Aralin 23

Pagsisimula ng Himagsikan


Sa pagkakatuklas ng Katipunan noong 19 Agosto 1896,

hindi na napigilan ang tuluyang pagsisimula ng

rebolusyon laban sa Espanya. Sa mga sumunod na araw,

naghanda ang mga katipunero upang isakatuparan ang

mga plano ng pakikipaglaban. 

Noong 22 Agosto 1896, nagpatawag si Bonifacio ng

pulong sa Kangkong, Balintawak, dalawang araw ang

makalipas, sa 24 Agosto. Sa pulong na ito ng mga pinuno

ng mga Sangguniang Bayan, pinagdesisyunan ang mga

taktika ng paghihimagsik. 

 

 

Mula sa Mariano M. Alicate, Domingo Z. Rosell at Isidro Hernandez, Soil Survey of Rizal Province (Manila: Department of Agriculture and Natural Resources, 1937).

Napagkasunduan din na sasalakayin ng Katipunan ang

Maynila, sentro ng pamahalaang Espanyol sa Pilipinas, sa

29 ng Agosto, araw ng Sabado.

Sa kabilang dako, nagsagawa ang mga Espanyol ng

malawakang pagdakip sa mga Pilipinong pinaghinalaang

miyembro ng Katipunan. Ang buong Maynila at mga

karatig nitong pook ay nabalot sa pangamba ng

pag-aaresto. Lumikas palayo sa Maynila—sa Balintawak
at Kalookan
, halimbawa—ang maraming katipunero.

 

Sa isang interbyu noong 1952 sa pahayagang Bagong Buhay, inilahad ng katipunerong si Guillermo Masangkay ang pangalan at trabaho ng ilan sa mga taong lumikas mula Maynila patungong Balintawak.

  

Kasapi Hanapbuhay
Aguedo del Rosario Taga-imprenta sa Diario de Manila
Apolonio de la Cruz Taga-imprenta sa Diario de Manila
Alejandro Santiago Taga-imprenta sa dyaryong El Resumen
Deogracias Fajardo Taga-imprenta
Juan Fajardo Taga-imprenta
Tomas Alegre Bihasang tagagawa ng sigarilyo
Pio H. Santos Bihasang trabahador sa pagawaan ng tabako
Patricio Belen Trabahador sa pagawaan ng tabako
Crispulo Chacon Trabahador sa pagawaan ng tabako
Lorenzo Martinez Trabahador sa pagawaan ng tabako
Tomas Villanueva Trabahador sa pagawaan ng tabako
Procopio Bonifacio Manggagawa sa istasyon ng tren
Rogelio Borja Mekaniko
Isaac del Carmen Mekaniko
Hilario Sayo Mekaniko
Melecio Ruestra Draftsman
Pastor Santos Draftsman
Guillermo Masangkay Kuridor (buyer-seller)
Pedro Zabala Kuridor (buyer-seller)
Macario Sakay Personero (ahente)
Salustiano Cruz Sastre
Juan Cruz Barbero; manunulat
Emilio Jacinto Mag-aaral ng Abogasiya
Andres Bonifacio Bodegero o tagapamahala ng ilang baha-kalakalan sa Maynila
Nicomedes Carreon Cobrador (tagakolekta ng utang); ahente sa Casa Chofre
Miguel Resurreccion Hardinero
Vicente Leyva Naglalako ng gatas
Cipriano Pacheco Klerk
Briccio Pantas Katuwang sa ng huwes sa Maynila
Teodoro Plata Klerk ng korte sa Mindoro
José Trinidad Klerk ng korte sa Tondo
Hermogenes Plata Klerk sa korte
Tomas Remigio Klerk sa Opisina ng Ingat-Yaman ng pamahalaan
Pantaleon Torres Klerk sa Opisina ng Ingat-Yaman ng pamahalaan
Vicente Molina Klerk sa Opisina ng Ingat-Yaman ng pamahalaan
Enrique Pacheco Klerk sa pamahalaan ng Maynila
Faustino Manalac Klerk sa Opisina ng Tagapamahala ng daungan sa Maynila
Calixto Santiago Opisyal sa Kagawaran ng Aduana (Customs)
Restituto Javier Opisyal sa Kagawaran ng Aduana (Customs)
Hermenegildo Reyes Opisyal sa Kagawaran ng Aduana (Customs)
Valentin Lagasca Guard sergeant sa Kagawaran ng Aduana (Customs)
Eugenio Santos Guard sergeant sa Kagawaran ng Aduana (Customs)
Francisco Carreon Gwardiya sa Kagawaran ng Aduana (Customs)
Sarhento Marcelo Gwardiya sa Kagawaran ng Aduana (Customs)
Roman  Ramos Empleyado sa arsenal
Tito Miguel Empleyado sa arsenal
Julio Navarro Lihim na ahente ng pamahalaan
Alejandro Andaya Lihim na ahente ng pamahalaan
Marcelo Badell Lihim na ahente ng pamahalaan
Geronimo Cristobal Opisyal ng hukbo
Cosme Taguyod Tinyente sa fire department ng Maynila
Rafael Gutierrerez Kapitan sa fire department ng Maynila
Estanislao Vargas Maykayang mamamayan
Apolonio Samson Maykayang mamamayan
Pio Valenzuela Manggagamot
Ramon Bernardo Kapitang bayan sa Pandacan

