Aralin 4

Bonifacio at Rizal

 

Sa gitna ng humihirap na kalagayan ng mga Pilipino sa

ilalim ng gobyernong Espanyol, nakita ni Jose Rizal na ang

kailangan ay isang organisasyon sa Pilipinas na kikilos

para sa mga hinahangad na reporma at pagbabago.

Noong 3 Hulyo 1892, itinatag niya ang samahang La Liga

Filipina. Kabilang sa mga naging miyembro nito ay si

Andres Bonifacio.

Nilayon ng La Liga Filipina ang sumusunod:

 

1.     

Pagkakaisa ng kapuluan bilang isang buo at masigasig na katawan

2.

Seguridad sa lahat ng nangangailangan o may kagustuhan

3.

Proteksyon ng lahat sa karahasan at kawalan ng hustisya

4.

Pagsulong ng edukasyon, agrikultura, at komersyo

5.

Pag-aaral at pagpapatupad ng mga reporma

 

 Konstitusyon ng La Liga Filipina

Ang Konstitusyon ng La Liga Filipina sa sulat-kamay ni Jose Rizal

Ngunit bago maisulong ng samahan ang mga layunin nito,

ipinatapon ng pamahalaang Espanyol si Rizal sa Dapitan.

Nagpasya si Bonifacio at ang ibang mga dating miyembro

ng La Liga, tulad nila Ladislao Diwa at Teodoro Plata, na

buuin ang Katipunan. Tinatag nila ito noong 7 Hulyo 1892,

apat na araw matapos ipinatapon si Rizal sa Dapitan.

Teodoro Plata

ca. 1866 - 6 Pebrero 1897

 

Teodoro Plata

 

Kasama ni Teodoro Plata si Andres Bonifacio at Ladislao Diwa sa pagtatag ng Katipunan. Hindi nagtagal matapos sumiklab ang rebolusyon noong 1896, hinuli si Teodoro ng mga Espanyol at ikinulong sa Fort Santiago. Kasama niya sa isang selda si Ladislao Diwa, tagapagtatag din ng Katipunan. Matapos litisin, binaril si Teodoro noong 6 Pebrero 1897.

Mapa ng Dapitan

 

Ang Dapitan ay matatagpuan sa Zamboanga del

Norte. Dito nanirahan si Jose Rizal bilang

deportado mula 1892 hanggang 1896.

Ladislao Diwa

27 Hunyo 1863 - 12 Marso 1930

 

 Ladislao Diwa

 

Naging miyembro si Ladisao Diwa ng La Liga Filipina ngunit tulad ni Bonifacio, naniwala siyang rebolusyon ang solusyon sa paghihirap ng Pilipino sa ilalim ng pamamahala ng Espanyol. Kabilang siya sa mga unang miyembrong nagtatag ng Katipunan noong 1892.

Itinatag ang Katipunan, ayon sa katitikan nito, upang

 

matuklasan ang pinakamabuting paraan upang mabigyan ng

lunas ang paghihirap ng Inang Bayan, itinatatag ang

samahan... na ang layunin ay kalayaan ng Inang Bayan...

sa pamamagitan ng mga baril at ng mga kanyon.

Kahit hindi naging miyembro ng Katipunan si Jose Rizal,

pinahalagahan siya ng mga katipunero. Sa 28 naging

kasapi ng Kataastaasang Sanggunian ng Katipunan sa

panahong 1892-1896, 13 ay dating miyembro ng La Liga

Filipina. Ginamit din ng lihim na samahan ang pangalan ni

Rizal bilang password ng mga kasapi.

 

 

Mga miyembro ng La Liga Filipina

 

Ang mga ito ay sina Andres Bonifacio, Roman Basa, Deodata Arella, Jose Turiano Santiago, Briccio Pantas, Teodoro Plata, Ladislao Diwa, Valentin Diaz, Ildefonso Laurel, Tomas Remigio, Tranquilino Torres, Jose Trinidad at Teodoro Vedua.

Noong binalak ng mga Katipunero na mag-alsa laban sa

Espanya, humingi muna sila ng payo mula kay Rizal.

Inatasan si Dr. Pio Valenzuela na pumunta sa Dapitan

upang kausapin si Rizal.

