Aralin 3

Ang Edukasyon ni Rizal

 

Unang nag-aral si Rizal sa kanyang bayan sa Calamba,

Laguna. Ngunit bago pa siya pormal na pumasok sa

paaralan, sinimulan na ng kanyang ina, si Teodora Alonso,

ang kanyang edukasyon.

 

Teodora Alonso Realonda

Teodora Alonso Realonda

1827 - 1913

 

Ipinanganak si Teodora Alonso sa Sta. Cruz, Maynila noong 1827. Siya ang ikalawang anak nina Lorenzo Alonso at Brijida de Quintos. Nag-aral siya sa Colegio de Santa Rosa. Namatay siya noong 1913 sa Maynila.

 

Calamba, Laguna

Calamba, Laguna

Nagsimula ang pormal na edukasyon ni Rizal sa Calamba

noong siya ay humigit-kumulang apat na taong gulang

lamang. Binayaran ng kanyang ama ang isang matandang

lalake, si Leon Monrog, na turuan siya ng Latin.

Ipinagpatuloy ni Rizal ang kanyang pag-aaral sa Biñan,

Laguna noong 1870 sa pamamahala ni Justiniano Aquino

Cruz. Nanatili siya rito ng isa at kalahating taon. Noong

1871 bumalik si Rizal sa Calamba at nag-aral sa ilalim ni

Lucas Padua. Matapos ang isang taon, nagpasya ang

kanyang pamilya na paaralin siya sa Maynila. Kaya

kumuha siya ng pagsusulit sa Colegio de San Juan Letran.

Mahilig magbasa si Rizal. Aniya:

 

Labis ang kasiyahan ko sa mga kuwento…. Sinabi ng mga

magulang ko na alagaan ang aking mga libro. Inanyayahan

nila akong basahin at intindihin ang mga ito.

Taong 1872 naman nang pumasok si Rizal sa Ateneo

Municipal de Manila. Nakamit ni Rizal ang kanyang

Batsilyer sa Artes dito noong 1877. Tungkol sa kanyang

pag-aaral sa Ateneo sinabi ni Rizal, “Iyon ang mga

masasayang araw.”

 

Sa Ateneo sobresaliente ang grado ni Rizal sa lahat ng

kanyang mga kurso:

 

•   Aritmetika, Algebra, Geometry at Trigonometry;

•   Mga wikang Latin, Espanyol, Griyego, at Pranses;

•   Retorika at Pagtula;

•   Heograpiya, Pangkalahatang Kasaysayan, at

      Kasaysayan ng Espanya at Pilipinas; at

•   Minerolohiya at Kemistri, Pisika, Botany at Zoolohiya.

Retorika

 

Pag-aaral ng paggamit ng wika sa paraang

pinaka-epektibo sa pagkumbinsi.

Botany at Zoolohiya

 

Ang botany ay pag-aaral ng mga halaman.

Ang zoolohiya naman ay pag-aaral ng mga

hayop.

Ano ang ‘sobresaliente’?

 

Ito ang markang nangangahulugang

‘pinakamahusay’ para sa mag-aaral na

nakapagpamalas ng kahanga-hangang

abilidad at katalinuhan sa isang kurso.

Ang sistemang pangmarkahan ng

Unibersidad ng Sto. Tomas ay ang

sumusunod:

 

Sobresaliente – pinakamahusay

Notable, Aprovechado – mahusay

Bueno – magaling

Mediano – katamtaman

Aprobado – pasado

Suspenso – kondisyonal

Reprobado – hindi pasado

 

Mga Marka ni Rizal sa Ateneo

1872-1877

Marka ni Rizal

Mula sa Artsibo ng Unibersidad ng Santo Tomas

Noong 1877, pumasok si Rizal sa Unibersidad ng Santo

Tomas upang mag-aral ng medisina. Magaganda rin ang

mga marka niya ngunit hindi natapos ni Rizal ang

pag-aaral sa Unibersidad ng Santo Tomas. Noong 1882,

kinailangan niyang umalis ng Pilipinas dahil:

 

•   Unti-unti siya nagiging mainit sa mata ng mga

      Espanyol dahil sa ilang akdang isinulat niya; at

•   Nakaaway niya ang isang guwardiya sibil sa isang

      insidente sa Calamba.

