Aralin 5

Mga Akda ni Rizal

 

Simula pagkabata, mahilig nang magsulat si Jose Rizal.

Mas lalong tumindi ang hilig niyang ito nang pumasok siya

sa paaralan kung saan nakagawa siya ng mga tula, dula,

talumpati at sanaysay.

 

Isang halimbawa ang “Sa Kabataang Pilipino,” tulang

nagwagi ng gantimpala sa Unibersidad ng Santo Tomas

noong 1879. Sa akdang ito, hinimok ni Rizal ang mga

kabataan—na tinawag niyang “pag-asa ng bayan”—na

kumilos para sa ikabubuti ng bayan.

Isinulat niya ito sa Espanyol (A La Juventud Filipina.)

Itinayo ang Unibersidad ng Santo Tomas

(UST) ng mga paring Dominikano sa

Pilipinas noong 1611. Matapos mag-aral sa

Ateneo Municipal, sa UST ipinagpatuloy ni

Rizal ang kanyang pag-aaral. Sa UST din

nag-aral ang ibang mga tanyag na Pilipino

tulad nina Apolinario Mabini, Antonio Luna

at Marcelo H. del Pilar.

 

Sa ibaba ang lumang pasukan ("Arch of

the Centuries") ng unibersidad noong ito

ay nasa Intramuros pa.

 

Nang magtungo si Rizal sa Europa upang

magpakadalubhasa sa optalmolohiya, patuloy pa rin

siyang sumulat. Doon niya isinulat ang kanyang kilalang

nobelang Noli Me Tangere (inilathala 1887) at El
Filibusterismo
(inilathala 1891).

 

Inialay ni Rizal ang El Filibusterismo para sa

tatlong paring martir na si Burgos, Gomez

at Zamora, na pinarusahan sa kamatayan ng

gobyernong Espanyol dahil sa hinalang sila

ang namuno sa pag-aalsa sa Cavite noong

1872. Ang nobelang ito ang karugtong ng

Noli Me Tangere. Bagama’t may mga bagong

karakter, naroon pa rin ang mga

pangunahing tauhang sina Ibarra (na

nagpanggap na Simon), Maria Clara, Basilio

at Kapitan Tiago. Inilimbag ito sa Ghent,

Belgium noong 1891, isang taon bago ang

pagbabalik ni Rizal sa Pilipinas.

Isang sangay ng Medisina na ang tuon ay ang

katangian, anatomiya at sakit sa mata. Layunin

ni Rizal na magamot ang lumalabong mata ng

kanyang ina, si Teodora Alonso, kaya’t

nagpakadalubhasa siya sa larangang ito.

Dalawampu’t anim na taong gulang si Rizal

nang kanyang sulatin ang Noli Me Tangere.

Nangangahulugang “huwag mo akong

salingin,” hango ang Latin na pamagat sa

Biblia. Sa Juan 20:17, sinabi ito ni Hesus

nang tangkain siyang hawakan ni Maria

Magdalena. Hindi raw siya maaaring salingin

sapagkat hindi pa siya nakakaakyat sa

langit. Inilimbag ang nobela ito sa Berlin,

Germany noong 1887.

Sa mga akdang ito, ipinakita ni Rizal ang kalagayan at mga

suliranin ng Pilipinas sa panahong iyon, at naghain ng mga

posibleng solusyon sa mga problema.

Nang nasa Europa siya, isinalin din ni Rizal sa Tagalog ang

ilang mga kwentong pambata ng manunulat na si Hans
Christian Andersen
, tulad ng Ang Punu ng Pino (The Fir

Tree), Si Gahinlalaki (Thumbelina), Ang Pangit na Sisiw ng

Pato (The Ugly Duckling), at Ang Batang Babaing may

Dalang Sakafuego (The Little Match Girl). Ginawa niya ito

bilang regalong pamasko sa mga pamangkin niyang nasa

Pilipinas.

Hans Christian Andersen

2 Abril 1805 - 4 Agosto 1875

 

Ipinanganak sa Denmark, nakilala bilang

isang manunulat at makata si Hans

Christian Andersen. Mas natanyag siya sa

kanyang pagsusulat ng mga kwentong

pambata. Ang mga kwentong ito ay

kinagiliwan ng marami at naisalin na sa

iba’t ibang mga wika. Nahilig sa pagbabasa

si Hans sa pamamagitan ng kanyang ama

na nagpakilala sa kanya sa mundo ng

literatura. 

 

Maliban sa pagsusulat naging bahagi rin si

Hans ng mga dulang pang-entablado.

Sinasabing ang kanyang mag kwentong

pambata ay hango sa kanyang mga narinig

na kwento noong siya ay bata pa lamang.