 

“Unang sigaw, unang labanan sa paglaya,”  Bagong Buhay, 25 August 1952. From Jim Richardson’s  ‘Roster of Katipuneros at Balintawak, August 1896’, <http://www.kasaysayan-kkk.info/kamaynilaan-and-morong-august-1896-september-1897/roster-of-katipuneros-at-balintawak-august-1896>

 

 

Mula sa “Croquis de las operaciones practicadas” sa El Español, koleksyon ni Emmanuel Encarnacion.

Magkahalong takot at galit ang nadama ng maraming

katipunerong nagsilikas tungong Balintawak. Sa gitna ng

malakas na ulan, labis na pagod at kakapusan sa pagkain,

daan-daang mga Pilipino ang tumawid sa masukal na

gubat ng Balintawak upang makaiwas sa pag-aresto ng

mga guardia civil at veterana

 

Ang mga guardia civil ang pangunahing hukbong sandatahan at pulisya ng pamahalaang Espanyol sa Pilipinas. Ang veteran o guardia civil veteran ay  ang puwersang militar na nakatuon sa mga gawain sa Maynila. 

Nagsimula ang rebolusyon sa tinatawag na ‘Unang Sigaw’.

Ayon sa opisyal na panandang pangkasayayan, naganap

ito noong 23 Agosto 1896 sa Pugad Lawin sa dating

Kalookan na ngayo’y Lungsod Quezon, sa bakuran ng

bahay ni Juan Ramos, anak ni Melchora Aquino (‘Tandang

Sora’).

Melchora Aquino

6 Enero 1812 - 19 Pebrero 1919

 

Pinunit ng mga katipunero ang kanilang mga sedula,

simbolo ng kanilang pagtatakwil sa pamahalaang

Espanyol. Ang salaysay na ito ay batay sa gunita ng

katipunerong si Dr. Pio Valenzuela.

 

Ang sedula o cedula personal ay patunay ng ang isang Pilipino ay nagbabayad ng buwis sa pamahalaang Espanyol. Tiningnan ito ng mga katipunero bilang simbolo ng pagkaalipin sa Espanya.