Aprovado ang marka ni Rizal sa patolohiya

(pathology) sa ikatlo niyang taon ng

medisina, 1880-1881.

Marka ni Rizal sa Patolohiya

Mula sa Artsibo ng Unibersidad ng Santo Tomas

Samantala sobresaliente naman ang

kanyang marka sa ibang kurso.

Marka ni Rizal sa ibang kurso

Mula sa Artsibo ng Unibersidad ng Santo Tomas

Habang nagbabakasyon si Rizal sa Calamba, nakasalubong niya ang isang guwardiya sibil. Dahil madilim, hindi niya ito sinaludo. Tinamaan si Rizal ng espada ng guwardiya sibil at nasugatan.

Noong 1879, nanalo si Rizal ng unang gantimpala para sa kanyang tulang “Sa Kabataang Pilipino” (A la Juventud Filipina). Matapos ang isang taon, nanalo muli ang kanyang akdang “Ang Konseho ng mga Diyos” (El consejo de los Dioses) pero ipinagkait sa kanya ang gantimpala dahil siya ay Pilipino.

Upang iwasan ang banta mula sa gobyerno, pumunta si

Rizal sa Espanya at doon itinuloy ang kanyang pag-aaral

sa Universidad de Madrid. Nagtapos siya ng medisina sa

Madrid noong 1886.

 

Handa ka na ba para sa Gawain 1?

Gawain 1. Ang Mag-aaral na si Jose

 

Basahin ang timeline ng pag-aaral ni Rizal. Kasama rito

ang mga karangalang natanggap niya habang siya ay

estudyante.

 

Sagutin ang mga tanong base sa timeline. I-drag ang

tamang sagot mula sa kahon sa kanan. Kailangang piliin

lahat ng tamang sagot kung higit sa isa ito. 

1. Ilang taon si Rizal noong nakamit

niya ang una niyang gantimpala?

 

 

 

 

 

2. Anong digri ang natapos ni Rizal

sa Ateneo Municipal de Manila?

3. Bago pa man natapos ang

pag-aaral sa unibersidad ay

naipamalas ni Rizal ang kanyang

talento sa pamamagitan ng mga

gawad sa aling mga larangan?

 

4. Ano ang edad ni Rizal noong

siya ay naging doktor?

 

 

 

 

 

5. Masasabing ordinaryong mag-aaral

lamang si Rizal.

Handa ka na ba para sa Gawain 2?

Gawain 2. Ang Kahalagahan ng Edukasyon

 

Basahin ang liham ni Rizal sa kanyang pamangkin, Alfredo

Hidalgo, anak ng panganay niyang kapatid na si Saturnina

at ang asawa nito, si Manuel (Maneng) Hidalgo. Sinulat ni

Rizal ang liham habang siya ay isang eksilo sa Dapitan.

Noong 1892, ipinatapon ng pamahalaang

Espanyol si Rizal sa Dapitan dahil sinabing

kinakalaban niya ang simbahan at

gobyerno. Dito siya nanatili bilang isang

eksilo hanggang 1896.

20 Disyembre 1893

 

Mahal kong Alfredo,

 

     Labis ang tuwa ko sa sulat mo at nakikita kong napakagaling mo. Pinupuri kita sa kagalingan mo at sa mataas mong grado.

 

     Naniniwala akong tungkulin kong tawagin ang pansin mo sa isang maliit na pagkakamaling ginawa mo sa sulat, isang pagkakamaling madalas ginagawa sa lipunan. Hindi sinasabing “I and my brother greet you” kundi “My brothers and I greet you.” Parati mo dapat inilalagay ang sarili mo sa huli. Dapat sabihin mong, “Emilio and I; You and I; My friend and I” atbp.

