Aralin 3

Mga Layunin ng Katipunan


Bilang isang kilusan, ang Katipunan ay mayroong dakilang
layuning nagsisilbing gabay sa lahat ng mga kasapi. Ang
mga layuning ito ay binuo ng tatlong tema: pampulitika,
sibika, at moral. 

Sa layuning pampulitika, hinangad ng Katipunan na
palayain ang Pilipinas mula sa mga Espanyol. Isasagawa
ito sa pamamagitan ng armadong himagsikan tungo sa 
pagbuo ng isang bansang malaya.

 

Sa layuning sibika nilayon ng Katipunan na maipalaganap
ang katarungang panlipunan sa pamamagitan ng
pagtatanggol sa mga naaapi at pagpaparusa sa mga 
nang-aapi. Bahagi rin ng layuning ito ang pagtulong sa 
kapwa upang hindi masanay ang kapatiran na umasa sa iba.

 

Ang layuning moral ng Katipunan ay nakasentro sa
kabutihang asal, pagpapatibay ng kalooban, at wastong 
pag-uugali ng bawat miyembro. Batid ng Katipunan na
mahalaga ang malinis na kalooban sa ikatatagumpay ng
mga adhikain ng samahan. 

Handa ka na ba para sa Gawain 1?

Gawain 1. Ang Layunin ng Katipunan


Basahin ang sumusunod na bahagi mula sa iba't ibang
sulatin ng Katipunan. 

"Ipagtanggol mo ang inaapi, at labanin ang umaapi"


- Emilio Jacinto, "Kartilya" (1896)


"Huwag mong sasayangin ang panahon: ang
yamang mawala'y mangyayaring magbalik; ngunit
ang panahong nagdaan na ay di na muli pang
magdadaan."


- Jacinto, "Kartilya" 


"Dito'y isa sa mga kauna-unahang utos and tunay
na pag-ibig sa bayang tinubuan at lubos na 
pagdadamayan ng isa't isa. Maralita, mayaman, 
mangmang, marunong, lahat dito'y magkakapantay 
at tunay na magkakapatid."


- Emilio Jacinto, "Sa May Nasang 
Makisanib sa Katipunang ito" (1896)


"Dapat naman ninyong mabatid na ang kadahilanan ng
ating pagkilos... ay tamuhin at kamtan yaong 
nilalayong Kalayaan ng ating Bayang tinubuan."


 - Andres Bonifacio, "Katipunang Mararahas
ng mga Anak ng Bayan" (1896)


"Bahaginan nang makakaya ang alinmang nagdaralita."


- Andres Bonifacio, "Dekalogo" (1896?)


"Magiliw sa kagalingan ng lahat, nilalayon namin ang 
kaluwalhatiang magkamit ng kalayaan, ang sariling 
kapangyarihan, at ang puri nitong inang bayan."


- Emilio Jacinto, "Pahayag" (1897)

 

"Hangarin ang kaligayahan ng isa't isa at maging 
huwaran ng kapwa sa mabuting pagpapasunod at 
pagtupad ng tungkulin."


- Andres Bonifacio, "Dekalogo" 


"Kaya mga kapatid, ihanda ang loob sa pakikipaglaban 
at asahan ang pagtatagumpay sapagkat nasa atin ang
katwiran at kabanalang gawa. Ang kaaway, iyang 
kasuklam-suklam na dayuhang dito'y napadpad, ay 
tanging ipinaglalaban ang maling katwiran."


- Andres Bonifacio, "Katipunang Mararahas
ng mga Anak ng Bayan"

 

"Ang buhay na hindi ginugugol sa isang malaki at banal 
na kadahilanan ay kahoy na walang lilim kundi man 
damong makamadag."


- Emilio Jacinto, "Kartilya" 

Suriin ang bawat bahagi at tukuyin kung ito ay tumutukoy 
sa layuning pampulitika, pansibika, o pangmoral. I-drag
ang bawat isa sa angkop nitong hanay. 

        Handa ka na ba para sa Gawain 2?

        Gawain 2. Ang Halaga ng Kalayaan


        Basahin ang sumusunod na sipi halaw sa akda ni Emilio
        Jacinto, "Liwanag at Dilim" (1896). 

        [1] Ang kalayaan ng tao ay ang katwiran na
        tinataglay na talaga ng tao na umisip at gumawa
        ng anumang ibigin; ang katwirang ito ang ikinaiba  
        ng tao sa iba pang nilalang. [2] Ang hayop ay
        sinusupol at tinatali dahil hindi niya matanto ang 
        matwid at di matwid. [3] Kung ang kalayaan ay
        wala sa tao, hindi rin niya matatanto ang puri, ang
        katwiran, kagalingan, at ang pangalang tao ay 
        hindi rin angkop para sa kanya. 