 

Pio Valenzuela

11 Hulyo 1869 - 6 Abril 1956

 



 

Ipinanganak noong 11 Hulyo 1869 sa Polo, Bulacan si Dr. Pio Valenzula, kina Francisco Valenzuela and Lorenza Alejandrino na mula sa mga kilalang pamilya. Dahil may-kaya, nakapag-aral si Valenzuela ng Medisina sa Unibersidad ng Santo Tomas. Isa siya sa mga unang naging kasapi ng Katipunan. Naging malapit silang magkaibigan ni Andres Bonifacio at sinasabing naging ninong siya sa anak nina Bonifacio at Gregorio de Jesus. Sa kasawiang-palad, namatay nang maaga ang sanggol. Madalas banggitin sa kasaysayan ang isinagawang pagbisita ni Valenzuela kay Jose Rizal sa Dapitan ilang linggo bago pumutok ang himagsikan. Sa panahon ng himagsikan, pinatapon, nilitis at kinulong si Valenquela sa Espanya ngunit nagawa ring makabalik sa Pilipinas. Namatay siya noong 6 Abril 1956. Sa kasalukuyan, ang Valenzuela sa Metro Manila ay ipinangalan sa kanya.

Ngunit iba-iba ang salaysay ng mga katipunero at ibang
saksi
tungkol sa petsa at lugar ng unang sigaw. May

nagsabing naganap ito sa Balintawak at hindi sa Pugad

Lawin, na ang petsa ng pangyayari ay hindi 23 Agosto

kundi 24 Agosto, 25 Agosto at 26 Agosto 1896. 

 

Halimbawa ay sina Guillermo Masangkay, Gregoria de Jesus, Julio Nakpil, at Santiago Alvarez na lahat ay kasapi ng Katipunan, at ibang mga saksi tulad ng sundalong Espanyol na si Lt. Olegario Diaz at ang dyaryong Espanyol na El Comercio.

Iba rin ang mga alaala ng naging pagsasagawa sa

kaganapang ito. Ang kadalasang binibigyang diin ay ang

pagpunit ng mga sedula. Ngunit kasinghalaga ang

pinagkasunduan sa pulong ng mga sanggunian ng

Katipunan noong huling linggo ng Agosto.

Dito ipinagtibay ang posisyon ni Bonifacio bilang

Kataastaasang Pangulo, ang pagtanggi ng mga Pilipino sa

pangingibabaw ng Espanya, at ang paghihimagsik para sa

kalayaan ng bayang Pilipino. Ito ang kahalagahan ng unang

sigaw; ito ang kahalagahan ng Agosto 1896 sa kasaysayan

ng Pilipinas.

Labinglimang taong makalipas, kinilala noong Setyembre

1911 ang kahalagahan ng unang sigaw sa pamamagitan ng

monumentong pinangalanang ‘Pag-alala sa mga Bayani ng

1896’ (Homenaje a los Héroes de 1896). Matatagpuan ito

ngayon sa harapan ng Bulwagang Vinzons sa Unibersidad

ng Pilipinas sa Diliman, Lungsod Quezon.

Handa ka na ba para sa Gawain 1?

 

Gawain 1. Ang Nadarama ng mga Katipunero

Pakinggan ang awiting ‘Alerta Katipunan’, isa sa mga

popular na awiting nilikha sa panahon ng himigsikan. Ang

bersyong ito ay awit ng Inang Laya.

 

 

I-click ang mga naaangkop na sagot batay sa

napakinggang awit. Maaaring mahigit sa isa ang

iyong sagot.

Alerta Katipunan

 

Alerta Katipunan, sa bundok ang tahanan

Doon mararanasan ang hirap ng katawan

Walang unan, walang kumot

Walang banig sa pagtulog

Inuunan pa ay gulok

Abansing katakot-takot

1.   Ano ang pinahihiwatig ng o mahihinuha mula sa

pananalitang “sa bundok ang tahahan” ng katipunero?

I-click ang lahat ng mga tamang sagot. 

 

 

  1. Nagbakasyon sa bundok ang mga katipunero.
  2. Mahirap ang buhay ng isang rebolusyonaryo.
  3. Ang bundok ay kanlungan ng mga katipunero.
  4. Sa bundok matatagpuan ang mga kaaway na Espanyol.
  5. Mas ligtas ang mga rebolusyonaryo sa bundok kaysa sa Maynila at mga karatig na pook.
  6. Nagtatrabaho ang mga katipunero sa kabundukan.
  7. Mas maaliwalas ang kapaligiran sa bundok.