 

     Sa kabila nito, hindi na nagkulang ang iyong liham sa aspeto ng kalinawan, maiksi ngunit malaman na pananalita, at ortograpiya. Ipagpatuloy mo; mag-aral, mag-aral, at magmuni-muni nang maigi tungkol sa iyong pinag-aralan. Seryosong bagay ang buhay at ang mga taong matalino at may puso lamang ang karapat-dapat na nakalalagpas. Para mabuhay kinakailangan maging bahagi ng lipunan at para maging bahagi ng lipunan kinakailangan ang pagpupunyagi. Ngunit ang naturang pagpupunyagi ay hindi isang brutal at materyal na laban sa mga tao; isa itong laban sa kanila at sa sarili, sa kanilang damdamin at sa sariling damdamin, sa mga pagkakamali at ligalig. Isa itong walang-kamatayang labanan na may ngiti sa labi at luha sa puso. Sa larangan ng digmaan, walang mas nakabubuting armas kundi ang katalinuhan, walang ibang puwersa kundi ang puso. Kung gayon, patalasin, pagbutihin, at patingkarin mo ang iyong isipan at palakasin at turuan mo ang iyong puso.

 

     Sapat na ang isinulat ko sa kasalukuyan. Binabati kita ng isang Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon.

 

                      Tiyo mong nagmamahal sa iyo,

                      Jose Rizal

Ortograpiya

 

Pag-aaral ng tamang pagbaybay, tamang

pag-ayos ng mga titik, at ugnayan ng mga

tunog at titik.

Liham ni Rizal

 

1. Masasabing binasa ni Rizal nang mabuti ang liham ng

kanyang pamangkin dahil

 

  1. Mahal niya ito.
  2. Pinansin niya pati ang paggamit at pag-sasaayos
    ng mga salita.
  3. Nalulungkot si Rizal sa Dapitan.

Liham ni Rizal

 

2. Kapag tinutukoy ang sarili at ang ibang tao, bakit

kayang kinakailangang hinuhuli ang sarili?

 

  1. Bilang paggalang sa iba
  2. Upang ipakita na hindi mahalaga ang sarili
  3. Dahil mas malaki ang papel ng iba kaysa sa sarili

Liham ni Rizal

 

3. Sino ang nakalalagpas sa buhay?

 

  1. Taong matalino at may puso
  2. Taong makasarili at nananakit ng ibang tao
  3. Taong hindi edukado at tamad

Liham ni Rizal

 

4. Sa larangan ng digmaan, ano ang

pinakamabuting armas?

 

  1. Baril
  2. Kanyon
  3. Katalinuhan

Liham ni Rizal

 

5. Pinayuhan ni Rizal ang kanyang pamangkin na

mag-aral at mag-aral nang mabuti sapagkat

 

  1. Maipagmamalaki niya sa iba ang kanyang
    kaalaman
  2. Mananaig niya ang sarili niyang kahinaan at
    pagkakamali
  3. Magiging mayaman ang taong nag-aral.

Liham ni Rizal

 

6. Upang maging bahagi ng lipunan

kailangang magpunyagi

 

  1. Sa larangang materyal lamang
  2. Sa paraang marahas lamang
  3. Di lamang laban sa pagkakamali ng iba kundi rin
    laban sa sariling pagkukulang

Handa ka na ba para sa Gawain 3?

Gawain 3. Ang Kahalagahan ng Edukasyon

para sa mga Babae

 

Para kay Rizal, mahalaga rin ang edukasyon ng mga babae

na noong panahong iyon ay hindi binibigyan ng

importansya. Basahin ang bahagi ng liham na sinulat ni

Rizal habang siya ay nasa Alemanya, sa kanyang

nakababatang kapatid na si Trinidad (Trining).

 

Sagutin kung TAMA o MALI ang

sumusunod na pangungusap base sa liham ni Rizal.

