Aralin 8

Deklarasyon ng Kalayaan sa Kweba ng Pamitinan


Noong Mahal na Araw nang Abril 1895, nagtungo sina Andres Bonifacio, Emilio Jacinto, Guillermo Masangkay, Aurelio Tolentino at ibang mga katipunero sa kweba ng Pamitinan sa may Bundok ng Tapusi sa Montalban (ngayo’y Rodriguez), Rizal. Sa loob ng kweba isinagawa ang inisyasyon ng mga bagong kasapi ng Katipunan.

No map yet

Aurelio Tolentino

13 Oktubre 1867 – 5 Hulyo 1915

 

 
Si Aurelio Tolentino ay kilalang makatang Tagalog at Kapampangan mula sa Guagua, Pampanga. Kabilang siya sa orihinal na nagtatag ng Katipunan noong 1892. Siya’y maalam sa batas, bagamat hindi natapos ang pag-aabogasya. Noong panahon ng mga Amerikano, siya ay ilang beses na hinuli dahil sa kanyang mga makabayang akda at sulain.
 
Larawan mula sa Center for Kapampangan Studies, Holy Angel University.

Kweba ng Pamitinan


Guillermo Masangkay

June 25, 1867 – 30 Mayo 1963

 

 

Kaibigan ni Andres Bonifacio si Guillermo Masangkay. Siya ay isinilang sa Tondo, Maynila kina Domingo Masangkay ng Batangas at Victoria Rafael ng Cavite. Kahit na walang pormal na edukasyon, siya nama’y masigasig sa pagbabasa at nag-aral ng wikang Espanyol. Hindi naging balakid ang kanyang pagiging isang hamak na bangkero upang siya’y gawing tagapayo ni Bonifacio.

 

Naging kasapi si Masangkay ng Kataas-taasang Kapulungan ng Katipunan. Siya rin ang inatasan ni Bonifacio na magtatag ng sangay ng Katipunan sa Cavite. Noong panahon ng Digmaang Pilipino-Amerikano lumaban si Masangkay bilang heneral ng hukbong Pilipino.

 

Sa kasaysayan ng sangkatauhan ay makikita ang kahalagahan ng mga kweba. Iba-iba ang gamit nito: bilang tirahan ng mga sinaunang tao, imbakan ng mga gulay at prutas, banal na lugar bilang libingan at pook-sambahan, at taguan ng mga bandido at ng mga taong tumatakas o umiiwas sa awtoridad. Noong panahon ng Katipunan, nagsilbing kanlungan ng mga rebolusyonaryo ang mga kweba.

Bago pa man makilala ang Pamitinan sa kasaysayan, ang kwebang ito ay iniuugnay na sa isang kilalang alamat sa Katagalugan tungkol sa higanteng si Bernardo Carpio, ang Hari ng mga Tagalog, Ayon sa alamat, si Bernardo Carpio ang pumigil sa pagbubungguan ng dalawang matataas na bundok sa Pamitinan.

Dalawang bundok sa Pamitinan

 

 

Mula kay Adrian Cristobal,

Tragedy of the Revolution (1997).

 

 

Pabalat ng Ang Makulay na Buhay ni Bernardo Carpio, bersyong sinulat ni Mario "Guese" Tungol, sa ilustrasyon ni Ricky A. Serrano.

 

Inilathala sa ilalim ng Merriam Webster Comics Series No. 27 noong 1988.  Larawan mula sa Komiklopedia: The Philippine Komiks Encyclopedia.

Pinaniniwalaang ibinilanggo siya sa kweba ng kanyang mga kaaway. Itinuring si Bernardo Carpio na manliligtas at hanggang ngayon ay sinasambahan bilang maalamat na bayani (folk hero).

 

Sa pulong nina Bonifacio ay isinulat sa dingding ng kweba ang mga salitang “Viva la Independencia de Filipinas” (Mabuhay ang kalayaan ng Pilipinas), na minsa’y tinuturing na kauna-unahang deklarasyon ng kalayaan ng Pilipinas, bagama’t sa di pormal na paraan. Sa paglipas ng panahon ay nabura na ang kasulatang ito.

 

Sinulat ang Viva la Independencia de Filipinas gamit ang uling.

Handa ka na ba para sa Gawain 1?