        [4] Ang kalayaan ay biyaya ng langit. [5] Kung kaya
        may katwiran ay dahil may kalayaan. [6] Ang kalayaan
        nga ang siyang pinakahaligi at sinumang manggapos
        at sumira sa haligi ay dapat parusahan at lipunin.


        [7] Kung ang kalayaan ay wala, hindi uunlad ang 
        tao dahil ang anumang gagawin ay hindi magbubuhat
        sa kanyang pagkukusa at pagnanais. [8] Maraming 
        hayop, lalo na ibon, ang namamatay kung ikulong
        dahil sa pagdaramdam sa pagkawala ng kanilang 
        kalayaan. Ano pa kaya ang tao? [9] Kung ang 
        kalayaan ay wala, mas matamis pa ang mamatay
        kaysa mabuhay. [10] Ang umiibig at namamatay 
        dahil sa dakilang dahilan ng kalayaan ay umiibig
        at namamatay dahil sa kadahilanan ng Maykapal. 


        [11] Bakit ang bayan ay kulang-kulang apat na raang
        taong namuhay sa kaalipinan at paghihirap sa ilalim ng 
        mga Espanyol? [12] Dahil kanyang pinayurakan ang 
        kalayaang bigay ng Maykapal.

        I-drag ang pangungusap sa itaas na sumasagot sa tanong sa
        ibaba. Maaaring higit sa isa ang sagot.

         

        1. Ayon kay Jacinto, saan nagmumula
        ang kalayaan?
         
                  
        2. Ano ang ipinagkaiba ng tao sa iba
        pang hayop? 
         
         
        3. Magbigay ng dalawang maaaring
        kahinatnan ng tao kung siya ay 
        mawawalan ng kalayaan. 
         
         



        1

          

        Ang kalayaan ng tao ay ang 
        katwiran na tinataglay na 
        talaga ng tao na umisip at 
        gumawa ng anumang ibigin; 
        ang katwirang ito ang ikinaiba  
        ng tao sa iba pang nilalang. 


        2


        Ang hayop ay sinusupol at
        tinatali dahil hindi niya matanto
        ang matwid at di matwid.


        3


        Kung ang kalayaan ay wala
        sa tao, hindi rin niya matatanto
        ang puri, ang katwiran,
        kagalingan, at ang pangalang
        tao ay hindi rin angkop para sa
        kanya.  


        4


        Ang kalayaan ay biyaya
        ng langit.


        5


        Kung kaya may katwiran
        ay dahil may kalayaan.


        6

         

        Ang kalayaan nga ang
        siyang pinakahaligi at
        sinumang manggapos
        at sumira sa haligi ay
        dapat parusahan at
        lipunin.


        7

         

        Kung ang kalayaan ay wala,
        hindi uunlad ang tao dahil
        ang anumang gagawin ay
        hindi magbubuhat sa
        kanyang pagkukusa at
        pagnanais.


        8

         

        Maraming hayop, lalo na
        ibon, ang namamatay
        kung ikulong dahil sa
        pagdaramdam sa
        pagkawala ng kanilang 
        kalayaan. Ano pa kaya
        ang tao?


        9

         

        Kung ang kalayaan ay wala,
        mas matamis pa ang mamatay
        kaysa mabuhay.


        10

         

        Ang umiibig at namamatay 
        dahil sa dakilang dahilan
        ng kalayaan ay umiibig
        at namamatay dahil sa
        kadahilanan ng Maykapal. 


        11

         

        Bakit ang bayan ay
        kulang-kulang apat na
        raang taong namuhay
        sa kaalipinan at
        paghihirap sa ilalim ng 
        mga Espanyol?


        12

         

        Dahil kanyang pinayurakan
        ang kalayaang bigay ng
        Maykapal.

        4. Ano ang marapat na gawin sa mga
        nagtatangkang sirain ang kalayaan? 
         
                  
        5. Saan inihalintulad ni Jacinto ang
        pag-ibig at pagkamatay para sa 
        kalayaan? 
         
         
        6. Ano ang naging kalagayan ng bayan
        sa ilalim ng mga Espanyol? 
         
         
        7. Bakit ito ang dinanas ng mga Pilipino
        sa ilalim ng mga Espanyol?
         


        1

          

        Ang kalayaan ng tao ay ang 
        katwiran na tinataglay na 
        talaga ng tao na umisip at 
        gumawa ng anumang ibigin; 
        ang katwirang ito ang ikinaiba  
        ng tao sa iba pang nilalang. 