Huwebes, 11 Marso 1886



 

Mahal kong kapatid na Trining,

 

     Nakalulungkot na sa bansa natin ang

pangunahing palamuti ng kababaihan ay

parating binubuo ng mga damit at kasuotan

sa halip na edukasyon. Sa ating mga

lalawigan, napapanatili ng kababaihan ang

mga katangian na tinutumbasan ang

kanilang munting karunungan – ang

katangian ng pagsisikap at kalambingan.

Wala akong nakilalang babae sa Europa na

mapapantayan ang mga naturang

katangian ng kababaihan diyan. Kung ang

mga katangiang ito na likas na ipinamalas

sa ating kababaihan ay mapupunuan pa ng

mga intelektwal na katangian tulad ng

makikita sa Europa, wala nang iba pang

ikaiinggit ang pamilyang Pilipino sa mga

taga-Europa. Sa dahilang ito, ngayon na

bata ka pa at may panahon pang mag-aral,

nararapat lamang na mag-aral ka sa

pamamagitan ng pagbabasa at pagbabasa

ng masinsinan. Nakalulungkot na

pinapayagan mo ang sarili mong maging

tamad kung ang kaunting pagsisikap

lamang ang kinakailangan upang kalabanin

ito. Sapat na ang masimulan ang ugali sa

pag-aaral at malalampasan din ang ibang

hamon sa hinaharap.

 

     Umaasa akong matanggap ang iyong

liham upang makita kung umuusad ka o

hindi [sa iyong edukasyon]. Kung

kakayanin, sulatan mo ako sa wikang

Espanyol.

 

                                         Iyong kapatid,

                                         Rizal

Liham 

 

1. Para kay Rizal, kinakailangan maging

mas edukado ang kababaihang Pilipino.

    
     
     

2. Ang mga katangian ng pagsisikap at

kalambingan ay hindi mabubuting katangian.

 
     
     

3. Ang mga babae sa Europa ay hindi edukado

tulad ng mga babaeng Pilipino.

 
     

Huwebes, 11 Marso 1886



 

Mahal kong kapatid na Trining,

 

     Nakalulungkot na sa bansa natin ang

pangunahing palamuti ng kababaihan ay

parating binubuo ng mga damit at kasuotan

sa halip na edukasyon. Sa ating mga

lalawigan, napapanatili ng kababaihan ang

mga katangian na tinutumbasan ang

kanilang munting karunungan – ang

katangian ng pagsisikap at kalambingan.

Wala akong nakilalang babae sa Europa na

mapapantayan ang mga naturang

katangian ng kababaihan diyan. Kung ang

mga katangiang ito na likas na ipinamalas

sa ating kababaihan ay mapupunuan pa ng

mga intelektwal na katangian tulad ng

makikita sa Europa, wala nang iba pang

ikaiinggit ang pamilyang Pilipino sa mga

taga-Europa. Sa dahilang ito, ngayon na

bata ka pa at may panahon pang mag-aral,

nararapat lamang na mag-aral ka sa

pamamagitan ng pagbabasa at pagbabasa

ng masinsinan. Nakalulungkot na

pinapayagan mo ang sarili mong maging

tamad kung ang kaunting pagsisikap

lamang ang kinakailangan upang kalabanin

ito. Sapat na ang masimulan ang ugali sa

pag-aaral at malalampasan din ang ibang

hamon sa hinaharap.

 

     Umaasa akong matanggap ang iyong

liham upang makita kung umuusad ka o

hindi [sa iyong edukasyon]. Kung

kakayanin, sulatan mo ako sa wikang

Espanyol.

 

                                         Iyong kapatid,

                                         Rizal

Liham

 

4. Kung nakapag-aaral ang kababaihang

Pilipino, wala ng iba pang ikaiinggit ang

mga Pilipino sa mga Europeo.