Dr. Pio Valenzuela

11 Hulyo 1869 - 6 Abril 1956

 

Dr. Pio Valenzuela

 

Isinilang si Dr. Pio Valenzuela sa Polo, Bulacan (ngayo’y Barangay Polo, Valenzuela City) kina Francisco Valenzuela and Lorenza Alejandrino, parehong maykaya. Nagtapos siya ng medisina. Isa si Pio sa mga nagtatag ng Katipunan.

 

Ipinatapon si Pio sa Espanya kung saan siya kinasuhan at ibinilanggo. Inilipat siya sa Africa. Bumalik siya sa Pilipinas noong Abril 1899 at hinuli ng mga Amerikano. Nanilbi siya bilang lokal na opisyal sa panahon ng mga Amerikano at nang magretiro sa pulitika ay sinulat ang kanyang gunita ng himagsikan.

Handa ka na ba para sa Gawain 1?

Gawain 1. Ang La Liga Filipina at Katipunan

 

A. Punuin ang sumusunod na talaan. I-drag ang sagot sa

nararapat na hanay.

B. Batay sa talaang nabuo, tukuyin

kung Tama (TAMA) o Mali (MALI) ang sumusunod

na pangungusap.


1.     

Mahalaga sa La Liga Filipina ang

kaunlaran ng Pilipinas.

         
 

2.

Hindi pareho ang problemang nais

tugunan ng La Liga Filipina at ng

Katipunan.

 

3.

 Isinulong ng La Liga Filipina ang

mapayapang solusyon.

 


4.     

Naniwala ang Katipunan sa pagkabisa

ng mayapang paraan upang makamit

ang layunin ng samahan.

         
 

5.

Mas mahal ni Bonifacio ang Pilipinas

kaysa kay Rizal.

 

Handa ka na ba para sa Gawain 2?

Gawain 2. Ang Pag-uusap ng Dalawang Doktor

 

Isinalaysay ni Dr. Pio Valenzuela ang kanilang

pinag-usapan ni Rizal noong dinalaw niya ito sa Dapitan

noong 21 Hunyo 1896. May mga nagdududa sa

kawastuan ng alaala ni Valenzuela. Bagama’t hindi ito

mapapatunayan, ipinapakita ang isang aspekto ng

pag-iisip ni Rizal tungkol sa himagsikan.

 

 

 

Pag-uusap ni Dr. Pio Valenzuela at Rizal

 

Sinulat ni Pio Valenzuela ang Memoirs of the Katipunan and the Philippine Revolution (salin ni Luis Serano) noong 1914. Ang memoir o gunita ay mahalagang sanggunian sa kasaysayan dahil gawa ito ng isang saksi sa pangyayari. Binubuo ito ng mga alaala ng saksi.

Basahin ang maikling bahagi ng salaysay ni Valenzuela. Ipalagay na ito

ay tama. Tukuyin kung alin sa mga sinabi niya at ni Rizal ay fact o opinyon. 

 

•     Fact: Ang nangyari o nangyayari

•     Opinyon: Pagtingin ukol sa nangyari, nangyayari o maaaring mangyari

 

Piliian ang Fact (fact) o Opinyon (opinyon) sa patlang bago ang pangungusap.

Valenzuela:

 

     

May isang samahan sa Maynila na nangangalang

Katipunan, na itinatag noong gabi ng 7 Hulyo 1892... 

 
 

Layunin ng samahan na gumamit ng dahas upang

humiwalay ang Pilipinas mula sa Espanya... 

 
 

Ngunit sa tingin ko ay sisiklab ang rebolusyon nang

wala pa sa panahon, kahit wala pa kaming armas. 


Rizal:


     

Hindi ako sumasang-ayon dito.

 

 
 

Ang isang rebolusyong walang armas ay kailanman

hindi dapat simulan laban sa isang armadong bansa.

 

 
 

Magbubunga ito ng kamatayan at pinsala sa bansa.

 

 
 

Tiyak na matatalo ang mga Pilipino dahil sa

kakulangan ng armas...

Mabuhay! Natapos mo na ang Aralin. Ano ang iyong nais gawin?