        2


        Ang hayop ay sinusupol at
        tinatali dahil hindi niya matanto
        ang matwid at di matwid.


        3


        Kung ang kalayaan ay wala
        sa tao, hindi rin niya matatanto
        ang puri, ang katwiran,
        kagalingan, at ang pangalang
        tao ay hindi rin angkop para sa
        kanya.  


        4


        Ang kalayaan ay biyaya
        ng langit.


        5


        Kung kaya may katwiran
        ay dahil may kalayaan.


        6

         

        Ang kalayaan nga ang
        siyang pinakahaligi at
        sinumang manggapos
        at sumira sa haligi ay
        dapat parusahan at
        lipunin.


        7

         

        Kung ang kalayaan ay wala,
        hindi uunlad ang tao dahil
        ang anumang gagawin ay
        hindi magbubuhat sa
        kanyang pagkukusa at
        pagnanais.


        8

         

        Maraming hayop, lalo na
        ibon, ang namamatay
        kung ikulong dahil sa
        pagdaramdam sa
        pagkawala ng kanilang 
        kalayaan. Ano pa kaya
        ang tao?


        9

         

        Kung ang kalayaan ay wala,
        mas matamis pa ang mamatay
        kaysa mabuhay.


        10

         

        Ang umiibig at namamatay 
        dahil sa dakilang dahilan
        ng kalayaan ay umiibig
        at namamatay dahil sa
        kadahilanan ng Maykapal. 


        11

         

        Bakit ang bayan ay
        kulang-kulang apat na
        raang taong namuhay
        sa kaalipinan at
        paghihirap sa ilalim ng 
        mga Espanyol?


        12

         

        Dahil kanyang pinayurakan
        ang kalayaang bigay ng
        Maykapal.

        Handa ka na ba para sa Gawain 3?

        Gawain 3. Ang Papel ng Pamahalaan at ng 
        Pinuno nito


        Basahin ang ilang sipi mula pa rin sa akdang "Liwanag at
        Dilim" ni Jacinto.

         

        Basahin ang mga sumusunod na hinuha at tukuyin kung ito 
        ay angkop  o hindi angkop  ayon sa mga pahayag
        ni Jacinto. 

             Ang alinmang Katipunan at pagkakaisa ay
        nangangailangan ng isang pinakaulo, ng isang 
        kapangyarihang una sa lahat na makapagbibigay 
        ng magandang ayos, makapagpanatili ng tunay na
        pagkakaisa at makapag-akay sa hangganang
        ninanais, katulad ng isang sasakyang minamaneho
        ng isang bihasang piloto, na kung ito ay mawala,
        nanganganib na maligaw at abutin ng kakila-kilabot
        na kamatayan sa laot at di na makakarating sa
        pampang ng maligaya at kabuhayang hinahanap.


             Ang pinakaulong ito ang siyang tatawaging 
        pamahalaan o gobyerno at ang gaganap ng
        kapangyarihan ay pinangangalanang mga pinuno
        ng bayan. Ang kataasan ng mga pinuno ay di
        tinataglay ng sarili nilang pagkatao dahil sila ay
        kapantay din ng lahat. Sa madaling salita, ang pinuno
        ay hindi mataas kaysa madla. Ang pagkilala at
        pagsunod sa kanila ay dahil sa kapangyarihang
        ipinagkaloob ng bayan, samakatuwid, ang kabuuan
        ng kapangyarihan ng bawat isa. 

        Sipi mula pa rin sa akdang "Liwanag at Dilim" ni Jacinto.

         

        1. Ang pamahalaan ay mahalaga sa maayos 
        na pamumuhay sa bayan.

              
           
        2. Tungkulin ng pinuno ang gabayan ang
        bayan. 
         
         
             
        3. Magkakagulo sa lipunan kung walang 
        pamahalaan at pinuno. 
         
         
             
        4. Ang pinuno ng pamahalaan ang 
        pinakamakapangyarihan sa lahat. 
         
         
             
        5. Laging kapani-paniwala ang pinuno 
        dahil siya ang pinakamataas sa bayan. 
         
             


             Ang alinmang Katipunan at pagkakaisa ay
        nangangailangan ng isang pinakaulo, ng isang 
        kapangyarihang una sa lahat na makapagbibigay 
        ng magandang ayos, makapagpanatili ng tunay na
        pagkakaisa at makapag-akay sa hangganang 
        ninanais, katulad ng isang sasakyang minamaneho
        ng isang bihasang piloto, na kung ito ay mawala,
        nanganganib na maligaw at abutin ng kakila-kilabot
        na kamatayan sa laot at di na makakarating sa 
        pampang ng maligaya at kabuhayang hinahanap.