    
   
     

5. Nakatutulong sa edukasyon ang pagbabasa.

 
   

Huwebes, 11 Marso 1886



 

Mahal kong kapatid na Trining,

 

     Nakalulungkot na sa bansa natin ang

pangunahing palamuti ng kababaihan ay

parating binubuo ng mga damit at kasuotan

sa halip na edukasyon. Sa ating mga

lalawigan, napapanatili ng kababaihan ang

mga katangian na tinutumbasan ang

kanilang munting karunungan – ang

katangian ng pagsisikap at kalambingan.

Wala akong nakilalang babae sa Europa na

mapapantayan ang mga naturang

katangian ng kababaihan diyan. Kung ang

mga katangiang ito na likas na ipinamalas

sa ating kababaihan ay mapupunuan pa ng

mga intelektwal na katangian tulad ng

makikita sa Europa, wala nang iba pang

ikaiinggit ang pamilyang Pilipino sa mga

taga-Europa. Sa dahilang ito, ngayon na

bata ka pa at may panahon pang mag-aral,

nararapat lamang na mag-aral ka sa

pamamagitan ng pagbabasa at pagbabasa

ng masinsinan. Nakalulungkot na

pinapayagan mo ang sarili mong maging

tamad kung ang kaunting pagsisikap

lamang ang kinakailangan upang kalabanin

ito. Sapat na ang masimulan ang ugali sa

pag-aaral at malalampasan din ang ibang

hamon sa hinaharap.

 

     Umaasa akong matanggap ang iyong

liham upang makita kung umuusad ka o

hindi [sa iyong edukasyon]. Kung

kakayanin, sulatan mo ako sa wikang

Espanyol.

 

                                         Iyong kapatid,

                                         Rizal

Mabuhay Katipunero! Natapos mo na ang Aralin. Ano ang iyong nais gawin?

1861

Isinilang si Rizal sa Calamba, ikapitong anak

nina Francisco at Teodora Mercado. 

1870

Nag-aral sa paaralan sa Biñan sa ilalim

ni Maestro Justiniano Aquino Cruz.

1871

Nag-aral sa paaralan sa Calamba sa

ilalim ni Maestro Lucas Padua.

1872

Pumasok sa Ateneo Municipal de

Manila bilang day scholar.

 

 

 

 

Ang isang ‘day scholar’ ay estudyanteng nag-aaral ngunit hindi nakatira sa dormitoryo ng paaralan.

1875

Naging boarder sa Ateneo.

1876

Natapos ang Batsilyer sa Artes nang may pinakamataas

ng karangalan sa Ateneo de Manila.

1877

Pumasok sa Unibersidad ng Sto. Tomas

sa programang Pilosopiya.

1877

Nakuha ang diploma ng natatanging pagkilala at pagpuri mula sa Royal

Economic Society of Friends of the Country para sa kanyang tula,

“Sa Kabataang Pilipino (A la Juventud Filipina)".

1878

Nag-enrol sa programang Medisina sa Unibersidad ng Sto. Tomas.

1878

Nanalo ng gantimpalang Liceo Artistico-Literario sa kategorya ng

tulang sinulat ng mga indio at mestizo. Ang tula ni Rizal ay

ang “Sa Kabataang Pilipino” (A la Juventud Filipina).

1880

Natanggap ang Licco Artístico-Literario diploma para sa natatanging pagkilala

sa alegoryang, “Ang Conseho ng mga Diyos (El consejo de los Dioses),

sa kategoryang bukas sa mga Espanyol, mestizo, at indio. Hindi

ginawad kay Rizal ang unang gantimpala.

1881

Nanalo ang isinumiteng disenyo ng modelong wax para sa

sentenaryo ng Marangal na Lipunang Pang-ekonomiyang

Pilipino ng mga Kaibigan ng Bansa. 

1882

Palihim na umalis ng Maynila patungong Espanya.

1882

Sinimulan ang pag-aaral sa Universidad de Madrid, Espanya.

1886

Nakamit ang digri ng Medisina na may natamong

karangalan sa Unibersidad ng Madrid. 

Timeline