagkakasunud-

sunod ng mga pangyayari

ayon sa kwento ni Valenzuela.

Magsimula sa bilang 1 para sa

unang pangyayari. I-drag ang

bilang sa nararapat na guhit



B. Alin sa mga hinuha mula sa salaysay ang tama?

Katwiran din naman

 

1.

Makapangyarihan ang kura sa

panahong iyon.

2.

Kinikilala ng kura ang batas at

nagpapailalim dito.

3.

Naipatutupad ang batas ng patas.

Katwiran din naman

 

4.

Ang batas ay naiimpluwensyahan

ng mga pari.

5.

Maaring sumambat ang kura sa pagdinig

ng kaso dahil karelasyon niya ang isa sa

mga babaing nagdemandahan.

6.

Hindi makatarungan ang tenyente ng

San Francisco del Monte.



Handa ka na ba para sa Gawain 2?

Gawain 2. Ang Pahayag ni Jacinto.

 

Basahin ang bahagi ng akdang “Pahayag” na sinulat ni Jacinto para sa Kalayaan. Sa sanaysay na ito ipinalabas ni Jacinto na nag-uusap ang isang kabataang Pilipino sa isang pigurang pinangalanang “Kalayaan.” Ang sanaysay na ito ang pinakamahabang kontribusyon sa dyaryo.

 Ako ang simula ng mga bagay na higit na dakila, higit na maganda, at higit na kapuri-puri, marangal at iniingatan, na maaaring matamo ng sangkatauhan. Nang dahil sa akin ay nalaglag ang mga ulong may korona; nang dahil sa akin ay nawasak ang mga trono at napalitan at nadurog ang mga koronang ginto; nang dahil sa aking adhikain ay napagkakaisa ang mga tao at kinalilimutan ng bawat isa ang pansariling pakinabang at walang nakikita kundi ang higit na kabutihan ng lahat; nang dahil sa akin ay napalaya ang mga alipin; kailangan ako sa bawat naisin at lasapin ng mga bayan at sa ilalim ng aking kalinga, may ginhawa at biyaya at kasaganahan ang lahat. Ang pangalan ko ay KALAYAAN.

Pahayag

Mula sa teksto, sagutin kung ang sumusunod ay tama o mali.

 

1.  

Dahil sa kalayaan ay nawawalan ng

pagkakaisa.

 

         
2.  

Ang kalayaan ang simula ng pagkakaroon ng

ginhawa ng lipunan.

 

         
3.  

Sa pagnanais na lumaya ay mapapabagsak

ang naghahari sa bayan.

 

         

Pahayag

 

4.  

Kahit na may kalayaan ay mayroon

pang pagka-alipin.

 

         
5.  

Ang kalayaan ay isang hangaring

para sa sarili.

 

         
6.  

Hindi para sa lahat ang kalayaan

 

         
7.  

Kalaban ng kalayaan ang pansariling

pakinabang.

 

         


Handa ka na ba para sa Gawain 3?

Gawain 3. Sa mga Kababayan

 

May isa pang sinulat si Jacinto para sa pahayagang

Kalayaan na may pamagat, “Sa mga Kababayan,” na isa

ring panawagan sa mga kapwa Pilipino. Base sa alam mo

na tungkol sa kondisyon ng bayan noong panahon ng

himagsikan, alin kaya sa mga pangungusap sa ibaba ang

bahagi ng mensahe ni Jacinto? I-click ang mga ito.

1. Tatlong daang taong mahigit sa ilalim ng gobyernong Espanyol ay guminhawa ang inyong buhay, ligtas sa bigat ng pagkaalipin, at punung-puno ng pag-asa sa magandang kinabukasan.

2. Sa tuwing naririnig ko ang inyong mga daing, agad kong ninanasa na gisingin ang inyong mga puso sa pagkahimbing o mapawi man lang ang matinding sakit at kalungkutang inyong tinitiis.

 

3.

Ang salitang “Inang Espanya” ay kasinungalingan lamang: walang ina at walang anak, wala kundi isang lahing nang-aapi at lahing nagpapaapi.

4.

Ang salitang “Inang Bayan” ay panaginip lamang sapagkat hindi pa gaanong itinitibok ng mga Pilipino ang pag-ibig sa tinubuang bayan.

5.

Ang mga pangakong hindi tinutupad ng gobyernong Espanyol ang siyang nag-uudyok na tanggapin natin na nasa sarili nating gawa at lakas ang ating ikabubuhay at kinabukasan.

Mabuhay! Natapos mo na ang Aralin. Ano ang iyong nais gawin?