Gawain 1. Mga Katangian ng Kweba ng Pamitinan

 

Tingnan ang mga litrato ng landas patungong kweba ng Pamitinan habang ginugunita mong ikaw mismo ang umaakyat sa bundok.

 

Lagyan ng  kung sinasang-ayunan mo ang pahayag sa ibaba at  kung hindi.

 

Kuha ni: Valynn Katrine Mag-usara, Unibersidad ng Pilipinas Diliman

Kuha ni: Valynn Katrine Mag-usara, Unibersidad ng Pilipinas Diliman

Kuha ni: Valynn Katrine Mag-usara, Unibersidad ng Pilipinas Diliman

Kuha ni: Valynn Katrine Mag-usara, Unibersidad ng Pilipinas Diliman

Kuha ni: Valynn Katrine Mag-usara, Unibersidad ng Pilipinas Diliman

Litrato ng landas patungong kweba ng Pamitinan

 

1. Mainam bilang taguan nina

Bonifacio ang Pamitinan.

2. Mayroong komunidad na nakatira

sa paligid ng Pamitinan.

3. Medyo mahirap pasukin ang Pamitinan.

4. Marahil ay nasubaybayan ng mga awtoridad

na Espanyol ang Pamitinan.

5. Madaling puntahan ang Pamitinan.

 

Kuha ni: Valynn Katrine Mag-usara, Unibersidad ng Pilipinas Diliman

Kuha ni: Valynn Katrine Mag-usara, Unibersidad ng Pilipinas Diliman

Kuha ni: Valynn Katrine Mag-usara, Unibersidad ng Pilipinas Diliman

Kuha ni: Valynn Katrine Mag-usara, Unibersidad ng Pilipinas Diliman

Kuha ni: Valynn Katrine Mag-usara, Unibersidad ng Pilipinas Diliman

Handa ka na ba para sa Gawain 2?

Gawain 2. Panandang Pangkasaysayan ng Pamitinan

 

Basahin ang nilalaman ng panandang inilagay ng

Pambansang Komisyong Pangkasaysyan ng Pilipinas sa

Pamitinan noong 17 Hulyo 1996 bilang pagkilala sa

kahalagahan ng kweba.

 

Maaaring higit sa isa ang tamang sagot. Kapag higit sa

isa ang tamang sagot, piliin ang lahat ng ito.

Yungib ng Pamitinan

 

Sa Yungib na ito ginanap ang ilang lihim na pagpupulong ng mga katipunero sa pangunguna ni Andres Bonifacio ukol sa pangangalap ng mga bagong kasapi ng Katipunan at panunumpa ng mga ito noong Abril 1895.

 

Kilala bilang Yungib Bernardo Carpio dahil sa paniniwala ng mga taga rito na ang maalamat na bayaning si Bernardo Carpio ay itinanikala at ibinilanggo dito ng kanyang mga kaaway. Ginamit ng mga unang nanirahan dito bilang pook-sambahan sa mga anito at isang libingan.

Ano ang anito?

 

Noong sinaunang panahon, anito ang tawag sa mga espiritu ng mga ninuno na pinaniniwalaang nasa paligid lamang.

1. Ayon sa panandang pangkasaysayan, alin sa ibaba ang naging gamit ng kweba ng Pamitinan sa iba’t ibang yugto ng kasaysayan ng Pilipinas?

 

  1. Tirahan
  2. Imbakan ng mga gulay at prutas
  3. Pook-sambahan
  4. Pinagkunan ng tubig
  5. Kanlungan o taguan
  6. Libingan
  7. Lugar ng mga pulong

2. Base sa pananda, alin sa sumusunod ang tama?

 

  1. Si Bernardo Carpio ay kasapi ng Katipunan.
  2. Ang pulong ng Katipunan sa kweba ay bukas sa lahat ng mga naninirahan sa paligid na pook.
  3. Kaibigan ni Andres Bonifacio si Bernardo Carpio.
  4. Ang pag-akyat sa bundok ay isa nang libangan mula pa noong ika-19 na siglo.
  5. Mahalaga ang kweba ng Pamitinan sa kasaysayan ng Pilipinas dahil ginamit ito ng Katipunan.

Mabuhay! Natapos mo na ang Aralin. Ano ang iyong nais gawin?