Dahil din sa kanyang paglalakbay at

pakikisalamuha sa iba’t ibang mga tao,

nakakuha ng inspirasyon si Hans para sa

kanyang mga kwento. Marami sa kanyang

mga akda ay naisapelikula na rin. Noong

1872, nahulog siya mula sa kanyang

higaan at hindi na tuluyang gumaling.

Lumala pa ang kanyang kondisyon nang

noong 1875 ay nalamang mayroon siyang

kanser sa atay. Namatay siya sa

Copenhagen- ang kapital ng Denmark.

Maliban sa mga akdang ito, gumuhit din si Rizal ng iba’t

ibang mga larawan ng tao, pangyayari, lugar at iba pa. Isa

sa mga kilala niyang guhit ay tungkol sa pabula ng

matsing at pagong. Ginawa niya ito noong 1886 sa Paris,

Pransiya para sa magiging asawa ng kaibigan niyang si

Juan Luna, na si Paz Pardo de Tavera.

Ang pabula ay isang anyo ng literaturang

ang pangunahing mga tauhan ay mga

hayop. Ang mga pabula ay naglalayong

magbigay ng aral sa mga mambabasa,

lalo na sa mga bata.

Juan Luna 

24 Oktubre 1857 - 7 Disyembre 1899

 

Isinilang si Juan Luna sa Badoc, Ilocos

Norte noong 1857. Naging tanyag na

pintor si Luna; sinimulan niya ang

kanyang pormal na pag-aaral ng

pagpipinta sa ilalim ng gurong si

Lorenzo Guerrero. 

 

Noong 1887, nagtungo siya sa Madrid,

Espanya upang ipagpatuloy ang

kanyang pag-aaral sa Real Academia

de Bellas Artes de San Fernando. Sa

panahong iyon kanyang ipininta ang

"Dafne y Chloe" na nagwagi ng pilak

na karangalan mula sa Centro

Artistico-Literario de Manila.

 

Maliban dito, nagtamo rin si Luna ng

marami pang mga karangalan sa

Pilipinas at sa Europa. Kabilang dito

ang pagwawagi niya ng isang gintong

medalya  sa Exposisyon sa Madrid

noong 1884 para sa kanyang obrang

"Spoliarium."

 

Ang kanyang asawang si Paz ay kapatid

ni Trinidad Pardo de Tavera, isang

tanyag na doktor, historyador at

pulitiko.

 

Noong 1896, si Juan Luna at ang

kanyang kapatid na si Antonio Luna

ay hinuli ng mga maykapangyarihan

sa salang subersyon. Sa kulungan

nakapagpinta siya ng ilan pa sa

kanyang mga kilalang obra. Namatay

siya sa Hong Kong noong 1899.

Handa ka na ba para sa Gawain 1?

Gawain 1. Ang Makulay na Matsing at Pagong

 

Ang pabulang “Ang Matsing at ang Pagong” ay isinalin at

iginuhit sa pormang komiks ni Rizal. Isa itong kwentong

pambata na sinasabing mula sa mga Ilokano. Laganap ang

kwentong ito sa maraming lugar sa Pilipinas. Tingnan ang

mga guhit ni Rizal.

 

Ngayon basahin ang kwento at kulayan ang modernong

paglalarawan nito.

Ang kwento ay tungkol sa isang matsing at isang pagong.

Isang araw naglalakad sila sa gilid ng isang ilog. Nakakita sila ng puno ng saging na inaanod.

Napagpasyahan nilang paghatian ang puno.

 At hinati nga nito ito sa pagitan nilang dalawa.

 Pinili ni Matsing ang itaas na bahagi. Ito ang mayroong mga dahon. Kay Pagong naman ang ibabang bahagi.

 Itinanim ni Matsing ang kanyang bahagi.

 Ganundin ang ginawa ni Pagong.

 Makalipas ang ilang araw, namatay ang itinanim ni Matsing.

 Nabuhay naman at nagkaroon ng mga dahon ang kay Pagong.

 Isang araw, nang magkita sina Matsing at Pagong, napag-usapan nila ang itinanim na mga saging.

 “Ay naku! Namatay ang itinanim ko! Ano ang nangyari sa bahagi mo?” ang salaysay at tanong ni Matsing kay Pagong.

 “Aba, ayun! Nabuhay at mayroon nang mga bunga,” ang sagot naman ni Pagong.

 “Subalit, nahihirapan akong kumuha ng bunga nito.”

 “Huwag kang mangamba, Pagong. Tutulungan kita!”

 Nagpasalamat si Pagong dahil sa kabaitan ng kaibigan.

 At nagtungo nga sila kung saan nakatanim ang saging.

 Mabilis na inakyat ni Matsing ang puno.