 

2.   Alin sa mga hinuha tungkol sa katipunero sa

kaliwang kahon ang tama? Ilipat ang mga tamang sagot

sa kahon sa kanan. 


3.   Sa iyong palagay, bakit tiniis ng katipunero ang

buhay sa bundok? I-click ang lahat ng mga tamang sagot.

 

  1. Upang hindi mahuli ng mga sundalong Espanyol.
  2. Mas marami ang pagkain sa bundok.
  3. Mas madali ang buhay sa kabundukan.
  4. Upang mas makapaghanda sa mga labanan.

Handa ka na ba para sa Gawain 2?


Gawain 2. Ligtas sa Pagkaalipin

Basahin ang talang halaw sa panayam ng pahayagang

Bagong Buhay kay Guillermo Masangkay, katipunero at

heneral sa rebolusyon, noong 1952.

 

 

 

Alin sa mga sumusunod na guhit ang tamang

paglalarawan ng salaysay ni Masangkay? Ilagay

ang kapag tama at kapag mali

Kinabukasan, ika-23 ng Agosto 1896, ay idinaos ang bantog na pagpupulong sa Kangkong sa Balintawak, Kalookan. Pagkatapos na ilahad ni Bonifacio sa maraming kaharap ang lahat ng pangyayari at ang nagbabalang panganib mula sa Espanya, ay napaharap ang mungkahing pasimulan na ang paghihimagsik. Nagsitutol sina Teodoro Plata, Briccio Pantas at Pio Valenzuela. Nguni’t sa botohan ang karamihan ay nagsisang-ayon sa pagsisimula ng panghihimagsik.

 

Sa gayon ay tumayo si Bonifacio at sa harap ng lahat ay minsang pang itinanong kung itutuloy na ang paghihimagsik. Ang lahat ay halos nagsitugon ng pagsang-ayon. Ipinahayag ng nagkakatipon ang kanilang paghiwalay at paglaya sa kapangyarihang Espanya, at bilang katunayan nito ay pinagpunit-punit ng lahat ang kani-kanilang sedula, na ipinalalagay na siyang tanda ng pagkaalipin, sapagka’t nang panahong iyon ang sinumang mapatunayang walang sedula at hindi nagbabayad ng tinurang buwis ay pinarurusahan at ipinabibilanggo.

 

May luha sa mga mata, sa galak, na ang madla ay nagsigawang ‘Ligtas na tayo sa pagkaalipin,’ at ‘Mabuhay ang Pilipinas’. 

Guillermo Masangkay

 

June 25, 1867 – 30 Mayo 1963

 

 

Kaibigan ni Andres Bonifacio si Guillermo Masangkay. Siya ay isinilang sa Tondo, Maynila kina Domingo Masangkay ng Batangas at Victoria Rafael ng Cavite. Kahit na walang pormal na edukasyon, siya nama’y masigasig sa pagbabasa at nag-aral ng wikang Espanyol. Hindi naging balakid ang kanyang pagiging isang hamak na bangkero upang siya’y gawing tagapayo ni Bonifacio.

 

Naging kasapi si Masangkay ng Kataas-taasang Kapulungan ng Katipunan. Siya rin ang inatasan ni Bonifacio na magtatag ng sangay ng Katipunan sa Cavite. Noong panahon ng Digmaang Pilipino-Amerikano lumaban si Masangkay sa bilang heneral ng hukbong Pilipino.

 

 

 

 

Pagtutol

 

 

Si Bonifacio ay namumuno sa pulong.

 

 

Pagpunit ng sedula.

 

 

Laban sa pagitan ng mga Katipunero at mga Espanyol

 

 

Pagtutol

 

 

Pagtutol

Mabuhay! Natapos mo na ang Aralin. Ano ang iyong nais gawin?