             Ang pinakaulong ito ang siyang tatawaging 
        pamahalaan o gobyerno at ang gaganap ng 
        kapangyarihan ay pinangangalanang mga pinuno
        ng bayan. Ang kataasan ng mga pinuno ay di
        tinataglay ng sarili nilang pagkatao dahil sila ay
        kapantay din ng lahat. Sa madaling salita, ang pinuno
        ay hindi mataas kaysa madla. Ang pagkilala at 
        pagsunod sa kanila ay dahil sa kapangyarihang
        ipinagkaloob ng bayan, samakatuwid, ang kabuuan
        ng kapangyarihan ng bawat isa. 

        Sipi mula pa rin sa akdang "Liwanag at Dilim" ni Jacinto.

         

        6. Ang bayan ang magluluklok sa
        pinuno ng pamahalaan. 
         
                 
             
        7. Ang kapangyarihan ng pinuno ay
        biyaya ng Diyos. 
         
         
             
        8. Maaaring isantabi ng pinuno ang
        hinaing ng bayan dahil siya ang nasa
        kapangyarihan. 
         
         
             
        9. Dapat sundin ng taumbayan ang
        kagustuhan na pinuno dahil ito ang may
        kapangyarihan. 
         
             


             Ang alinmang Katipunan at pagkakaisa ay
        nangangailangan ng isang pinakaulo, ng isang 
        kapangyarihang una sa lahat na makapagbibigay 
        ng magandang ayos, makapagpanatili ng tunay na
        pagkakaisa at makapag-akay sa hangganang 
        ninanais, katulad ng isang sasakyang minamaneho
        ng isang bihasang piloto, na kung ito ay mawala,
        nanganganib na maligaw at abutin ng kakila-kilabot
        na kamatayan sa laot at di na makakarating sa 
        pampang ng maligaya at kabuhayang hinahanap.


             Ang pinakaulong ito ang siyang tatawaging 
        pamahalaan o gobyerno at ang gaganap ng 
        kapangyarihan ay pinangangalanang mga pinuno
        ng bayan. Ang kataasan ng mga pinuno ay di
        tinataglay ng sarili nilang pagkatao dahil sila ay
        kapantay din ng lahat. Sa madaling salita, ang pinuno
        ay hindi mataas kaysa madla. Ang pagkilala at 
        pagsunod sa kanila ay dahil sa kapangyarihang
        ipinagkaloob ng bayan, samakatuwid, ang kabuuan
        ng kapangyarihan ng bawat isa. 

        Sipi mula pa rin sa akdang "Liwanag at Dilim" ni Jacinto.

         

        10. Makapangyarihan ang pinuno dahil
        sa kumpiyansang ipinagkaloob ng bayan
        sa kanya 

                   
             
         

             Ang alinmang Katipunan at pagkakaisa ay
        nangangailangan ng isang pinakaulo, ng isang 
        kapangyarihang una sa lahat na makapagbibigay 
        ng magandang ayos, makapagpanatili ng tunay na
        pagkakaisa at makapag-akay sa hangganang 
        ninanais, katulad ng isang sasakyang minamaneho
        ng isang bihasang piloto, na kung ito ay mawala,
        nanganganib na maligaw at abutin ng kakila-kilabot
        na kamatayan sa laot at di na makakarating sa 
        pampang ng maligaya at kabuhayang hinahanap.


             Ang pinakaulong ito ang siyang tatawaging 
        pamahalaan o gobyerno at ang gaganap ng 
        kapangyarihan ay pinangangalanang mga pinuno
        ng bayan. Ang kataasan ng mga pinuno ay di
        tinataglay ng sarili nilang pagkatao dahil sila ay
        kapantay din ng lahat. Sa madaling salita, ang pinuno
        ay hindi mataas kaysa madla. Ang pagkilala at 
        pagsunod sa kanila ay dahil sa kapangyarihang
        ipinagkaloob ng bayan, samakatuwid, ang kabuuan
        ng kapangyarihan ng bawat isa. 

        Mabuhay! Natapos mo na ang Aralin. Ano ang iyong nais gawin?