 Kumuha at kumain na ng bunga ng saging si Matsing sa itaas ng puno.

 “Bigyan mo rin ako!” ang sabi ni Pagong na nasa ibaba ng puno.

 “Hindi maaari! Akin lang ang lahat ng bunga!” Ang sagot naman ni Matsing.

 Dahil dito, naghanap ng mga tinik si Pagong at inilagay sa puno ng saging.

 At saka siya nagtago sa ilalim ng bao ng niyog.

 “Aray! Aray!” sambit ni Matsing nang matusok siya sa mga tinik na inilagay ni Pagong.

 Hinanap ni Matsing si Pagong para papanagutin sa kanyang pagkakatinik.

 Subalit hindi niya ito nakita. Kaya umupo na lamang sa bao ng niyog.

 Sa maliit na butas ng bao, hinila ni Pagong ang buntot ng walang-kaalam-alam na si Matsing.

 Nagalit si Matsing dahil nasaktan ang kanyang buntot.

 “Dapat kang mamatay!” ang sabi ni Matsing kay Pagong.

 “Subalit, paano?”

 “Ah!”

 “Gusto mo bang didikdikin na lamang kita gamit ang almires o itapon kita sa ilog?”

“Naku! Dikdikin mo na lang ako kaysa itapon sa ilog. Hindi ako marunong lumangoy!” ang sagot naman ni Pagong. 

 “Hehehe! Dahil diyan, itatapon kita sa ilog!” ang sabi ni Matsing.

 At itinapon nga ni Matsing sa ilog si Pagong.

 (Matalas man daw ang matsing, Ay napapagdayaan din.)

Paris, 1885, Rizal

Handa ka na ba para sa Gawain 2?

Gawain 2. Ang Istorya ng Matsing at Pagong

 

A. Sagutin ang sumusunod na mga tanong batay sa kwento.

Piliin lamang ang tamang sagot.

1. Sinu-sino ang pangunahing tauhan ng kwento?

 

  1. Langgam at Lawin
  2. Isda at Pating
  3. Matsing at Pagong

2. Anong puno ang napagkasunduan nilang paghatian?

 

  1. Santol
  2. Saging
  3. Bayabas

3. Kaninong bahagi ang nabuhay at namunga?

 

  1. Pagong
  2. Matsing
  3. Kalabaw

4. Saan nagtago si Pagong nang magalit sa kanya si

Matsing?

 

  1. Sa bitak ng lupa
  2. Sa ugat ng puno
  3. Sa bao ng niyog

5. Anong salawikain ang pinakaangkop na paglalarawan

sa nangyari sa hulihang bahagi ng kwento?

 

  1. Kung may tiyaga, may nilaga.
  2. May tenga ang lupa, may pakpak ang balita.
  3. Tuso man daw ang matsing, napaglalalangan din.

B. Hanapin sa kanang bahagi ang katangian o kaugnayan

ng bawat salitang nasa kaliwa. I-drag ang mga katangiang

ito patungo sa kaliwa. 

1. Saging

 

Kung saan natagpuan ang

saging

2. Pagong

 

Uri ng punong maaaring

itanim ang bahaging may

ugat

3. Ilog

 

Mabagal maglakad

subalit magaling

lumangoy

4. Tinik

 

Magaling sa pag-akyat ng

puno

5. Matsing

 

Dahilan ng pagkakasugat

ni Matsing

Handa ka na ba para sa Gawain 3?

Gawain 3. Mga Pangyayari sa Ugnayan nina Matsing at Pagong

 

Pagsunud-sunurin ang mga pangyayari sa ibaba batay sa kwento nina Matsing at Pagong. I-drag sa tamang kahon ang nararapat na pangyayari.

 

1

 

Kinausap ni Matsing si Pagong na siya na lang ang aakyat at kukuha ng mga bunga ng saging.

     

 

2

 

Nakikita sina Matsing at Pagong ng puno ng saging na lumulutang sa ilog.

     

 

3

 

Natusok kaya’t nagalit si Matsing sa inilagay na tinik ni Pagong sa ilalim ng puno ng saging.

     

 

3

 

Itinanim nila ang kanya-kanyang parte; tumubo at namunga ang kay Pagong samantalang namatay naman ang kay Matsing.

     

 

5

 

Itinapon sa ilog ni Matsing si Pagong na nagsabing hindi marunong lumangoy.

 

6

 

Nagalit si Pagong dahil hindi siya binigyan ng saging ni Matsing.

     

 

7

 

Napagkasunduan nilang hatiin ang saging: kay Matsing ang itaas na bahaging may dahon at kay Pagong ang ibabang may ugat.

Mabuhay! Natapos mo na ang Aralin. Ano ang iyong nais gawin?